Chapter 23

38 1 0
                                    

Chapter 23

-SIMBA'S POV-

 "So ano na? Suko na?"

"Ako susuko? Hahahahahahahaha!"

"Plastic ng tawa mo pre. Alam naming malungkot ka. Wag mo na itago."

"Ogags, pabayaan nyo na si Simba."

Tama sila. Tama ang tropa. Plastic ang tawa ko. Wala ako sa mood para makipagkulitan sa kanila. Alam naman na nila kung anung nangyari. 

So eto ako ngayon. Kasama ang tropa. Nakatambay sa dating tambayan. Sila masaya. Ako eto. Nakatingin sa cellphone ko. Isa lang nasa isip ko. Tanga ba ko para umasa sa wala?

Maya-maya, may nagtext sakin.

*1 message received from Rox*

Simba! Bat hindi ka nagtetext? Bat muka kang malungkot kanina pag alis namin? Malapit na kame bumaba. Mag text ka naman oh.

Hay. Ewan ko. Magrereply ba ko? Tsk.

"Guys. Nagtext sakin si Rox"

"Ano sabe?"

"Magtext daw ako."

"Edi magtext ka."

"Sigurado ka Christian? Wala ako sa mood eh."

"Alam mo pre, hindi porket kaibigan lang tingin niya sayo eh kaibigan ka na habang buhay. Malay mo. After college makita nyo sarili nyo na naglalakad sa altar."

"Anong ginagawa namin dun?"

"Malamang! Siya yung bride. Ikaw yung pare. Kasama nya groom nya."

"Leshe -,-"

"Uy ano ba Tian! Wag mo ngang asarin. Simba kung mahal mo talaga siya, kaya mo siyang hintayin."

"Wala naman dapat hintayin."

"Eh? Malay mo dumating ang araw na mahalin ka din nya. Cheer up. "

Eh? Parang malabo yung sinasabi ni Trisha. Tas itong si Christian, ang lakas mang asar. Katayin ko to parehas eh. -,-

Naisipan ko ring magreply. Normal lang naman. Pero andun pa rin yung sakit, na mahal ko siya ng buong puso ko, pero hindi niya ko mahal katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Kelan nya ba mapapansin? 

Kelan niya ko mamahalin?

Kailangan ko ba maghintay?

May hihintayin ba ko?

O nagpapakatanga lang ako sa wala?

If i'm stupid for loving her, then i'll be stupid. Whether im hurt or happy, these are the consequences of love, i have to accept it. Sometimes you win, sometimes you don't. If you truely love her, then I have to wait. I need to accept, that things that lasts long doesn't come as soon as i want them, it comes with time. I have to wait.

Final na decision ko. Mahal ko si Rox. Hihintayin ko siya.

-------------------------------------------------------------------------

(Days passed. Dumaan ang Pasko.Si Simba at si Rox ay palagi pa rin nagtetext. Since nasa Batangas si Rox, hindi sila nagkikita. Habang tumatagal, lalong nagiging deep yung relationship nila. Masaya naman sila sa isa't isa.)

Roxanne's POV

 10:00 na!!!! 2 hours nalang.Mag New Year na!!!! Yaaaay!!!!

Ano kaya magandang New year's resolution?

Hmmm. Tanungi ko nga si Simba kung ano yung sa kanya.

Teka...

Speaking of Simba...

Bat di siya nagrereply! >:(

(Text)

"HOOOOY!"

"HOY SIMBA!!!"

"HUUUY?" 

( 1 hour later....)

"Rox! Sorry! nakatulog ako XD"

"Whaaaat?! Sana sinabi mo na inaantok ka para hindi ako naghihintay dito!"

"Sorry na Rox. Ayaw ko lang naman matapos yung usapan natin eh."

"Sus.. Oo naaa. Nga pala, anung New Year's resolution mo?"

"Siguro... Magpapapayat XD"

"Nag tatanong ng maayos eh!"

"Magpapapayat nga! XD ikaw?"

"Ewan. Basta gusto ko ng bago."

Gusto ko ng bago. Pero hindi ko alam kung ano yung "bago" na hinahanap ko.

 *Simba Calling*

Oh. Si Simba tumatawag.

"Hello? Rox? Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo bago mag New year."

" Whoo. Bolero. Bat ka nga tumawag?"

"Edi wag ka maniwala! Eh para makipagkwentuhan."

"Nagkkwentuhan naman tayo sa text ah?"

"Oo nga. Pero iba parin yung boses mo. Tsaka gusto ko kausap ka hanggang dumating ang New year XD"

"K. Sabi mo eh!"

Magkakwentuhan kame magdamag. Hindi na rin namin napansin yung oras. Mag 11:40 na nung napunta kami sa topic na tungkol sa pagbabago.

"Simba. Naniniwala ka sa pagbabago?"

"Oo naman. Alam mo Rox, naniniwala kasi ako na may iba't ibang klase ng pagbabago. May mga pagbabago na, walang masasaktan, lahat masaya. At meron din namang pagbabago na kailangan ay may isa o dalawang mag sasakrepisyo."

"Ha? isa o dalawang mag sasakrepisyo?"

"Oo. Sacrifice. Minsan kasi, may mga pagbabago na kailangan para sa kaisasaya ng iba. Pero mangyayari lang ito kung may isang mag sasacrifice. Kahit gano pa kasakit para sa kanya, titiisin niya yun."

"Eh hindi ba pwedeng yung mga pagbabago lahat masaya?"

"Hindi pwede yun! Nasa balance ng buhay yan. XD"

Daming alam ni Simba. May pa balance-balance pang malalaman XD Pero sa tingin ko tama din naman siya.

Sa paguusap namin ni Simba, ewan ko ba, pakiramdam ko meron akong narealize. Pakiramdam ko may gusto akong baguhin.

"Simba..."

"Ano yun Rox?"

"Sa tingin mo ba kailangan natin ng pagbabago?"

"Anong klase ng pagbabago yan? XD"

"Yung ikasasaya natin pareho."

"Ganun ba. Ano yung Rox?"

"Kase Simba... Diba matagal na rin naman tayong magka-close. Tapos Simba all the time nanjan ka. Nasanay na rin ako ng kausap ka. Simba gusto kita gawing Bestfriend :)"

Pagkasabi ko nun, bigla akong nakaranig ng mga paputok, at sabay sabay sumigaw yung mga kamag anak ko ng "Happy New Year!!!"

12:00 na pala. Hindi namin napansin ni Simba.

"Um Rox. Happy New Year."

"Happy New Year din Simba."

"Bestfriends? XD"

"Yeah. Bestfriends. =)"

A date to remember: January 1 - Simba and I Bestfriends! =) 

Forever a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon