Chapter 54 (Rolling Eyes)

388 5 0
                                    

"Hey, don't drink too much. May trabaho ka pa bukas hindi ba?" Inagaw ni Chard sa akin ang pangatlo kong cosmo. Grabe naman siya. Mababa lang naman alcohol level noon.

"Yeah, I know." Umirap ako at kinurot niya lang ang pisngi ko. We're sitting in vip room with some of his friends na kasundo ko din.

"Ano bang nangyari sa pagsundo mo sa kanya?" He asked me and I grimaced remembering what happened.

"He has a girlfriend." Ngumuso ako at humalakhak siya.

"So, is that it? Nasaan na yung mantra mo na you'll gonna get him back?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at uminom siya ng alak niya.

"Ewan ko. Saka ko na muna iisipin yun. Gusto ko munang i-divert ang attention ko." Muli siyang nagtaas ng kilay at nagkibit ng balikat.

"Chard are you gonna date Strawberry for the upcoming Star Magic Ball?" Tanong ni Jigger at humilig sa balikat ng boyfriend niyang si Dj.

"Of course!" Proud niyang sinabi at kinagat ang labi niya

"Abby let's dance. The music is dope." Hinila ako ni Princes at hinila niya din si Jigger. The boys groan but they still come with us.

Kaming tatlo ay parang mga baliw na sumasayaw habang ang mga lalaksot naman ay nagmamantiyag sa mga jowa nila. Ikinawit ko ang braso ko sa bakikat ni Princes at si Jigger naman ay nagga-grind sa likuran ko.

"Oh my gosh! The dj is so good." Sigaw ni Jigger mula sa malakas na electronic music at tumango ako. Sumabay kami sa pagkanta at sumayaw kami sa tugtugin.

"Alam mo Abby, I think you're gonna get laid tonight. There's someone right there gawking at you. Kanina pa yan!" Ngumuso si Princes sa likuran ko.

"Where? Binobola mo ata ako eh." Bigla kasing umalis yung lalaki doon. He's tall, mascular and I think he's hot but I can't see his face and where did he go.

"Ohh... I think he's shy. Haha. Come on let's just dance." Tumango ako kay Princes at muli kaming sumayaw. Nang magaalas-12 na ay nagpaalam na ako sa kanila para umuwi.

"Abby ang aga mo namang umuwi. Come on stay with us for a while. Ngayon pa lang sumisigla ag dance floor." Pangungumbinsi sa akin ni Jigger. Ang boyfriend naman niya ay hinalikan lang siya sa leeg.

"Babawi na lang ako sa Friday." Tumawa ako at ngumuso lang sila. Bago ako bumaling palabas ay nakita kong agad nilagok ni Chard ang kanyang tequila at tumayo upang sumunod sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay at naglakad na papunta sa labas. Ihahatid niya lang siguro ako sa aking kotse.

"I'm in front of my car now. You can go back inside." Pinagkrus ko ang aking braso sa aking dibdib at nagtaas lang siya ng kilay.

"I want to take you home." Umirap ako sa sinabi niya.

"Chard I have a car." I state the obvious and he just stares at me.

"Fine. Ingat ka ha. Good night." He said and he kiss my cheeks. Yumakap ako sa kanya and I pat his back.

"Thank you. I will be going." Sabi ko at hinalikan niya ako sa noo. Hinampas ko naman siya sa braso at pumasok na sa kotse. Inayos ko ang aking buhok sa harap ng side mirror at dumako ang tingin ko sa isang lalaki na matalim ang titig sa akin at biglang pumasok sa kotse. Biglang tumambol ang puso ko sa kaba at sinaraduhan ang bintana ng kotse. He's wearing black t-shirt and dark blue jeans.

Hindi kaagad ako nakatulog kagabi dahil sa lalaking iyon. Sino kaya siya? May balak ba siyang nakawan ako o i-rape? Late na ako ng 25 minutes pero hindi ako nagmadali dahil makikita ko na naman ang gago kong ex.

"Mam pinapatawag po kayo ni Sir Marco, sa opisina ninyo daw po ngayon na. Kanina pa po kayong hinahanap eh." Bungad sa akin ng secretary ni Marco. Tumango lang ako at umirap sa pinto ng opisina namin. Oo namin. Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang busangot niyang mukha na nakaharap sa screen ng laptop. Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.

"I'm sorry I'm late." Hingi ko ng paumanhin dahil sa titig niyang iyon. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa mesa. He eye me from head to toe and his looks darken. I'm wearing nude body con dress. Turtle neck iyon, long sleeves at hanggang tuhod.

"Hindi ka ba lumalabag sa dress code dito?" Pagalit niyang tanong at muling ibinaling ang atensyon sa kanyang laptop. Huminga ako ng malalim at umirap.

"Ano na namang problema sa suot ko?" Inis kong tanong sa kanya.

"You look naked." Pagalit niya pa ring sabi.

"It's just the color of my dress. Pasensya na't skintone. May color coding na ba ngayon? Should I wear red or anything?" Tumiim ang bagang niya at nagsalubong ang kanyang kilay.

"It's tight and shows your curves. Hindi ka ba nababastos sa suot mong yan?" Umirap ako sa sinabi niya at hindi na pinatulan pa.

"Hinahanap mo daw ako kanina. May sasabihin ka ba?" Iniba ko ang topic at umupa na sa aking swivel chair.

"We'll have lunch..." Aya niya sa akin at bumagsak ang aking panga. Lakas din talaga ng lalaking ito. May syota na't lahat-lahat, nakikipag-landian pa

"Hoy Marco! Hindi porke't ex kita at lumundag ako sa'yo kahapon ay normal na ulit ang lahat. May syota ka na uy!" Umirap ako at nainis ako sa kanya ng tumaas ang sulok ng labi niya.

"Anong ngini-ngiti mo diyan? Hindi pa ako pumapayag!" Maarte kon sinabi pero umiling labg siya at kinagat ang labi para pigilan ang pag-ngisi.

"Ewan ko sa'yo! Mukha kang tsonggo! Yayain mo na lang yung jowa mong pumuti lang dahil kay Belo. Gosh! Hindi ko akalaing bumaba na standards mo." Umirap ako pero kinabahan ako ng umigting ang kanyang panga. Tanda na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Don't insult her." Banta niya at napalunok ako. Mahal na mahal na niya siguro ang bago niyang girlfriend at pinagtatanggol niyang ganyan.

"Sorry. Natural pala yung puti niya." Kumunot lang ang noo niya at nag-iwas ako ng tingin. Nakakainis ka Marco. Bakit kahapon ay sinabi niyang na-miss niya daw ako? Siguro yung joga ko lang ang na-miss niya. Ikaw ba namang makakita ng nakahaing hiwa ng caramel cake. Humahalimuyak pa. Eh sinong tanga ang hindi titikim? Pero bakit niya ako niyayang mag-lunch? He's so confusing.

"By the way. We'll have lunch with Troy and your friend, Vallo. Sila ang una kong magiging kliyente dito sa Pilipinas. We'll gonna talk about the site and the design of their dream house." Seryoso niyang sabi at pinalibutan ako ng hiya. Gaga ka Abby. Ang assuming mo!

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now