Chapter 49 (Farewell)

337 2 0
                                    

Marco's POV:


Lumabas ako sa apartment ni Abby na duguan at may gasgas ang kamao. Lumalaki ang ilong ko at nakatiim ang aking bagang. Ramdam ko ang paglabas ng mainit na hulab sa buo kong katawan. Pakiramdam ko magsu-super saiyan ako. 


"Hindi Marco, makinig ka sa akin. I'm drugged. I thought he was you. Please maniwala ka naman." 


"Marco, mahal kita"


Ikinuyom ko ang aking kamao at pumikit. Parang sirang plaka ang boses nya sa utak ko. Paulit-ulit na pinaririnig sa akin na parang sinasabing paniwalaan ko ito. Putangina. Kahit na ginagago nya ako ay kayang-kaya ko padin siyang patawarin. Ganon ko siya kamahal. 

"Damn it." Mura ko at pumikit muli papasok sa loob ng apartment niya. Sabihin niya lang ulit na mahal niya ako, patatawarin ko siya.


"Nerick, can you stand?" Pagkarinig ko sa maamo niyang boses at ang pagalaga kay Nerick na muli akong bumalik ay naramdaman kong piniga ang puso ko at parang naging buhangin. Wala na. Tapos na hindi man lang niya ako hinabol. Mas inuna niya pa ang putanginang iyon. 


Bagsak ang balikat ay umalis ako sa apartment niya at pumasok sa aking kotse. Tumitig ako sa kalsada at naramdaman ko sa aking pisngi ang pagpatak ng mainit na butil ng luha. Kinagat ko ang aking labi upang pigilang humagulhol. Ayoko na. Bakit? Naging tapat naman ako ah. Gamit ang kwelyo ng aking polo shirt ay pinunasan ko ang aking luha. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa ng numero.


"Pa..."


"Anak napatawag ka? Uuwi ka ba ngayon sa bahay?"


"Hindi, Pa..." Lumunok ako at nag-igting ang aking bagang.


"Ano yun?" Tanong ni Papa at huminga ako ng malalim.


"Pwede bang i-move yung pag-alis ko?" Tanong ko.


"Mage-extend ka pa dito sa Pilipinas?" Umiling ako kahit hindi niya nakikita.


"Hindi. Gusto ko bukas na ng umaga ak umalis." There I said it. Gusto ko ng lumayo.


"Ano? Marco nag-away ba kayo ni Abby? Kung ang pag-pilit sa'yo na mag-aral sa Harvard ay makakasira ng relasyon niyo, I can't take it." Puno ng pagsisisi niyang sabi.


"No Pa. Gusto ko ito. Wala itong kinalaman sa relasyon namin. Don't be so guilty, Pa." Sagot ko.


"Okay. If that's what you want." Ani ni Papa.



Abby's POV:


Nagising ako dahil sa panty kong basang-basa at ang isang mainit na palad na nasa aking dibdib. Nagmulat ako ng mata at kumurap-kurap. Lumingon ako at inalis ang kamay ni Mika na nasa aking dibdib. Tumingala naman ako at nakita si Vallo sa ulunan ko. Bumangon ako at inalis ang basang vibrator sa hita ko.

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now