Chapter 10

78 3 1
                                    

Chapter 10

-SIMBA'S POV-

Kwentuhan, tawanan, kainan. Yan ang ginagawa namin ni Rox habang nasa bus. Mga 3 hours mahigit din ang biyahe. Nawala na nga antok naming dalawa dahil sa kulitan eh. Sina Ara at Rose nga hindi niya na napapansin dahil sa kulitan namin. Ang saya saya ko talaga :3 Kung pwede sana, hindi na ako bababa ng bus, hindi na ako aalis sa tabi niya.

Naputol ang aming moment nung tumigil na ang bus at sinabi na ni mam na bababa na kami. Lalakarin pa namin yung papuntang farm, mga 20 mins walk daw yun. Ako game na game naman kaso yung mga gamit namin ang mejo nakakatamad dalhin. Bago bumaba ng bus, kinuha ko yung gamit na dadalhin ni Rox.

"Rox ako na, para di ka mahirapan."

"Ay sige thank you!"

Pag baba namin ng bus, nakaabang sa labas si Max. Malamig ang tingin na sakin, para bang nanggigigil. Lumapit siya kay Rox.

"Rox asan na gamit mo?"

"Ayun oh kay Simba"

Lumapit siya sakin. Tinitigan ko lang siya.

"Akin na yan."

Ano pa ba magagawa ko? Siya ang boyfriend eh. Kumaway nalang ako kay Rox at sumama sa tropa ko.

"O pre malungkot ka ata?"

Hindi ko sinagot si Irvin. Sobrang badtrip ako. Kaso ano pa ba magagawa ko? Ako'y hamak na isang kaibigan lamang. Wala akong karapatan.

"Oy sagot sagot din!"

Hindi ko parin pinansin. Sadyang hindi ko kaya magsalita. Magkasabay kasi kaming dalawang section papunta sa mismong farm. Ang masaklap dun, nasasaktan ako tuwing napapalingon ako kay Rox at Max. Sweet, magkahawak ang kamay, dala ni Max ang gamit niya. Puputok na ko sa sakit eh. -,-

Emo na emo na ang dating ko ng biglang...

TOK!

"Tae ka! Bat mo ko binatukan?"

"Kanina ka pa jan tahimik eh. Magsalita ka naman napapanis na laway mo. Ano ba problema mo?"

"Tae ka Irvin, tae ka talaga. Ikaw problema ko! Kita mong nagmumuni muni ako dito eh."

"Tae ka rin. Ano nga problema mo?"

"Wala."

"Tae ka talaga."

Hindi na ako sumagot pa. Mag aasaran lang kaming dalawa ni Irvin at wala ako sa mood.

Pagdating sa gate nung farm, meron isang bahay dun. Pinapasok na kami at pinagpahinga muna saglit. Inayos nanamin ang mga gagamitin para sa pagtatanim. Magkasama pa rin sina Rox at Max. Ugh sarap palahin nung Max na un. Tapos lolokohin niya si Rox pagdating ng panahon. Papalahin ko talga yun.

Pinapila na kami sa labas. Binigyan ng tig iisang itatanim. Magkahiwalay ng area ang dalawang section. Buti naman. Nauumay na ko kakapanood sa dalawang yun eh. Ang hirap mag selos. Bwisit -_-

Mejo nasa mood na ko habang papunta sa farm site ng section namin. May isang matirik na babaan. Dahil ako ay isang *ehem* natural gentleman ( chos! XD) inalalayan ko yung mga babaeng bumababa.

Nagagawa ko na ring mangtrip. Tinatakot ko yung mga babae kong kaklase. Kukuha ako ng bulate na para dun sa lupa tapos hahabulin ko sila. Wahahaha ang saya >:)

Pagkatapos ko itanim yung sakin at napacheckan ko na. Nag gala muna ako sa farm. Tinulungan ko yung ibang nahihirapan. Napansin ko si Rox, nahihirapan, kaya lumapit ako para tumulong.

"Yow. Need help?"

"Ah. Sige. Kung ok lang, nakakahiya naman sayo eh? Tapos ka na ba?"

