Chapter 30 (Korona Ng Kalandian)

451 5 0
                                    




           

Black old skool vans, black skinny jeans, and black v-neck shirt. I don't feel like wearing bright colors. Hindi nga din ako naligo pero nag-hugas naman ako ng dapat hugasan. Pagkalabas ko ng kwarto ay saktong ni-play ni Mika ang speaker.

Baby, can't you see I'm falling

A guy like you should wear a warning

Too high, can't calm down

Losing my head spinning round and round

Do you feel me now?

Nagwawalis si Vallo samantalang si Mika ay sumasayaw lang. Dumiretso na ako sa kusina para kumain. May champorado. Humuha din ako ng condensada sa ref. Umupo ako at dumating naman si Mika habang gumigiling sa kanta.

"Si Vallo nag-luto niyan." Sabi niya habang kumukuha rin ng para sa kanya.

"Kaya pala masarap." Ngumuso lang siya at inirapan ako. Umupo siya s tapat ko. Hay naku. Alam ko kung anong ibig sabihin ng tingin niya.

"Nag-usap na ba kayo?" Tanong niya at sumubo ng pagkain. Ikinibit ko ang balikat ko at umiling lang siya.

"Hindi ngapala ako ditto makakauwi mamaya." Pag-iiba niya ng topic at pagka-sabi niya noon ay pinamulahan siya ng pisngi.

"Huh? Saan ka naman matutulog?" Kinagat niya ang kanyang labi at nag-iwas ng tingin.

"Hala! May nag-babahay na sa'yo?!" Nanlaki naman ang mga mata niya at umiling.

"Gago. Wala. Sikretong malupet." Ngumisi naman siya at nag-pout naman ako. Ang daya. Siya alam yung tungkol sa relasyon naming ni Marco tapos yung love life niya ayaw niyang mag-kwento. Nag-usap pa kami ilang saglit at natapos na kaming kumain. Pagkalabas ko ng apartment ay kumunot ang nook ko ng may nakita akong pulang kotse na kagaya ng kay Nerick. Kumabog ang puso ko ng siya nga ang lumabas doon at nginitian ako.

"Nerick." Nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako at isinandal sa kotse niya. Ang kamay niya'y nasa gilid ko lang samantalang ang isa'y nasa bulsa niya. Ang lapit namin sa isa't-isa.

"Ang ganda mo talaga." Bulong niya at tumaas ang balahibo ko dahil sa ganda ng boses niya.

"Ah, ano. May pasok pa ako." Nahihiya kong sabi at ngumisi lang siya saka ako pinagbuksan. Sumakay na ako at siya nama'y umikot sa harapan para makasakay na rin. Isinuot ko na ang seatbelt ko at ramdam ko ang titig niya.

"Anong oras ng labas mo para masundo kita?" Tanong niya at nagmaneho na. Naku, libre sa pamasahe. Hindi ko matatanggihan.

"Ah. Siguro mga ano – ah, alas-3 siguro." Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng school. Sinabi kong tapat na lang ako ng 7-11 bababa at pumayag naman siya. Nakalabas na ako ng ibaba niya ang bintana ng kotse niya.

"Abby, I will always be here for you." Seryoso niyang sabi at kinabahan naman ako doon. Habang naglalakad ako ay palagi kong tinitignan ang cellphone ko. Malapit na ako sa room ng tumunog ang cellphone ko at kasabay ang pagtibok ng malakas ng aking puso.

TNT

  You have fully consumed the total amount of data-

Gustong-gusto ko ng ibato ang cellphone ko pero sayang eh. Pumasok na ako at agad ini-scan ang buong paligid. Dahan-dahan kong nilingon ang upuan niya pero bakante iyon.

Buong mag-hapon ay wala akong gana kaya't wala ring pumapasok sa utak ko. Nang natapos na ang klase ko ay lumabas na ako ngunit maraming babae ang nakaharang at nagbubulungan at may mga hawak na cellphone na parang may kinukuhanan ng picture. Nang makadaan ako sa kumpol ng tao ay nalaglag ang panga ko ng Makita si Nerick. May suot siyang business suit. Bukas ang butones ng blazer niya ( if that's what they call it) at ang puting polo ay bukas ang tatlong butones. Nakapulupot naman ang kulay grey niyang necktie sa kanyang kanang kamao. Nakasandal siya sa kotse at at diretsong nakatingin sa akin. Parang may kakaiba ngayon sa titig niya. His jaw are clenched and his eyes is darker. Lumunok naman ako sa klase ng titig niya.

