Chapter 19

78 3 0
                                    

Chapter 19

-ROXANE'S POV-

"Ehhh! Tigilan nyo nga ako!"

Inaasar ako nina Ara at Rose dahil kinuwento ko sakanila yung mga ginawa namin ni Simba kagabi. Masama bang lumabas kameng dalawa? Magkaibigan lang naman kame ah? Kanina pa tong mga to inaasar ako -,-

"Yiieee.. Tapos nag good night kiss ka pa sakanya. Ikaw ah. Dapat lalaki ang gumagawa ng first move eh!"

"Ano ka ba Rose! Si Simba na nga yung gumawa ng first move eh. Inaya siya ni Rox sa date. Kaya bumawi lang si Rox! Hahaha yiee."

"Ano ba? Hindi nga date yun! Ano yun..."

"Oh sige nga, kung hindi date yun, ano yun?"

"Friendly date."

"Edi date pa rin! XD"

Eh! Naman eh. Ang kukulit nitong mga to. Ang ingay-ingay pa. Nandito kasi kame sa park ngayon. Nakaupo kami sa fountain, kami lang yung nakaupo dun at isang lalaking nakahood, mejo misteryoso nga eh.

Naisipan naming magkwentuhan bago kami pumunta ng Batangas dahil sa Pasukan na ulit kami magkikita-kita

"Pero di nga Rox. Seryoso na. Kamusta na kayo ni Simba? May something na ba?"

"Ha? Magkaibigan lang kami."

"Oo nga. Magkaibigan nga kayo. Ang tanong. Kaibigan lang ba talaga ang nararamdaman niyo sa isa't isa?"

Hindi ko alam kung bakit. Para bang kinabahan ako dun sa tanong na yun ni Rose. Parang may something. Waaa ang gulo -,- di ko na naiintindihan ang nangyayari sakin. Bakit ganito? Sa totoo lang, hindi pa ako nakakamove on kay Max, mahal ko pa siya. Pero dahil sa mga kaibigan ko, kay Simba, nagiging masaya ako. Iba yung saya ko pag kasama ko si Simba, para bang nakakalimutan ko na mahal ko pa rin si Max? Bumalik lang ako sa mundo nung tinawag ako ni Rose.

"Pst huy! Tulala ka na jan. Parang ang lalim ng iniisip mo? Dahil ba yan sa kiss mo kay Simba? Hahaha"

"Eh! Wag ka nga?"

-Flashback-

"That's for making me happy =)"

Kiniss ko siya sa cheeks. Sobrang pinasaya niya kasi ako ngayong araw na to. Ewan ko ba kung bakit pero yun lang yung naisip ko na paraan para makabawi sa kanya. Pagkapasok ko ng gate, sumilip ulit ako sa kanya. Nakita ko siya nakatayo parin dun sa saktong pwesto niya at nakangiti.

"Huy! Uwi na! Anong tinatayo tayo mo jan Simba? Hahaha Goodnight"

"Hahaha pasensha naman! Na stuck ako sa moment XD Goodnight!"

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Pagkapasok ko ng bahay, sumandal ako sa pinto at napangiti. Ewan ko kung bakit. Waaaa! >.< Ang init ng pisngi ko.

"Yiiieee si ate nag b-blush! Hahaha nakita ko yun ate!"

"Eh? Tumigil ka nga jan Keicy! Friendly kiss lang yun!"

"Hahaha wala naman akong sinasabi na may meaning yung kiss na yun eh! XP Nakakahalata ako sayo ate ah! XD"

"Ha? Tumigil ka nga jan."

"So ate ano meron sa inyo ni Simba? Diba hindi ka pa nakakamove on kay Max? Kayo na?"

"Hindi ah! Ano ka ba? magkaibigan lang kame ni Simba. Tumigil ka na nga Keicy!"

"Oh? Sure kayo magkaibigan lang kayo? Sabi kanina sakin ni Lanie nakita niya daw kayo kanina sa arcade magkasama ah. Nag date kayo ate? Kala ko ba manonood kayo ng sine nina ate Ara at Rose?"

Forever a FriendWhere stories live. Discover now