Chapter 15

31 3 0
                                    

Chapter 15

-ROXANE'S POV-

"Rox anung mga namiss ko na lessons?"

"Uhm wala naman masyado. Ituturo ko nalang sayo, tsaka di pa naman tapos idiscuss yung iba eh kaya makakahabol ka pa ^__^ "

Ang gaan talaga ng loob ko kay Simba simula pa lang. Hindi ko alam kung anung meron sa kanya. Sobrang bait niyang kaibigan. Yung times na nagaaway kami ni Max, siya ang tumulong. Yung mga advice niya sakin, pakiramdam ko galing talaga sa puso niya. Napaka special niya sakin na kaibigan. Iba talaga ang feeling ko pag kasama ko siya. Parang may sinasabi yung puso ko tuwing kasama ko siya pero ayaw sabihin.

Mahal ko pa rin si Max hanggang ngayon. Mag iisang linggo pa lang naman simula nung nag break kame.

-Flashback-

Pag pasok namin ng Mcdo. Nakita namin sina Max at Jess. Ang sweet sweet nila. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Sobrang sakit ng nakikita ko ngayon. Yung luha ko hindi ko na mapigil. Hindi ko talaga alam gagawin ko.

Tinawag ako ni Max pero hindi ko pinansin. Tumakbo ako palabas. Wala na akong pakielam kung saan ako pupunta o mabangga man ako ng sasakyan. Wala akong pakielam kahit pagtinginan ako ng tao. Narinig ko ang sigaw ni Simba.

"ROX!"

Tinulak niya ako para masagip ako sa paparating na van. Nanlaki ang mata ko sa ngyari. Bumaba yung driver ng van at daliang binuhat si Simba pasakay ng van at ako naman ay sumama din. Hindi ako makapaniwalang niligtas ako ni Simba. Duguan ang muka ni Simba sa pagkabagok sa sahig. Sobrang naiiyak talaga ako. Bakit niya ginawa to? Dapat ako yung masasagasaan eh. Hindi na sana siya nagkaganito.

"SIMBA! WAG KANG BIBITAW!"

Pag dating namin sa ospital tinakbo namin siya ng driver sa emergeny. Tinext ko na rin ang mga kaibigan niya. Mabilis naman silang dumating.

Habang nasa emergency room si Simba, tinawagan nila ang mama niya. Kinwento ko sakanila ang ngyari at halatang gulat sila. Sa mga panahong iyon, nakalimutan ko ang nakita ko sa Mcdo. At ang pumasok sa isip ko ay ang iligtas si Simba.

Dumating na ang mama ni Simba. Mga 30 mins bago lumabas ang doctor at sabihin ang lagay ni Simba. Hindi naman daw malala, nagkaroon siya ng konting broken bones sa katawan at fracture sa ulo pero wala naman daw epekto yun. Magiging unconscious daw siya for 1 week.

Pinauwi na kami ng mama ni Simba dahil may pasok pa daw kami bukas. Gusto ko sanang mag stay sa tabi niya. Gusto kong magpasalamat pagkagising niya.

Pagkauwi sa bahay. Nagshower muna ako saglit. 11:00 na, nahiga ako sa kama. Nakatingin lang ako sa bubong. Pumapasok sa isip ko ang lahat ng ngyari.

Bakit niya ko niloko? Hindi niya na ba ako mahal? Kaya ba hindi niya ako binati kasi nakalimutan niya at may kasama siyang iba? Sobrang sakit ng ginawa niya sakin. Binigay ko ang tiwala ko sa kanya, pero anong ginawa niya? NILOKO niya ako. AYOKO NA. AYOKO NG MASAKTAN.

Kinabukasan. Habang nagbibihis, may narinig ako na katok.

"Rox!"

Si Max. Pagkatapos mag bihis, bumaba ako para harapin siya.

"Rox! Belated Happy monthsa..."

*SLAP!*

"Aray! B-bakit mo ko sinampal!"

"TAMA NA ANG LOKOHAN! NAKITA KITA KAHAPON KASAMA SI JESS! SWEET NA SWEET AT NAGSUSUBUAN PA! WAG MO NA AKONG LOKOHIN MAX! BINIGAY KO SAYO ANG TIWALA KO! PERO ANO? BINALEWALA MO LANG! MAX SANA SINABI MO NA SAKIN NA HINDI MO KO MAHAL! BAKA SAKALING NATANGGAP KO PA!"

Forever a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon