Chapter 21

69 2 0
                                    

Chapter 21

-ROXANE'S POV-

"Diba nangchichix ka? Mag sama kayo ng chicks mo."

Hmp! Ano yun? Umalis siya iniwan niya cellphone niya para mangchicks? Wow chickboy pala siya. Nakakainis >.< Ewan ko rin kung bakit ako naiinis.

"Hala galit?"

Ay hinde. Psh. Maya-maya, tumawag ulit siya.

"Huy Rox."

"Oh ano? Tapos ka na mangchicks? Busy ka diba? Bat ka tumatawag? Baka magselos yang chicks mo."

"Easy  naman. Hahaha ano ka ba niloloko lang kita eh, sa palengke kame nagpunta eto naman."

Ayyy! Nakakahiya! >.< Sa palengke lang pala nagpunta. Badtrip ka Simba! Niloko mo ako. Nakakahiya tuloy >.<

"Ay, ah eh ganun ba..."

"Hahahahaha bat ang dami mong tanong? Sorry na. Tsaka bat ka nagagalit? Selos ka noh weeeee XD"

"He! Tumigil ka nga jan! Ibababa ko tong telepono."

"Ay wag! Sorry na. =("

"Oo na."

Ano pa bang magagawa ko? Edi pinatawad ko na, tsaka napahiya din ako eh XD. Buong gabi kami magkausap ni Simba sa phone. Hindi na nga namin namalayan ang oras at 10:00 na pala. Parehas kaming hindi pa kumakain.

"O sige na Simba mamaya ka na ulit tumawag. Kain muna tayo."

"Hahaha osige bye bye ^__^"

"Bye! Salamat!"

Lumabas na ako ng kwarto para kumain. Pag baba ko, nandun si Keicy nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.

"Ate wala ng ulam mag luto ka nalang ulit."

"HAAAA??? Nasa taas lang ako eh bat nyo ko inubusan ng ulam :("

"Eh ang tagal mo eh naubos na namin ni mommy yung pagkaen XD"

WAAAA!!! Bigla akong nakaramdam ng matinding gutom -.- Kumuha agad ako ng pera at bumili ng itlog at corned beef. Niluto ko kagad ito at sinet yung table. Nung ready na ko kumain, napatigil ako bigla at napatingin sa niluto kong itlog at corned beef.

-FLASHBACK-

"Simba ano yan O_O"

"Dinner ^__^ Hahaha kain na! Pasensha kung ginamit ko yung lutuan nyo ah. Ako nalang maghuhugas ng mga pinggan at pinaglutuan."

"Hala Simba, di ka na dapat nag abala. Di naman ako nagugutom eh" *Gruuuu*

"Pero yung tsan mo gutom na. Hahaha tara na kain na. Pasensha na eto lang naluto ko, hindi naman talaga ako marunong magluto eh. Parang almusal lang tuloy XD"

"Nako. Nakakahiya nga eh, ang dami mo ng natulong sakin."

Naupo na kami at kumain. Sobrang nahihiya na ako kay Simba. Sobrang dami na niya naitulong sakin ngayong araw na to. Nakakatuwa nga eh. Alam kong hindi siya sa gawaing bahay pero tinulungan niya parin ako. Nagawa niyang magluto ng itlog at corned beef kahit hindi naman talaga siya marunong.

Natapos na kami kumain at mejo marami pang natirang corned beef. Busog na busog na kaming dalawa.

"Uy Simba, sobrang salamat talaga ha. Kung wala ka 12:00 na siguro ako matatapos. Ang bait mo talaga Simba, pinagluto mo pa ako. Nakakainis ka bakit ka ba ganyan?"

"Hala nainis ka pa sakin -_-"

"Joke lang. XD Pero bakit nga sobrang bait mo sakin?"

"Wala lang XD mabait naman ako sa lahat."

Forever a FriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz