Chapter 60 (Aftermath of the Sin)

741 6 1
                                    

"Ahh... Ano ba?"

"Meow."

"Sakit." Bumangon ako sapo ang aking ulo.

Tiningnan ko si Pussy na nanlilisik ang mata sa akin. Tumayo ako at nilaylay ang kurtina dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw.

"What the fuck did just happened?" Tiningnan ko ang suot kong pajama at t-shirt. Akala ko ba galing ako sa party?

*ring

Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone. Nagdo-doble ang paningin ko kaya hindi ko mabasa ng ayos kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Sagot ko at hinilot ko ang aking sintido.

"Abby!" Kumunot ang noo ko ng mabosesan ko ang galit na tono ni Jigger.

"Bakit?" Ni-loud speaker ko ang tawag at pumunta ako sa banyo.

"Saan ka ba pumunta kagabi? Pati si Chard nawala na." Nagpuyod ako at naghilamos.

"Huh? Si Chard umalis? Ewan ko nga. Kasama niyo naman ako kagabi ah. Yun lang ang tanda ko. Tapos pagkagising ko naka-pantulog na ako tapos ang sakit ng ulo ko." Nag-toothbrush ako ng mabilis.

"What? Huwag mo sabihing nag-one night stand kayo? Abby may gusto siya kay Strawberry, mahal pa nga and you, di ba you're pursuing your ex? What the hell happened?" Dali-dali akong nagmumog at kumunot ang noo ko. Ngayon niya lang ako sinermonam.

"Anong sinasabi mo? Si Marco lang ang pinagalayan ko at pagaalayan ko ng pechay. I'm drunk and I have hangover!"

"I'm sorry. I'm just worried na maging complicated ang situation. Syempre tayo-tayo ang magkakasama kagabi tapos nawala kayong dalawa. I'm sorry again. Sige na uminom ka na ng kape o mag-almusal ka. Love you." Huminahon ang boses niya at bumuntong hininga ako.

"Okay. Thank you din sa concern. Love you too, bye." Pinutol ko na ang tawag. Pagkagaling ko sa banyo ay pumunta ako sa kusina. Nag-luto ako ng Lucky Me Chicken at nag-timpla ng 3 in 1. Buti na lang at may tira pang kanin kagabi.

Dala ang bowl ng noodles at mug ng kape ay pumunta ako sa salas at binuksan ang tv. Dahil wala pang magandang palabas ay namili ako sa dvd at napili ko ang American Pie:Beta House. Yun ang cd na galing sa condo ni Nerick, five years na ang nakakaraan. Umupo na ako sa carpet at kumain.

*ring

"Hello Mika?" Nagtataka kong tanong.

"Abby... Umamin ka nga sa'kin. Mahal mo ba talaga ang bayaw ko?" Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagsasalita ni Mika.

"Mika tinatanong pa ba yan? Alam mong mahal ko siya." Natatawa kong sabi kahit kinakabahan ako.

Sa tanang buhay ko ay ngayon niya lang ako ginamitan ng seryosong tono. Kasi kung kakausapin mo si Mika, it's either kalibugan lang o katangahan ang lalabas sa bibig niyan.

"Abby, alam ko. Ang tanong loyal ka ba, faithful ka ba, commited ka ba? Hindi sapat yung mahal mo lang siya. Hindi sa panghihimasok pero kasi ang tagal niyo ng issue ito eh. Kailan ka pa o kayo magbabago? May tiwala ako kay Marco na mahal ka niya at commited siya sayo. Pero after kong makita ang ebidensya ng kalandian mo- sorry for the word Abby ha. Ngayon kang kita bibigyan ng matinong payo. Please lang, kung siya lang talaga. Panindigan mong siya lang." Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya.

Bakit parang may nagawa akong hindi ko alam. Para akong taong hindi alam ang kasalanan pero isinalang na sa interogation.

"I'm sorry Mika pero hindi ko talaga ang alam ang sinasabi mo. Alam kong nagkamali ako noon. Na nagpadala ako sa tukso at bugso ng damdamin pero I've known better. Alam ko na ang pagkakamali ko at handa akong patunayan kay Marco na siya lang ang mahal ko." Naiiyak kong sabi. Kaya pala ang weird ng phone call kanina ni Jigger. Ano bang nagawa ko.

"I think you should watch tv or surf the internet. You're all over the news Abby! Pasalamat ka at nasa Palawan si Marco at tinitignan nila ang abandoned resort doon. Mahina ang reception ng signal doon plus isang linggo pa sila. Please Abby linisin mo naman ito. I'm losing faith na magkakabalikan pa kayo kung ganito ang pinaggagagawa mo." Seryoso at nakikiusap niyang tono ang iginawad niya sa akin.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko at pinunasan ko ang tumulo kong luha.

"Yan din ang gusto kong itanong sa'yo. Ano nga bang nangyari kagabi?" Muling kumunot ang aking noo.

"Galing kami nina Princess, Jigger, at Chard sa bahay nina Clarence dahil sa birthday party niya. Tanda ko lang ay sumayaw kami tapos pagkagising ko may hangover na ako at nakapangbahay na ako." Paliwanag ko.

"Yan, yan na nga ba ang sinasabi ko. Inom ka kasi ng inom kahit na alam mong nawawala ka sa wisyo kapag natamaan na. Baka na-rape ka na't lahat ay hindi mo pa alam. Quit drinking Abby. Ikaw dapat ang nakakaalam niyan. Your body is the temple of the holy spirit. Tandaan mo yan. For your information na din, you just kissed Chard Maramot. The photos and videos leaked online. Hindi lang siya pianist ng Hypolydian, actor din siya. Sana pagdating ni Marco ay hindi niya ito malaman. Kasi alam mo na ang mangyayari. Don't worry inaayos na daw ni Chard. Abby act your age naman." Bumuntong hininga ako.

"Damn. Ngayon ko lang naalala. Shit! Tangina talaga. I swear Mika sobrang lasing ako noon. I even fainted after that. Hindi ko... ugh. Oh my Gosh!" Napasabunot ako sa aking sarili dahil sa sariling katangahan.

"Hindi ka lang dapat sa akin nagpapaliwanag. Kay Marco pa. Hindi ko lang alam kung ano na ang mangyayari sa inyong dalawa. Hindi pa nga kayo nagkakaayos, madadagdagan na naman."

"Yeah. I'm doomed. Sige na salamat sa pagmumulat sa akin mula sa katangahan. By the way, motherhood suited you well. Mature ka na nga naging naughty milf ka pa." Tumawa siya at ngumisi ako.

"Okay. Abby ayusin mo ito. Time is running. Baka kumunat na yang pekpek mo ay hindi ka pa naanakan ni Marco." Banta niya sa akin.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mika ay napasapo ako sa aking noo. Putangina talaga. Ano na naman bang katangahan itong nagawa ko? Huminga ako ng malalim at cinontact ang number ni Chard.

"Hello?" Kinagat ko ang aking daliri.

"Hello, Abby." Hindi makapaniwalang tugon ni Chard.

"I'm sorry about last night. Shit. I didn't mean to kiss you. I'm just fucked up and drunk. Alam kong alam mo naman na mahal ko si Marco and you to Strawberry. I'm really sorry about that and the issue circulated online and the news." Naghihisterya kong paliwang.

"Hey, chill. I got this. I got you. Inaayos na 'to ng management ko and their pushing that the girl in the video was Strawberry because you two have similar hair." Mahinahon niyang sagot.

"OMG. Good to know. Again I'm sorry and bye." Ngumiti ako at pinatay na ang tawag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now