Chapter 11

70 4 0
                                    

Chapter 11

-ROXANE'S POV-

Pag uwi ko galing field trip, nag shower muna ako at umidlip. Pagkagising ko, i decided to check my facebook.

15 notifications. Wow dami naman. Katamad i check. Sigurado naman akong puro game request lang yan. *Scroll down**Scroll down**Scrolldown* *Tungk* UY si Max nag pm :"3

"Rox anong kalokohan to?"

"Ha? Anung sinasabi mo Max?"

"Wag mo nga akong pinaglololoko!"

Hindi ako nakasagot sa kanya. Naisip kong tignan notifications ko. "Blah blah tagged you on a photo." "Blah blah commented on your photo" Hala. Ano kaya to? Buksan ko nga.

*Click*

OMG! Picture namin ni Simba na nakasandal ako sa kanya! Hala! Gulo to! Kelangan ko magpaliwanag kay Max.

I p-pm ko na sana si Max, pero nag offline na siya. Hala, pano ko to ieexplain sa kanya? Sumandal lang naman ako kay Simba para komportable tulog ko. Ehhhh! Ang seloso naman kasi nun ni Max. Epal pa yung nagpost na kaklase ko. Lahat nalang kasi, nilalagyan ng malisya. Nakakainis >.<

Sinubukan ko siyang imessage, itext, at tawagan. Lahat hindi niya sinasagot. Bakit nung nakita ko siyang nakaakbay sa babaeng alam kong may gusto sakanya, pinatawad ko kagad siya. Eh bakit ako hindi? Anu ba yan =(

Pag pasok sa school, ang lamig ng tingin sakin ng mga kaklase ko. Pakiramdam ko tuloy ang tingin nila sakin ang landi >.< Teka, pano si Simba?

Naupo na lang ako sa upuan ko at tumungo. Hindi ko alam gagawin ko. Naiiyak ako =(. Iyak pa rin ako ng iyak, maya-maya, may kumakalabit sakin.

"Oy"

"Simba?"

"O Rox bakit ka umiiyak?"

"Eh kasi yung picture natin eh. Galit na galit sakin si Max."

"Ah yun. Nakita ko rin yun. Nagulat nga ako eh pero napagisip ko, anu bang masama dun diba? Kung gusto mo sasamahan kitang kausapin si Max. Ok ba yun?"

"Talaga? Eh pano tong mga kaklase natin? Tingin nila lahat satin malandi. Ang sakit ='("

Tumahimik siya. After 10 seconds, bigla siyang tumayo. At sumigaw.

"OY. KUNG SINO MAN YUNG NAGPOST NG PICTURE NAMIN NI ROX NA NAKASANDAL SIYA SAKIN, MAHIYA KA NAMAN. NAKAKASIRA KA NG REPUTASYON AT RELASYON NG ISANG TAO. AT PWEDE BA, BAWAS BAWASAN NYO NAMAN YANG MALISYA SA UTAK NYO! PURKET BA NAKASANDAL NAGLALANDI NA? MAHIYA NAMAN KAYO!"

Natahimik yung klase. Pati ako nagulat sa ginawa ni Simba. Hindi ko inaakalang kaya niyang gawin yun. Biglang gumaan pakiramdam ko :3 ang bait talaga ni Simba. Pinaglaban niya kame. Biglang tumayo yung mga ka tropa ni Simba at pumapalkpak.

"Nice one Simba!"

Teka bakit nila pinapalakpakan si Simba? Tumayo si Maria at nagsalita.

" Oh hindi lang boys, kundi girls din. Tama yung sinabi ni Simba, hindi lahat ng bagay dapat lagyan ng malisya. At kung sinu man yung nagpost ng picture nila, mahiya ka talga. Saludo ako sayo Simba! Nagawa mong ipagtanggol si Rox! Nice one! Yiieee."

"Oy. Ayos na yung sinabi mo eh dinagdagan mo pa ng yiiee."

Narinig kong sinabi ni Simba kay Maria. Hahaha. Ewan ko kung bakit, napangiti ako. Buti pa si Simba, nagawa ako ipaglaban. Eh si Max, hindi man lang ako pinakinggan muna. Pero sabagay, sasamahan naman daw ako ni Simba magexplain sa kanya.

"Uy thank you Simba ah."

"Sus. Wala yun, tsaka di pa tapos problema natin. Si Max pa diba? Mamayang dismissal natin siya kausapin."

Bakit parang nagiba aura niya? Para bang sumeryoso siya.

