Chapter 45 (Study First)

356 5 0
                                    

Nasa ikalawang bote na kami ng whiskey at mountain dew ng pumasok si Junel at galit na galit na inagaw ang iinumim sanang alak ni Mika.

"Ma akala ko ba nagtsa-tsaa kayo?" Tanong niya sa mama niya at nagsalubong ang perpekto niyang kilay.

"Junel! Huwag mo ngong pagtaashan ng boshes ang mama mo." Lasing na sabi ni Mika at kumuha ng boy bawang.

"Halika na ihahatid na kita." Hinawakan ni Junel ang braso ni Mika pero tinampal niya lang ito.

"Ayoko na shayo. Doon na laang ako kay Ser. Mabowti pa yuon at hindi mashungit. Mash matanda pa sa akin ng limang taon." Humagikhik si Mika at sa halip na pulutan ang makuha ay kamay ko na nasa mesa at sinupsop ang daliri ko.

"Mika!" Saway ko sa kanya pero tumawa lang siya at kinagat ang daliri ko."

"Kung ayaw mong umuwi, dito ka matulog." Muling hinawakan ni Junel ang braso ni Mika pero hindi ito nagpatinag.

"Hindi ba't ayaw mo shaaken. Ewdi ayaw ko na din shayo! Kung gosto mo na akong umuwi, ihatid mo ako kay Ser." Ngumiti si Mika pero hindi na maipinta ang mukha ni Junel.

"Ahhhh!" Umirit si Mika ng buhatin siya ni Junel at kinarga na parang sako ng bigas.

"Kelan pa kayo nagkikita ni Sir? Pinagsasabay mo kami?" Galit na tanong ni Junel at hinampas niya ang pwet ni Mika. Naglakad na siya papasok ng bahay at nawala na sa paningin namin.

"Sabi ko sayo eh. Mahal na ng anak ko si Mika. Talagang pakipot lang." Humagikhik kami ni tita Imelda at nagkusot siya ng mata. Nagtakal muli ako ng alak at uminom. Tangina. Ang init na ng pakiramdam ko. Nasaan na si Marco?

"Hija ipapaligpit ko na ito ha at talagang baka susuray-suray na ako mamaya. Ay naku! Malilintikan na ako kay Jun." Tumayo si tita at nakipag-beso sa akin.

"Sige po tita. Susunod na ako." Sabi ko at tumango si tita. Naglakad na siya papasok. Maya-maya lang ay may lumapit ng katulong at nag-umpisang mag-linis. Tumayo na ako at pumasok na din sa bahay. Buti na lang at puro pulutan ang nilantakan ko kaya medyo maayos-ayos ang pakiramdam ko. Umakyat na ako sa staircase nila upang hanapin ang kwarto ni Marco. Pumunta ako sa kanang pasilyo kung saan may nakaawang na pinto.

"Don't be selfish Marco!" Napa-igtad ako sa gulat ng hampasin ni tito Jun ang lamesa.

"I'm not being selfish. Don't you want me to be happy?" Sagot ni Marco at hinilamos niya ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha. Bakit sila nag-aaway?

"See. You're only thinking about your own happiness. You don't even think about the sake of others."

"Pa. Nandyan naman si Junel. Alam kong mas passionate siya sa engineering-"

"Punyeta! Akala mo ba hindi ko naisip yan? I'm growing old Marco. Sa palagay mo kaya ko pa siyang hintayin? And you know about my illness." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tito Jun. What? May sakit siya.

"No, pa. You're only thinking about what will benefit you-"

"How dare you Marco! It's not just beneficial for me but for all our employees and clients. Isipin mo kung gaano sila karaminh umaasa sa atin. If you don't do this, I don't know who will I give the position of mine. You know how wicked business is. Gusto mo bang sa kangkungan pulutin? Magisip-isip ka nga!" Sigaw ng papa niya.

"Why are you robbing my happiness?" Nangilid ang luha ko ng mabasag ang boses niya.

"Son if your love for each other is true, it will stay no matter what circumstances happens." Umupo sa silya si tito Jun at may ibinigay na sobre. Tinaggap iyon ni Marco at nanlaki ang mata niya.

"Fuck this shit! Bakit next week na? You're dropping shits like this without even giving a warning." Nagtagis ang panga ni Marco at sinipa ang upuan.

"Dahil alam kong tututol ka at gagawa ka ng paraan para makatakas." Hinilot ni tito Jun ang sintido niya. Anong next week? Tatakas? Bakit naman siya tatakas? Oh my gosh! Aalis siya? No. I feel my chest tightens at the thought of him leaving me.

"How lonb will I stay pa? Tell me how long I will endure my agony? Because the last time I left her I almost lost her." Nadurog ang puso ko sa huling sinabi niya. He literally left me not emotinally. Ako lang yung tangang lumandi sa iba pero mukhang mangyayari ulit yun.

"Five years. Five years and I won't interfere with your life ever. Consider this as your man's last dying wish-"

"Pa you're not dying! And why the fuck it's five years?" Asik ni Marco. Five years? Fuck.

"I invested in my friend's company there and I want you to make it grow. Start from it. Let it be your experience in handling people, money and business." Bumagsak ang balikat ni Marco at tumango. Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Is there anything I could do to change your mind?" Tanong ni Marco at umiling si tito Jun.

"Unfortunately, no." Pinahid ko ang luha ko at dali-daling umalis sa tapat ng pinto ng pumihit paharap sa akin si Marco.

"Abby." I plastered a fake smile on my face when I turn to him.

"Hey." He looks drained so I caress his face. Pumikit siya sa haplos ko at hinawakan ang bewang ko.

"I'm tired. Let's go to my room." Bulong niya at tumango ako.

"Ahh!" Tili ko ng bigla niya akong buhatin ng bridal style. Ngumiti ako at ipinulupot ang braso ko sa batok niya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Hmm. I will always belong in his arms. And he will always belong between my thighs.

"Bakit amoy alak ka?" Tanong niya at inamoy ang buhok ko.

"Nag-inuman kami ng mama mo at si Mika." Ngumiti ako at binuksan niya ang pinto ng kwarto niya ng hindi ako ibinababa.

"Si mama talaga." Umiling siya at ipinatong ako sa kama. Nang tumama ang likod ko sa malambot na mattress ay doon ko lang napagtantong inaantok ako. Kinilabutan ako ng tumama ang haplos ni Marco sa paa ko. Tumingin ako sa baba at pinanuod ko siya habang tinatagtag ang sandals ko atsaka minasahe ang paa ko.

"You sleepy?" Tumango ako at pinikit ang mata.

"Okay. We'll sleep." Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako mula sa likuran. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at mahigpit ang pagkakayakap sa akin na tila may aagaw sa akin. Ngayong gabi papayagan ko ang sarili ko na mahalin pa siya sa huling pagkakataon. Bukas pag gising ko sana kayanin kong iwasan siya. Dahil hindi ko alam king alin ang mas masakit na paalam. Ang iwanan ka na dala-dala niya ang puso mo o ikaw ang unang mang-iwan para sakaling bumalik siya ay muli kong maibalik ang puso ko? I choose the latter. Mas masakit kasi kung pagsasaluhan namin ang langit sa maikling panahon kapalit ng impyerno ng limang taon. Mabuti pang sanayin ko na ang sarili ko sa sakit.

"I love you always, Abby." Bulong niya.

"I love you always, Marco." I whisper and I close my eyes.



Authot's note:
   Hahahaha. Wadapak. Di ko kayang maging deep.

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now