Chapter 8

37.6K 606 30
                                    

Chapter 8

Hindi ako makapaniwala na sa buong buhay ko ay mapupunta ako sa police station at kaharap ang naka-posas na si Nathaniel. May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya pagkatapos ng gulong ito? Inis kong ipikinit ang aking mga mata lalo na tignan ako ng masama ni Nathaniel. Patay na talaga ako!

"Mga kabataan talaga ngayon! Magtatanan pa! Hindi ninyo iniisip mga magulang ninyo. Tss. At sa liblib na lugar pa talaga kayo nagtago ah?" sermon sa amin ng pulis na may malaking tiyan. Parang sabog ang hitsura ko dahil hindi ko na nagawang ayusin pa ang sarili ko buti na lamang ay pinahiram ako ng jacket ni Nate. Ayokong tignan siya sa mata lalo na at nakikita ko kung gaano siya kainis ngayon. Lagot ka talaga sakin Ma!

"Nathalia Marie Romualde. Aba! Anak pa pala ni Trinie Romualde 'tong syota mo bata!" sabay kaming umirap sa kawalan ni Nate habang nakangisi sa amin ang pulis.

"Pwede po bang alisin niyo na ang posas ni Nathaniel?" mariin kong paki-usap sa pulis habang siya naman ay patuloy pa rin sa pag-ngisi. Tss. Mukha palang ni manong parang di na mapagkakatiwalaan.

"Bilin ng nanay mo ay wag daw pakakawalan 'tong nobyo mo at baka takbuhan ka." ano bang pumasok ni mommy at kailangan pang mapunta kami sa presinto?! Paano nalang kung kumalat ang balitang 'to? Nakakahiya lalo na sa pamilya ni Nathaniel! Ugh! Nagkakagulo na nga sa Maynila tapos pati ba naman dito? Nakakainis ka na talaga mommy!

"Hindi ko siya girlfriend kaya pakawalan niyo na ako!" angil ni Nathaniel habang pilit na kumakawala sa pagkaka-posas niya. Maka-deny naman si Kuya parang malaking kasalanan na maging girlfriend niya ako. Tss.

"Hindi mo girlfriend pero bakit dinadala mo sa liblib na lugar? Pagkatapos mong magpaka-sarap ngayon idedeny mo girlfriend mo? Aba matinde! Oy bata may anak din akong babae!" feeling ko nga si Nathaniel ang may kasalanan pero ako naman ang nag-insist na doon nalang matulog.

"ANG ANAK KO?!! OH MY NATHALIA!" hysterical at halatang umaarte lamang si mommy pagpasok niya sa loob ng presinto. Agad niya akong nilapitan kasunod si daddy sa gilid ng aking mga mata ay naroon si Tita Sheila at Kuya Arsane para daluhan ang pobreng Nathaniel.

"Anong ginawa sa'yo ni Nathaniel? Tell me? Oh my gosh! King nalingat lang tayo ay natangay na siya ng kung sino! My baby girl!" tinabig ko ang kamay ni mommy ng akma niyang hahawakan ang mukha ko. Kailan pa siya natutong gumamit ng artificial tears? Obvious naman na pineke lang niya ang kanyang luha. Hello! Napapanood ko sa koreanovela yan. Una lagi ang kaliwang mata sa pagluha saka palang susunod ang kanang mata.

"Wala siyang ginawa sa akin kaya pwede ba tigilan na natin ang kahihiyang ito?" inirapan lang ako ni mommy at para bang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Oh my gosh! Nathaniel Cueva if you are man enough ay siguro naman pakakasalan mo ang anak ko pagkatapos ng eskandalong ito?" taas kilay na hinarap ni mommy si Nate. What?! Nanlalaki ang mga mata namin ni Nate habang hindi makapaniwala sa suhestiyon ni mommy. Is she crazy?! Natuluyan na ba talaga siya?!!

"Hindi ko pakakasalan si Nathalia! Wala kaming ginawang masama! We were just hanging around!" singhal ni Nathaniel. Bakas ang matinding galit sa kanyang mga mata at di ko maiwasang matakot. Gusto kong masalba pa ang pagkakaibigan namin ni Nathaniel at di ko hahayaan na sirain yung ng sarili kong ina.

"Mommy! Wala naman talagang nangyari!" sumasakit ang ulo ko sa gulong ito. Geez!

"Trinie, huwag ka namang padalos-dalos! Wala ngang nangyari! Maniwala ka naman sa mga bata. Pwede ba? Bigyan mo naman ng kahihiyan ang anak natin?" suyo ni daddy. Paano ko pa titignan ang mga mata ni Tita Sheila sa mga pangyayaring ito.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon