Chapter 28 (Efforts Wasted)

328 9 0
                                    

Tulala lang ako sa bintana at iniisip ang puno't-dulo ng nangyari ngayong gabi. Sino ba ang may kasalanan? Bumalik lang ako sa aking ulirat ng hawakan ni Nerick ang aking kamay at hinalikan. Nagmamaneho siya at ihahatid na niya ako sa aming apartment.

"I'm just one call away, Abby." Sabi niya ng makababa ako sa harap ng apartment at hinalikan ang noo ko. Ngumiti lang ako ng pilit at naglakad na papasok. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Lutang pa rin ako at ng buksan ko ang pinto ay nag-init ang sulok ng aking mata at parang namaga ang aking lalamunan sa nakita.

Happy First Monthsary, Babe.

Nakadikit ito sa pader at nabuo ito gamit ang in-organized na mga picture naming magkasama. May mga lobo sa kisame at sa dulo ng tali nito ay mga pictures namin at may note sa likod nito.

Babe,
I'd like to call you that as much as you want to call me daddy but you're just shy. Please let me explain. I love you and I would never cheat on you.
Marco

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pagkabukas ko ng kwarto ay napatakip ako sa aking bibig ng may makita akong life size na baymax. Sa kandungan nito ay may bouqet at sa gitna ng flower arrangement ay may ferrero rocher. Binuksan ko ang note.

Abby,
Alam kong gusto mo akong i-cuddle kaya't pinabanguhan ko ng perfume ko ang life size baymax na ito. Sa kanya ka muna suminghot at yumakap kapag wala ako. I miss you and I love you.
Marco

Sa ibabaw ng kama ay may paperbag ng mga: Chanel, Victoria Secret, MAC, at Christian Loboutin. May nakita akong note doon at binasa.

Babe,
How I'd love to hear you say that to me. Isuot mo ang mga ito at dadalhin ka ng isang itim na kotse sa labas patungo sa akin. I love you.
Marco

Humagulhol ako ng iyak. Daig ko pa ang namatayan. How could I do this to him? Hindi ko na alam. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Fuck this. Yung video. Shit. Tama siya, I didn't let him explain. Pinanghula ko siya kung anong problema. I don't trust him enough to give him the benefit of the doubt. Kinain ako ng selos. I cheated on him. This is my fault and I don't know how to make it up for him. He probably hates me now. Sinisinok na ako sa kakaiyak. Hindi ako makapag-isip ng ayos. Mahal ko si Marco pero bakit ako nagpahalik sa ibang lalaki? Damn it. Aminin ko man o hindi eh nagi-guilty ako. I need to call him. I don't wanna lose him. I will explain. I love him. Kahit nanginginig ay kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng numero.

*ringing

"Marco, please." Bulong ko at hindi mapakaling naglalakad sa apat na pader ng kwarto ko. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko dahil sa galit niya at sa effort niya. I don't deserve him. Alam ko, katangahan ko ito. Pinatay ko ang tawag at inulit ito.

*ringing

"Marco, please naman. Huwag ganito. Alam ko kasalanan ko tangina pero huwag ganito." Tumingala ako para ibalik sa mata ko ang luha. Kinagat ko ang labi ko at pinahid ang luha. Dinala ko ang bag ko at lumabas. Pupuntahan ko siya. Sumakay ako ng taxi at kulang-kulan isang oras ay nakarating ako doon. Tinignan ko ang relo ko. Alas-11 na ng gabi.

"Shit." Mura ko at pumasok na. Habang nasa elevator ako ay nanginginig ang tuhod ko at halos kumawala na ang puso ko sa aking dibdib. Sa wakas ay nakarating na ako. Gusto ko sanang umurong ng nasa tapat na ako ng pinto niya pero kahit nanginginig ang aking kamay ay tinype ko ang passcode at pumasok doon.

"Marco." Tawag ko pero lamig ang bumalot sa aking katawan kaya't niyakap ko ang akinh sarili. Walang ilaw ng pumasok ako pero kumakapit ako sa sinabi niyang mahal niya ako kaya't kahit walang ingay doon ay binuksan ko ang ilaw at nilibot ang loob. Walang tao sa baba at umakyat ako para tingnan ang kwarto niya. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit naka-lock ito. Bumagsak ang balikat ko at napag-pastahan na lang umuwi.

Tama nga siguro yung lyrics sa kantang grenade na easy come, easy go. Pero ako yung may kasalanan eh. Hindi ako papayag na ganun-ganon na lang. Hindi pa dito natatapos. Aayusin ko ito. Huminga ako ng malalim at nagtipa muli ng numero. On the way ako pauwi. Pero alam kong hindi ako makakatulog ng ayos. This will be the first time na matutulog akong nababagabag. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para kay Nerick, pero mahal ko si Marco.

*ringing

"Marco-"

"Ugh... Ahh... Oh, baby. Fuck. Fuck. Fuck me, baby. Ahh-"

Pinutol ko ang tawag at muntikan ko ng ibato ang cellphone ko pero naalala kong wala nga pala akong pamalit. Nanlaki ang butas ng ilong ko at ikinuyom ko ang palad ko. Ganoon? Ganoon na lang yun? Inaamin ko namang mali ako ah. Gusto ko namang ayusin eh. Bakit?

Nang makauwi ako ay humiga lang ako sa kama at tinago sa ilalim nito ang binigay niya. Hayop siya. Tangina. Hindi ko na alam. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Gusto kong may paglabasan ng sama ng loob. Tinignan ko si baymax at kahit labag sa loob ko ay kinuha ko ito at niyakap. Pumikit ako ng maamoy siya, yung pabango niya. Somehow it calms my raging nerves. Inisip ko na nasa isa kaming paraiso at maayos ang lahat.


Author's note:
   Tada! Happy 400 reads. Haha. Nawa'y madami pang maka-discover ng kwentong ito. Let me know your reaction by voting or just leave a comment. Xoxo.

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now