Dismissal time. Since magkatabi lang naman classrooms namin. Hinintay na namin si Max lumabas sa room niya. Tahimik na tahimik si Simba at mukang seryoso. Nakita na naming palabas ng room si Max. Kinakabahan ako. Hala.

"Wow. Kapal ng muka nyo ah. Dito pa kayo sa tapat ko nag moment. Ano ginagawa nyo dito?"

Hindi ako nakapagsalita sa kaba.

"Pare nandito kame para magpaliwanag sayo."

"Wag mo nga akong mapare-pare jan. Kapal ng muka mo ah."

"Magpapaliwanag kame. Makinig ka nga muna!"

Pinapanood ko lang sila, hindi ko pa nakikita si Max na gigil na gigil at si Simba na sobrang seryoso

Susuntukin na sana ni Max si Simba pero nakaiwas siya. Tinulak niya sa pader si Max.

"Makinig ka nga muna! Wag kang magpadala sa galit mo!"

Tinulak ni Max si Simba. Napahiga si Simba at dinaganan siya ni Max. Umikot sila at nagpalit ng pwesto. Nagulat ako ng suntukin ni Simba si Max.

"MAKINIG KA NGA MUNA! SINABI NG MAGPAPALIWANAG LANG KAME EH! WALA NAMANG MALISYA YUNG PAGKASANDAL NIYA SAKIN! ANU BANG HINDI MO MAINTINDIHAN DUN! WALA KA BANG TIWALA KAY ROX? KUNG MAHAL MO TALAGA SIYA HINDI KA MAG DUDUDA SA KANYA! KUNG IKAW NGA NAGAWA NIYA MAPATAWAD NUNG NAKITA KA NIYA MAY KASAMANG BABAE PINATAWAD KA NIYA! MAG ISIP KA NGA!"

Nakatingin lang ang lahat ng tao sa hallway sa amin. Walang gustong umawat. Pati teachers nanonood lang.

Tumayo na si Simba, tumayo na rin si Max. Tinignan niya lang ako at naglakad ng mabilis paalis. Hinabol ko siya.

"Max! Hintayin mo nga ako!"

Nasa park na kami. Hindi ko na dinama sakit ng paa ko kakahabol sa kanya. Gusto ko talagang mag sorry. Gusto ko siyang makausap.

Tumigil siya at tumingin sakin. Muka na siyang kalmado.

"Rox, sorry kung nagalit ako ah. Nadala lang ako. Naiinis ako pag nakikita kong kasama mo yan Simba na yan."

"Magkaibigan nga lang kami. Konting tiwala naman oh! Alam mo naman mahal na mahal kita eh."

"Sorry talaga Rox. Mahal na mahal kita. Hindi na kita iiwan. Bati na tayo ah."

-SIMBA'S POV-

Naglakad na sila paalis. Iniwan nila ako sa ere para bang walang nangyari. Tumayo lang ako dun. Tinititigan ako ng mga tao.

Hahayaan ko nalang silang magusap. Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Napaliwanag ko na sarili ko. Nasuntok ako ni Max ng isang beses. Pero bakit yung puso ko ang nasaktan? Pinanood ko lang silang umalis. Wala na kong balak pa silang sundan.

Naisipan ko ng umuwi. Narealize ko, muka pala akong shunga dun sa gitna ng hallway XD. Well, wala ako magagawa. As usual, sa park ako dumadaan dahil yun yung way papunta sa bahay namin. At sa kamalas malasan, umulan ng malakas.

Lalo pa kong minalas ng wala akong dalang payong. Hindi naman kasi sinabi sa balita na uulan ngayon -,-

Nakita ko si Rox at Max. Magkahawak na ang kamay. Magkasama sa isang payong at pauwi na. Habang ako, nag iisa sa ulan. Masaya ako na magkaayos na sila, pero bakit ang sakit?

Naisipan kong maupo sa isang bench. Anu pa bang magagawa ko? Basa na ko eh. Tsaka yung bag ko waterproof naman. Hindi ko alam kung gano katagal ako nakaupo dun. May mga luhang tumutulo sa mata ko. Ang sakit talaga. Masakit na pinagtanggol mo yung taong mahal mo para magkabati sila nung mahal niya. Isa akong martyr.

Nakatungo lang ako. Nakatitig sa lupa. Nag iisa. Biglang tumigil yung pagpatak ng ulan sakin. Pag tungo ko. May sham na taong nakapalibot sakin at may mga hawak na payong.

"Oh? Bat ka nag eemo jan?"

Ang mga tropa kong baliw. To the rescue nanaman.

Forever a FriendWhere stories live. Discover now