"Uhm... hi." Nahihiya kong bati at nakarinig ako ng bulong-bulungan. Ngumit siya at pinagbuksan niya ako. Sumakay na akoat kinalong ko ang aking bag.

"Saan ka galling?" Tanong ko ng maupo na siya at nag-lalagay ng seatbelt.

:Lunch with my family." There are no trace of humor and playfulness when he said that. Balik na naman siya sa pagiging cold at masungit. Tumahimik na lang ako at pinaandar na niya ang kotse. Nang makarating na kami sa café ay pinauna na niya ako at sinabing susunod din siya. Pumasok na ako at sinalubungan ako ni Yllen ng tinging may disgusto at irap.

"Ayaw mo pala, ha." Parinig niya ng dumaan ako sa harapan niya. Nilagpasan ko siya habang nakababa ang tingin para makapag-palit nan g uniform. Nang matapos akong makapagbihis ay bumaling ako sa pinto at nagulat ako ng Makita si Yllen. Nakapulupot ang braso niya sa dibdib niya at nakataas ang kilay.

"Tawag ka ni Sir." Maarte niyang sabi at saka lumapit sa akin. Kinabahan ako kaya't umatras ako.

"Ahas ka! Manunulot! Akala ko pa naman ang bait-bait mo, yun naman pala isa ka ring puta!" Lumunok ako at nangilid ang mga luha ko. Alam kong may gusto siya kay Nerick at may nangyari na sa kanila.

"Yllen, hindi-"

"Anong hindi? Hindi ako nagkakamali? Gosh! Hindi ko talaga akalain. Nakakahiya ka. Alam mo naming mayroon na yung tao, nakikisawsaw ka pa! Tsk. Hindi ba at may boyfriend ka din? Ano nakikipag-kompitensya ka kung sinong mas malandi sa ating dalawa? Pwes girl, na sa iyo na ang korona." Sigaw niya at halos manliit ako. Tama siya... Tama.

"Yllen, hindi ko naman sinasadya-"

*slaps

Hinawakan ko ang pisngi ko at pumatak ang luha ko. Sobrang hapdi ng pisngi ko. Hindi ko na alam.

"Ano idadaan mo ako sa drama? Higad ka!" Sumigaw ako ng hilahin niya ang buhok ko at halos ingud-ngod ako sa sahig. Pilit kong hinihila ang braso niya at nagtagumpay naman ako ng makalmot ko siya.

"Tama na! Ano ba?" Sigaw ko pero dinaganan pa niya ako lalo at sinampal. Taas-baba ang dibdib naming parehas.

"Malandi kang put aka! Pwe." Dinuraan niya ako sa pisngi at nag-init ang dugo ko sag alit kaya ginantihan ko siya ng sabunot at siya naman ngayon ang nasa ilalim. Nagulat ako ng umiyak siya at hindi nanlaban.

"Abby!" Sigaw ni Nerick at para akong nabuhusan ng tubig na malamig at tumigil. Hinila niya ang braso ko para itayo. He squats and he helps Yllen to get up. Patuloy lang ang paghaguhol ni Yllen at yumakap kay Nerick ng magkapantay na sila.

"Nerick... Si Abby bigla na lang akong... dinambahan at galit nag alit niya akong sinampal." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Likuran ni Neick ang nakaharap sa akin at binigyan ako ni Yllen ng mala-demonyitang ngisi. Aba't!

"Abby." Lumingon sa akin si Nerick at nag-iba ang boses niya. Kinabahan ako doon.

"Nerick siya yung nauna kaya gumanti lang ako." Sumbong ko pero umiling lang si Yllen at lalong hinigpitan ang pagkakayakap kay Nerick.

"Tingnan mo nga, oh. May kalmot ako sa braso." Sumbong ni Yllen at umiling ako. Humarap lang siya sa akin at umigting ang panga. Lumunok ako at umatras. Nang ginawa ko iyon ay lumamlam ang mata niya at bumuntong hininga.


Author's Note:
    Balato ko na sa lahat ng naiinis kay Abby. Ayan nasabunutan na siya.😂

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now