Chapter 6

32 2 0
                                    

Chapter 6

-SIMBA'S POV-

"H-hi Rox!"

"Uy Simba kanina ka pa dito?"

"Yeah, syempre. Kaming magkakatropa nauna dito. Ang dami na nga namin nakain eh XD"

"Hahaha nakita mo si Max?"

"Uh yeah andun sila sa mini bar"

"Sige thanks"

Paalis na sana siya ng tinawag ko ulit.

"Rox!"

"Bakit?"

"Ah eh.. Ang g-ganda m-mo!"

Waaaaaa.. Bat ko ba sinabi yun -,-

"Salamat! Ikaw rin!"

Whoo. Kala ko kung ano sasabihin niya.... Teka? "Ikaw rin"? Loko yun ah.

Actually, hindi pa lumalabas si Brian. Ang balak niya kasi ay lumabas pag dating ng 8:00. Ewan ko ba kung anong meron. Pabongga lang ata. Tapos sabi niya, sabay daw kaming lalabas sa kanya. Mula sa loob ng bahay. Tapos babatiin siya ng lahat ng happy birthday. Tapos magkakaron ng events blah blah. Isa ako sa hosts kasama ko si Maria. Then yung iba sa tropa, sila yung moderators nung event. O diba, para kaming kasama dun sa catering XD

"Oy Simba tara na. Prepare na tayo"

Tinawag na ko ni Maria. Quarter to 8 na pala. Nagtipon tipon muna kaming tropa sa loob ng bahay nila. Tapos sabay sabay naming sinigawan si Brian ng happy birthday. Meron kami surprise sa kanya. Pagbaba ng hagdan, babasagan namin siya ng itlog from behind >:)

"Tara na Simba"

Tumayo na kami ni Maria sa pinto.

"Ladies and gentlemen, may we have your attention please."

"Let us welcome the birthday celebrant, Brian Sy!"

Habang bumababa si Brian. Kinakantahan siya ng mga bisita ng happy birthday. Then tabi tabi kami nina Christian, William, Gabriel, Kram, Irvin, Maria, Trish, at Reena. Hinihintay namin yung last line. 3 2 1...

"HAPPY BIRTHDAY BRIAN!"

*splat* *splat*

Wahahaha naligo si Brian sa itlog XD Nag speech siya habang nanlalagkit sa itlog. Matapos ang kanyang speech ay naligo muna siya at nagpalit ng damit. Pagkatapos nun ay ginawa na namin yung mga events. Ang sosyal mag pa premyo ng daddy nya. 500 per winner O_O

9:30 natapos ang events. Lumabas muna ako para magpahangin. Biglang may humatak sakin at tinulak ako sa pader. Sina Max, kasama ang dalawa niya pang tropa.

"Hoy. Ano ba balak mo kay Rox ha!?"

"Wala. Friends lang naman kami ah"

"Friends? Umayos ka ah. Pag nalaman ko lang na may gusto ka sa kanya at pinopormahan mo siya. Di kana makakauwi ng buhay"

"Eh pano kung nasa bahay ako. Edi nasa bahay ako buhay?"

"Aba pilosopo ka ah"

Susuntukin na sana ako ni Max ng nakita kami ni Roxane. Lumapit siya samin at pinigilan si Max.

"Max! Ano ba yan? Layuan mo nga si Simba! Simba ok ka lang ba? May ginawa ba sila sayo?"

"Wala naman. Sige ayos lang ako. "

"Rox tara na! Umuwi na tayo!"

Hinatak ulit ni Max si Rox palayo. Umalis na rin yung dalawang kumag na kasama niya. Pumasok na ulit ako at kinuwento kay Christian ang nangyari.

"Ha? Tara resbakan natin"

"ogags, wag na. Ayoko ng gulo. Na misunderstand lang naman siguro ni Max. Masyado naman yung seloso."

"Sus. Ingat ingat ka pre. Kung ako sayo layuan mo muna si Rox."

"Layuan? Anung dapat layuan eh Magkaibigan lang naman kame."

"Ikaw bahala"

12:00 na natapos ang party. Di naman ako pinagalitan pag uwi. Mabait naman si mama at si papa naman nag tatrabaho sa abroad. Paghiga ko ng kama. Naalala ko bigla si Rox.

Tug tug, Tug tug.

Waaaa eto nanaman yung dib dib ko. Ang lakas nanaman ng tibok. >.< Pa check up na kaya ako?

Then bigla ko naalala yung sinabi ni Max sakin kanina. Hindi naman sa nasisindak ako, ayoko lang ng gulo. Well, siguro ie-explain naman ni Rox sakanya yun. Makatulog na nga.

-ROXANE'S POV-

"Magkaibigan nga lang kami!"

Andito kami sa bahay. Kasama ang dalawa kong kapatid. Naguusap kami ni Max tungkol kay Simba. Ewan ko ba sa lalaking to. Ang hina ng pick-up. Hindi maintindihan na magkaibigan lang kami.

"Oo na naniniwala na ko. Basta pag yung lalaking yun... Nako."

"Wag ka magalala. Kulit eh"

"O sge na uwi na ko bye bye I love you!"

"Sige ingat i love you!"

Hay sa wakas makakapagpahinga na rin. Masyado namang kasing seloso si Max. Sabagay, selosa din ako. Quits lang XD

Forever a FriendWhere stories live. Discover now