"Yeah. Kanina pa nga ako pagala gala dito eh XD. Eto tulungan na kita."

Nasa moment na then out of nowhere, may tumulak sakin.

"Hoy layuan mo nga si Rox. Rox ako na tutulong sayo."

Si kumag =,= Umeepal nanaman. Tumutulong lang naman ako eh? Ano bang masama dun? At teka bakit nandito to?  Mahuli sana ni mam to.

"Max wag mo ngang saktan si Simba. Tinutulangan niya lang naman ako eh."

"Psh. Oo na. Ako na gagawa niyan."

Umalis nalang ako ng walang paalam. Badtrip nanaman ako =.= kupalogs eh. Sarap paluin ng palang hawak ko. Pasalamat siya mahal siya ng mahal ko. Ibabaon ko talaga to sa lupa pag sinaktan nito si Rox.

Pinabalik na kami ni mam sa bahay para mag picnic lunch. Kanya kanya na daw kami ng pwesto. 1 hour ang binigay saming time para kumain at mag gala sa farm. Naglatag sina Trish ng sapin sa ilalim ng malaking puno tapos dun kami nagsalo salong magkakatropa. Kwentuhan as usual, nawawala badtrip ko pag kasama ko sila, yan ang tropa ko. Hindi pwedeng hindi ka masaya pag magkakasama. Bibigyan ka nila ng dahilan para ngumiti. Bukod pa sa pamilya ko, sila ang lakas ko.

Habang kumakain, kinwento ko sakanila ang mga nararamdaman ko kay Rox. Yung mga tingin nila sakin para bang muka akong takas ng mental. Magmamahal nalang daw ako, yung may boyfriend pa. Eh ano pa ba magagawa ko? Sinabi ko rin na sobra akong nasasaktan dahil sa selos tuwing ang sweet ni Rox at Max.

"Parang yun ba?"

Tinuro ni Christian yung place nina Rox. Nakita ko sina Rox nag susubuan ng pagkain. Tado tong si Christian, pinagselos pa ko lalo. Ugh.

Picture picture, gala gala. After 1 hour umakyat na ulit kami sa bus. Magkatabi kami ulit ni Rox.

"Uy Simba ang saya saya ko kanina. Parang nabawi lahat ng pagkukulang niya sakin last week. Ang saya saya talga."

"Ah nice, congrats. Paparty ka na. Eto 100 bili ka pizza."

"Nge? Sungit mo naman? Bat muka kang badtrip ano ba ngyari?"

"Wala, pagod lang. Tulog muna ako."

Pinikit ko na mata ko at nagkunwaring tulog. Bigla kong naramdaman yung ulo ni Rox sumandal sakin.

"Simba pasandal ah, nasanay kasi akong sumasandal kay Max eh."

Hindi ako sumagot, aaminin ko. Napangiti ako nun. And yes, kinikilig ako XD. Pero ayoko masyadong magexpect at alam ko namang mahal na mahal niya si Max. Kumabaga part time lang ako.

Nakatulog din ako. Nagising lang kami nung tumigil na ang bus at saktong nasa school na kami. Tulog kami buong byahe. Mejo ngalay yung balikat ko at mejo basa ng pawis ni Rox. Pero ayos lang :D Hindi ko na lalabhan tong jacket ko! Joke XD

"Ok class, goodjob on your practicum. You may now go home."

Kinuha ko na mga gamit ko. Tinawag na ko nina Irvin.

"Rox una na ko ah. Bbye!"

"Sige Simba salamat =)"

That smile. It makes me smile.

Dumiretso na kami ng uwi. Hindi na kami tumambay pa at pagod na sila. Ako lang ata natulog samin sa buong byahe.

Pagkauwi ko sa bahay, nag check muna ko ng facebook.

"Blah blah Tagged you in a photo."

Uy ano kaya to? May nag picture siguro sakin nung tulog ako -_- Tignan ko nga.

*Click*

O sh*t... Picture namin ni Rox habang nakasandal siya sakin. Gulo to.

Forever a FriendWhere stories live. Discover now