Chapter 1 (First Day)

2.4K 15 0
                                    

"Alam mong kaya lang kita pinayagang manirahan dito sa Manila mag-isa ay dahil may sabit (medal) ka noong gumraduate ka!" Paalala sa akin ni Mama.

"Opo. Mag-iingat naman ako. Atsaka gusto ko rin naman pong tumayo sa sariling mga paa." Pagmamalaki ko sa kanya.

"Tumayo sa sariling paa! Eh, ako pa rin naman ang nagbayad ng renta mo dito! " Sigaw sa akin ni Mama.

Kinulit ko lang kasi sila ni Papa na gusto kong mag-aral dito sa Manila. Under ng government yung university. Gaya nga ng sabi ni Mama, siya nga yung nagbayad ng unang renta. Kapag nakahanap na ako ng part-time job eh tutulong ako sa kanila sa pamamagitan ng pagbabayad ng sarili kong bills.

"Siya eh mag-ingat ka at aalis na ako. Ikandado mo ang pinto ha! Huwag mong kalilimutang tumawag." Habilin sa akin ni Mama at hinalikan na ako sa pisngi.

5,000 pesos ang renta dito sa apartment every month. Kasama na ang kuryente at tubig. Dalawa lang ang kwarto at isa lang ang c.r. Fully furnished na din siya ang kaso lang eh antique kaya may pagka-horror feels.

"Ano kaya kung magpaskil ako ng: 'Wanted:Bedspacer'?" Bulong ko sa sarili ko.

Kaya naman dali-dali akong nag-sulat sa isang makapal na karton at idinikit ko sa labas ng gate. Napansin kong may nakatingin sa likod ko kaya lumingon ako. Nagulat ako ng may isang babaeng may dalang bagahe ang tumambad sa akin.

"Ah, kumukuha ka ng bedspacer? Pwede bang mag-apply? Kaluluwas ko lang kasi galing Batangas at kinuha ang sched ko sa university. Saktong napadaan ako dito kasi ayun sa napagtanungan ko madami daw paupahang apartment dito." Nakangiti niyang litanya habang umiinom ng mineral water.

"Talaga? Ako lang kasi mag-isa dito eh. Halika pasok ka para mapag-usapan natin." Naka-ngiti kong sabi at pinagbuksan siya ng gate.

Mukhang sinuswerte ako ah. Biruin mo, kakalagay ko pa lang ng notice eh may instant tenant na ako. Salamat naman at may kasama na ako sa haunted apartment na ito.

"Maupo ka diyan. Ikukuha lang kita ng merienda." Inilibot niya ang tingin niya sa apartment at umupo sa wooden couch. Pumunta na ako sa kusina. Buti na lang at nakapag-grocery kami ni Mama bago siya umalis.

Malapit kasi ang apartment na ito sa university na papasukan ko at may mini mart din at mga fast food restaurant na pwede kong pasukan. Bukas na siguro ako mag-aapply. Tutal 3 days pa naman bago ang first day.

"Kain ka muna." Ngumiti ako at umupo sa single seater na wooden couch.

"Salamat ah. Gutom na rin kasi ako eh. Kanina pa ako naglalakad. Buti na lang pala-tanong ako, hindi kasi ako pamilyar dito." Pa-demure naman siya humati sa cake at kinagatan.

Pasalamat siya at bisita ko siya kunghindi wala siyang chocolate roll ngayon sa harapan niya.

"Bale 5000 pesos kasi yung rent ko dito so 2,500 yung share natin. Occupy mo na din yung isang room. Double deck ang katre doon." Tumango siya at dumukot sa bra? Wut? Sa bra niya ng lera at inabit sa akin. Aba! Galante ito ah.

"Okay. Ibigau ko na lang sched ko sayo. Tsaka may trabaho ako bukas ng gabi. Bakasyon pa kasi akong nag-plano ng pag-tira ko dito. BTW ako nga pala si Mika." Inabot niya sa akin ang kamay niyang may icing pa.

"Abby Keziah Ilagan."Ngumiti ako at inilahad ang aking kamay.

Gaya nga ng sinabi ni Mika, ibinigay niya sa'kin ang schedule niyz. MWF ang sched niya, ang akin naman ay regular class. Hmm. Mas gusto ko yunh MWF para maka-tulog ako sa walang pasok.

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now