Chapter 26 (Fixing What's Wrong)

342 9 0
                                    

Marco's POV:

Matapos akong pagbabaan ng tawag ni Abby ay cinontact ko ulit siya pero out of coverage na. Ibinulsa ko na lang ulit ang phone ko at naiinis na bumalik sa bonfire kung nasaan ang mga pinsan ko.

"Oh, Marco. What's with your infamous caveman face?" Pang-aasar ni Troy at nag-tawanan ang mga pinsan ko. Pinagtaasan ko lang siya ng gitnang daliri at umupo na doon. Tumabi siya sa akin hawak ang plato ng barbeque at dalawang beer. Binigay niya sa akin ang isa at tinanggap ko iyon.

"Nag-away kayo?" Ngingiti-ngiti niyang tanong dahil natumpok niya ang pinuputok ng buchi ko.

"Para na nga akong tanga kahuhula kung anong kinagagalit niya. Kainis eh!" Sinipa ko ang bato sa paanan ko at lumagok ng beer.

"Hanapin mo kasi kung saan ang kiliti at paniguradong bibigay yun." Tapik niya sa balikat ko at tinawanan ako.

"Huwag mo nga akong payuhan ng kalokohan." Sinamaan ko lang siya ng tingin at kumagat sa barbeque.

"Kaya ayaw kong mag-seryoso eh. Ang hirap manuyo ng babae. Tangina. Masyadong mga pakipot." Iling-iling na sabi niya at lumagok ng beer. Lumingon naman ako sa kanya at binigyan siya ng weird na ngiti.

"Teka, asan na yung Troy na kilala ko? Ikaw pa ba yan? Humuhugot ka na ah." Sinuntok ko siya sa braso at pinagtawanan siya. Nanlaki naman ang mata niya at parang nasusukang tinabig ang kamay ko.

"Hoy! Hindi porke't magka-away kayo ng syota mo... at alam kong gwapo ako, pero tol walang talo-talo." Seryoso niyang sabi at humagalpak ako sa itsua ng pagmumukha niya.

"Gago! Paano ba paamuhin ang isang babae?" Tanong ko. Tumingala ako at sinalubong ang simoy ng hangin. Kita ko sa baba ang naghahalong berde at asul na kulay ng dagat. Ang ganda. Napangiti ako ng may maisip. Siya at ako, dito sa paraisong ito. Paglingon ko kay Troy ay nakatingin din siya sa kawalan at ngumiti.

"Gusto ng babae ang surpresa." Sagot niya at ngumiti ako. Mukhang may nakapag-pahulog na ng loob sa pinsang kong ito.

"Mukhang tinamaan ka ah." Ngumiti lang siya at pinamulahan ng tenga. Tangina. Nakakabakla pala ang ma-inlove.

"Kelan mo siya ipakikilala?" Tanong ko at lumagok ng beer. Kumuha ulit ako ng isa pang stick ng barbeque.

"Ewan. Ang labo eh. Insecure siya kaya hindi siya maniwalang mahal ko siya." Lumungkot ang boses niya at kinuha ang hawak kong barbeque. Kumunot naman ang noo ko at hinampas ang kamay niya. Nababakla na naman eh.

"Inubos mo na kasi!" Sabi niya at inirapan ako.

"Tss. Hindi ata sagad ang pagmamahal mo." Pang-aasar ko at namula na naman siya. Konti na lang at iisipin kong bakla na talaga ito.

"Tangina. Sagad na sagad na tol. Kung pwede ngang pati itlog ibaon ko na eh." Binatukan ko naman siya at humagalpak ako ng tawa.

"Gago. Alam mo minsan gusto din nila yung mabagal at tini-take ang time. Yung swabe lang." Ngumisi ako at naisipang i-try ko kay Abby yung swabeng pangro-romansa.

"Edi inamin mo ng may nangyari sa inyo?" Namula naman ako sa sinabi niya. Naalala ko kasi yung mga larawan naming naghahalikan. Na-miss ko tuloy siya.

"Gago, Hindi ah. Kahit gusto ko ay tinitiis ko kasi naniniwala pa rin akong kasalanan ang makipag-talik ng hindi pa kasal." Seryoso kong sabi at pinagpantasyahan ko si Abby na may umbok ng tiyan dahil buntis siya at ako nasa likuran niya... bumabayo.

"Hahahahahhaha. Pucha. Sa panahon ngayon ikaw na lang ang celibate sa edad na yan. Hindi na ako magtataka kung virgin ka pa." Halakhak niya. Halos manakit ang tiyan niya sa kakatawa.

"Probinsiyana si mama eh. Tsaka teacher din siya. Nire-respeto ko lang ang mga pangaral niya." Matapos naming mag-usap ay bumalik na kami sa mansyon. Kahit alas-9 pa lang ay nahiga na ako upang hulihin ang antok. Hindi na ako sumali sa inuman nila. Maayos na kasi ang lagay ng lola kaya nagce-celebrate sila. Ipipikit ko sana ang mga mata ko ng tumunog ang aking cellphone.

"Hello!"

"Marco?"

"Oh, Mika ba't napatawag ko?" Nawala saglit ang antok ko. Ngayon lang siya tumawag. Baka kung ano ng nangyari sa Manila.

"Well,well,well... Alam ko na kung bakit galit si Abby."

"Seryoso? Kung ganoon sabihin mo sa akin." Tuluyan na akong bumangon at umupo sa kama.

"Ang bilis naman kung ganoon. Magpasala ka muna sa akin ng 5000 pesos." Napa-iling na lang ako sa request niya.

"Anything you want. Basta sabihin mo sa akin."

"Ipadala mo muna sa akin at kapag na-confirm ko na ay magse-send ako sa iyo ng email with full details." Paniniguradi niya. Wala pa rin ba talagang tiwala ang babaeng ito sa akin. Hay. Kakaiba ka talaga, Mika.

"Okay, fine." Pag-sang ayon ko.

"K."

"Hello? Hello? Urgh." Ibinulsa ko na ang cellphone ko at dali-daling ginawa ang gusto niya. Hindi naman niya ako binigo ng may matanggap akong email galing sa mika.khalifa@yahoo.com. Kingina. Username pa lang alam na kung sino.

From: Mika Khalifa
To: John Marco Reyes
Subject: Infidelity

May attached video dito. Panuodin mo yuon. Dahil yuon ang dahilan ng galit niya. Naiinis siya sa iyo kasi hindi ka man lang nag-explain. At dahil shipper ako ng love team niyo, bibigyan kita ng tips at mga dapat mong gawin para lumambot siya ulit.

•Gumawa ka ng explosion box niyo at maghanap ka ng bote tapos doon ka maglagay ng 3x3 na papel, madami at nakalagay kung gaano ka ka-tanga at kung gaano mo siya kamahal.
•Punuin mo ng mga pictures niyo at bulaklak ang kwarto niya tapos paborito noon si Baymax. Bumili ka ng lifesize noon.
•Bumili ka ng tatlong Durex, yung dotted at isang Gatorade.

Matapos panuodin yung video ay natuwa ako dahil nagseselos si Abby. Kung alam niya lang na tapos na yuon at siya lang ang babaeng gusto kong halikan.

Lumabas ako ng mansiyon at pinuntahan ang mga pinsan ko. Sasabihin kong uuna na akong umuwi sa kanila at may susuyuin pa ako. Naabutan ko silang nagtataeanan at nagpapayabangan.

"Oh, Marco. Tuluyan na bang nasawi ang puso mo at maglalasing ka na?" Pang-aasar ni Troy at umiling lang ako ng nakangiti.

"Uy ngapala Marco. Si Nerick nakabalik na galing New York." Balita sa akin ni Jharold. Lumawak lalo ang aking ngiti. Sa lahat ng aking pinsan ay sa kanya ako close bukod kay Troy. Sabay kaming kumain, sabay pumasok, sabay maligo, sabay nagpa-tuli at sabay na lumaki.

"Talaga? Hindi man lang nagsabi ang mokong." Kapag nagka-ayos kami ni Abby ay ipapakilala ko siya kay Nerick. Ngapala naudlot yung pagpapapakilala ko sa kanya sa pamilya ko. Hindi bale kapag nagka-ayos kami...

Author's note:
Huwag po kayong mahiyang mag-comment. Haha. Sapilitan? Enjoy reading. Xoxo.

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now