Chapter 12

37.2K 613 47
                                    

Chapter 12

Colleague my ass! Padabog kong isinara ang pinto ng opisina ni Nathaniel, mataman at gulat akong tinitigan ng sekretarya niya na ang pangalan pala ay Arlene. Hilaw akong ngumisi at nilagpasan na lamang siya.

Ano 'yon araw-araw sila sabay mag-lunch ng Eula'ng 'yon?! Nakakairita sa bangs ha! Sa tingin ko ay mas matanda sa kanya ng ilang taon ang babaeng 'yon. Mas gusto ba niya iyong mas matanda at mas sopistikada kaysa sa fresh na tulad ko? I wrinkled my nose. Gosh! I am so pissed!

"Hey! Easy girl!" nabalik lang ako sa sarili ko ng may dalawang kamay ang pumigil sa balikat ko.

"S-sir?" nakangiti akong hinarap ni Sir Arive katulad ng kanyang nakangiting mga chinitong mata.

"First day nakabusangot ka." may something sa kanya na nakakagaan ng mood kaya naman nahawa na lamang ako sa mga ngiti niya. Okay! Hindi na masama ang mag-OJT kung may cute na katulad ni Sir Arive.

"Sorry Sir. Hehe. Akala ko po kasi orientation lang it happens na tinambakan na kami ng assignments ni Engr. Cueva." ang banggitin pa lamang ang pangalan niya ay naiinis na ako buti nalang at isang tingin ko lang kay Sir Arive ay nawawala na 'yon.

"Yang si Cueva talaga! Sayang hindi ka sa team ko napunta. May isang project kaming magkasama ni Cueva kaya sana makita kita. Ano nga palang pangalan mo?" geez! Parang naka-plaster na sa mukha niya ang kanyang mga ngiti tapos nawawala ang mga mata niya kapag ngumingisi siya. Damn! He's cute!

"Nathalia Romualde po." magalang at siyempre simpleng pagpapa-cute kong saad. Kumunot ang noo ko ng bigla na lamang siyang tumawa.

"Nathalia. Beautiful name for a beautiful lady. At kay Nathaniel ka napunta? Nakakatuwa naman. Haha. Anyway, see you around Nathalia. I love your name." binigyan niya ako ng salute at nilagpasan na. Nayakap ko tuloy yung hawak kong drawing tube dahil sa kilig.

Madami akong kaklaseng lalaki at marami din sa kanila ang nagparamdam sa akin pero si Nathaniel lang talaga ang crush ko noong mga panahong 'yon. Hindi ko alam na may magiging crush pa pala ako. Ang cutie talaga ni Sir Arive! Sa pagkakaalam ko ay mas matanda siya ng ilang taon kay Nate so probably ang kaedad niya ay si Kuya Ivan. Mukha siyang 23 or 24 lalo pa't mestizo siya at baby face.

Natapos ang araw ko sa pagiging busy dahil unang araw pa lamang ay marami ng ipinagawa sa amin ni Miel. Hindi man lang niya tinanong kung kumain na ako. Sabay kaya silang nag-lunch ng pugitang 'yon? Lagi kayang pumapasok 'yon ng walang pakundangan sa opisina ni Nathaniel? Ang dami ko tuloy iniisip! Honey?!! Kami nga ni Nathaniel "Hoy" lang ang endearment at kung suswertehin yung "Frog Princess-Prince Charming".

"6am sharp tayo Natie ah?" paalala sa akin ni Miel ng makalabas na kami ng building. Tumango ako at ngumiti. Ang aga naman ng 6am na fieldwork! Anong oras ako gigising bukas? Nakakaiyak naman!

"Keep safe Miel. See you tommorow!" I waved goodbye to Miel. Naiwan ako sa may labas ng building at naghihintay ng taxi. Ilang minuto na rin akong naghihintay ng tumunog ang cellphone. Thanks heaven dahil si Nathaniel 'yon.

From: Hoy

Kita tayo sa Army Navy. Sabay na tayo umuwi.

Mabuti naman at isasabay niya ako pauwi! Siya may sasakyan tapos ako naka-taxi?! Magwawala na ako non! Nasa kabilang kalsada ang Army Navy at sinadya niyang roon mag-park para walang makakita sa amin na taga-kompanya. Alright! Tahimik ko na lang na minura si Nathaniel ng maalala na kailangan ko pa palang tumawid gamit ang foot bridge! Alam naman niyang nahihirapan akong huminga kapag naglalakad ng matagal lalo na kapag umaakyat ng hagdan. How sweet of you Nathaniel E. Cueva!

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon