Chapter 12

42 2 0
                                    

Chapter 12

"Achoo! *Sniff*"

"O Simba, inumin mo na tong kape para mejo mainitan ka."

"Salamat Reena."

Dinala ako ng tropa dito sa bahay. Sakto wala sina mamam, lumuwas sila papuntang quezon city. Nakakatuwa naman tong tropa ko, mapag alaga ="3 Buti nalang anjan sila.

"Oh Simba ano ba kasi nangyari?"

"Ganto kasi yun. Diba kumalat sa school yung picture namin ni Rox? Nakita yun ni Max. Sobrang nagalit si Max kay Rox at sakin. Sabi ko kay Rox, sasamahan ko siya kausapin si Max. Nung dismissal, sinubukan kong kausapin si Max. Pero imbis na makinig, sinugod niya ako. Nasuntok niya ko. Nasuntok ko din siya. Tapos sinigawan ko siya. Natahimik siya bigla. Umalis na siya. Hinabol siya ni Rox. Hindi ko na sila binalak pang sundan. Paguwi ko, syempre dumaan ako sa park. Nakita ko sila, magkaayos na. Masaya ako na magkaayos na sila, pero bakit ang sakit?"

Hindi ko alam kung bakit. Habang kinikwento ko yun. May mga luhang pumapatak. Tahimik lang sila. Nakatingin sakin.

"Ganyan talaga pag nagmamahal."

Tahimik lang ako sa sinabi ni Bryan. Tahimik lang kami. After 5 mins. Naisipan ko ng baguhin yung atmosphere.

"Tae. Ang baho. Umutot ka nanaman noh Christian?"

"HAHAHA"

Tawanan ang lahat. Except kay Christian XD. Naisip kong wala namang magagawa yung pag eemo ko dito. Kahit mag iiyak ako dito, wala namang magbabago. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Itatago ko nalang tong nararamdaman ko. Susuportahan ko nalang sila habang sila pa. Ako yung magiging kaibigan ni Rox sa tuwing sasaktan siya ni Max.

"Simba kelan uwi ng mama mo?"

"Next week pa bakit?"

"Guys do you what im thinking?"

Tinignan lang naming lahat si Gabriel.

"I know!"

Pinaling namin mata namin kay Kram. Tapos nagtinginan kami lahat.

"SLEEP OVER! XD"

Kanya kanya sila ng uwi para kumuha ng gamit. Pagbalik nila, nagambag ambag kami para makabili ng 11 na pancit canton at drinks. Yun na yung dinner namin. Tapos kung ano anong kalokohan na ginawa namin. Tinunaw yung candy sa kandila, taguan sa loob ng bahay na walang nakakapagtago, langit lupa na lahat kami nasa supa lang, at iba pa.

Iba talaga ang tropa. Pag may mga pagkakataon na pakiramdam mo, kaaway mo mundo, pag heartbroken ka, pag nabigo ka, pag nalulungkot ka, pag wala ka sa mood o kahit anong ka emo-han yan. Anjan sila para ibangon ka mula sa baba at sila ang magsisilbing angels mo kahit malademonyo sila XD. Ang babae, masasaktan ka lang jan lalo na pag umasa ka. Pero ang tropa, masaya yan kahit nasa simbahan na.

Mga 2:00 na kami na tulog. Gumising kami ng 7:00 dahil marami rami kami at hindi kami pwedeng magsabay sabay maligo. Lahat kami parang zombie at ang lalaki ng eyebags. Habang nag pprepare sila, ako naman nagpprito ng itlog at hotdog para sa breakfast. Ng nakaligo na ang lahat, sabay sabay na kaming kumain at nagpaunahan sa pag totooth brush. Tapos nun pumasok na kami ^_^

Pag dating sa school, back to normal na kami. Pagpasok ko ng room, nakita ko si Max nakaupo sa upuan ko at magkausap sila ni Rox. Nung makita nila ako, umalis na si Max para bumalik sa classroom niya. Ang sama pa ng tingin, halatang nanggigigil.

"Hi Simba ^__^ "

"Hi Rox."

"Uy pwede mo ba akong samahan?"

"Samahan saan?"

"Bibili kasi ako ng regalo para sa 6th monthsary namin. Eh since na ikaw ang ka close ko nalalaki, ikaw ang napili kong kasama, kasi diba mas alam mo kung ano gusto ng mga lalaki since lalaki ka? Kaya please samahan mo na ko. *Puppy eyes*"

Ano pa ba magagawa ko? Syempre hindi na ko nakatanggi. Ang cute cute niya pa nung nag puppy eyes siya. Pwede ba siyang iuwi? Joke lang XD Napagusapan naming magkita sa park pagnakapagbihis na kami.

Sabi niya sa SM daw kami bibili. Tinanong niya ako kung anu daw ba gusto ng mga lalaki. Sabi ko ang mga lalaki, hindi kailangan ng mga mamahaling regalo, basta galing sa puso.

Pumunta kami sa Silver. Sabi ko kasi magandang pangregalo ang necklace since mejo matagal na din sila. Parang remembrance na rin. Sumangayon naman siya sa sinabi ko at bumili ng tig 400 na necklace. Wow, mas mayaman pa sakin tong babaeng to ah. XD

Kumain kami sa Mcdo, syempre as a gentleman, nilibre ko siya. Fries, float, at burger lang naman. O diba tipid? XD

"So kelan nga ba monthsarry nyo?"

"Uhm. Bukas."

"Oh? Hindi mo sinabi! XD advance! So 17 pala monthsarry nyo."

"Yup =)"

Bukas na pala -,- tibay din pala nila. Naiinggit talaga ako kay Max.

Forever a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon