Chapter 7

42.7K 666 74
                                    

Chapter 7

"What?!" nanlalaki ang mga mata ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa seryosong mukha ni Nate. Tama ba ang narinig ko? Magtatanan daw kami? Kinaladkad niya ako papunta sa may car park at doon palang niya pinakawalan ang nag-iinit kong pulso.

"Tss." napadaing ako ng pitikin niya ng malakas ang aking noo at sinabayan pa niya ng tawa. Leche! Akala ko naman totoo na!

"Baliw ka ba? Bakit naman tayo magtatanan? Hahaha. Hindi naman tayo!" ouch naman! Kailangan talaga isampal sa akin yung fact na hindi kami. Paano naman magiging tayo kung mukha ka namang Janine?! Kinaladkad pa ako para lang mag joke. Nakakatawa sobra!

"So bakit mo nga ako kinaladkad? Dapat tumulong man lang tayong umawat don sa loob. Gosh! Nakakahiya si mommy! Kapag nalaman ni Mamita ang ginawa ni mommy tiyak na lagot siya." si Mamita ang mother ni daddy. Mabait siya at mahal niya ako 'yon nga lang mas pabor siya kay Tita Sheila kaysa kay mommy ayun lalong lumala ang inggit ng mommy ko.

"Away na ng mga magulang natin 'yon. Hayaan na natin sila." nakaramdam ako ng hiya sa harap ni Nate ng maalala ang bintang ni mommy kay Tita Sheila. Kabit?!

"Nakakahiya na talaga si mommy kung minsan. Eskandalosa at minsan bigla nalang sumusugod tulad nito. I know hindi biro ang pinagdadaanan niyo tapos sumabay pa ang mommy ko. Hay. Sorry." kung makapag-usap kami ni Nate ay parang matagal na kaming mag-kaibigan na kung tutuusin ay nagsimula kaming mortal na magkaaway. Kompetensya ang turing niya sa akin noon lalo pa at magkamuka kami ng course.

"Naiinis ako pero ayokong sabihin baka masaktan ulit kita tulad ng ginawa ko noong nasa bar. Hindi ko masisisi si Tita Trinie, kanina ko lang nakita kung gaano ka-concern si Tito King kay mommy. Maybe you're right na mahal pa nila ang isa't-isa." malungkot ang mga mata niya at hilaw ang mga ngiti niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil mahal niya ang kinilala niyang daddy.

"Ihahatid na kita." akma niyang bubuksan ang front seat ng pinigilan ko siya sa braso.

"Oh? Why?" he asked curiously habang ako naman ay umiiling.

"Ayokong makita si mommy. Aawayin lang niya. Let's go somewhere." hindi ko feel na umuwi ng bahay lalo pa't nagka-initan na naman kami ni mommy. Exhausted na ko physically and emotionally at gusto kong maka-langhap ng sariwang hangin. Gusto kong lumayo sa magulong lugar na ito.

"Hmm? Saan ba? Out of town?" tanong ni Nate habang nakahawak sa kanyang baba na para bang nag-iisip ng mabuti. Yay! Ang gwapo niya lalo kapag nag-iisip siya tapos ngumunguso nguso pa siya! Ano ba?! Lahat nalang ba ng expressions mo ay gwapo? Wala ka bang ipapangit Nathaniel Cueva?

"Teka? Ngayon mo gustong mag out of town?!!" namamangha niyang tanong sa akin. Napaatras ako ng yumuko siya at ilang pulgada nalang ang lapit niya sa mukha ko. Paano naman ako makakasagot kung ganyan ka kalapit?! Paki-explain naman sakin!

"Hmm. Hindi nam---"

"ALAM KO NA!! HAHA. SAKAY!" bago pa ako makasagot ay pinagtulakan niya ako papasok sa loob ng kotse niya. Muntik na tumama ang ulo ko sa pinto! Saan ba niya balak magpunta at parang excited siya! Tss.

"Dahan-dahan naman!" reklamo ko habang si Nate ay excited na pinaandar ang kanyang Hilux.

Nang makalabas na kami ng parking lot ay napansin kong patungon kami south. Nagpatugtog lang siya ng musika habang ako naman wala pa ding ideya kung saan ba kami papunta. Totohanin na ata niya ang pagtatanan namin. Wala akong damit na dala! Haha. Sumasabay sa kanta si Nate at ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang boses niya! Nadagdagan na naman ang reason ko kung bakit ko siya gusto. Mala-Ed Sheeran naman pala ang boses niya! Hindi ko mapigilan ang tumitig sa gwapo niyang mukha habang tinatapik-tapik pa niya ang manibela. I find him really hot!

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon