Chapter 19: Recruitment! The Sly King becomes a Heartthrob!

15 3 0
                                    

[Ezra's POV] 

*yawns* First thing in the morning. Homeroom. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad ako sa klase ni sir Sicam.. yet I can't go to the rooftop. Siguradong sisigawan na naman ako ni Blair. At kung sa infirmary naman ako didiretso, siguradong babatuhin ako ni Mitsuki ng bote ng kung anu-anong gamot. Tsk.

"So as I am saying. Magkakaroon tayo ng Sports Fest this month of October. I know, its late. At isa pa tag ulan na. Pero request yun ng kalaban nating school. At unfortunately, sabi ng director natin, gusto nya na ang mga participants at manggagaling sa section 4-A. I am expecting na ang mga champions last year ng section na ito ay magpaparticipate sa events." sabi ni sir. Champion san?

"Yes sir~" sabi ni Martin. Si Martin? champion? saan? naguguluhan ako sa mga taong 'to. (-.-)

"Martin, ikaw ay naka assigned sa lawn tennis. Paul, ikaw naman ay sa swimming. Jonas, ikaw ay sa table tennis. At ikaw naman Ezra...since bago ka, kailangan mo ng pumili ng club na sasalihan. I recommend the basketball club for you. May katangkaran ka at muka namang malakas ang katawan mo." -sir. So ang champions pala ay ang tatlong kings? at wtf bat kailangan kong sumali?!

"Basket..ball? Hindi ba masyado naman yatang pambata yun?" tanong ko kay sir.

"Hindi ka ba marunong? Wag kang mag alala, tuturuan ka naman ni Neil eh." ako? hindi marunong? urur. (=_=) teka..Neil? Napatayo ako sa narinig ko. Yung tarantado na nang aakit kay Blair?! Sige. Challenge accepted.

"I hate basketball. But I hate losing even more." tapos umupo na ako sa upuan ko.

"Very well then, after class magpunta ka sa gymnasium. Kakausapin ko na si coach Aida tungkol sa pagre-recruit sayo." Pagtapos ng klase namin dumiretso agad ako sa gym. Andaming tao. Andun din sina Hazel. ang 3 kings, pati yung ilang teachers. Para akong nasa national tournament neto, eh titingnan lang naman nila kung marunong ako mag shoot ng bola. Sa totoo lang, umay na umay na ako sa basketball. Parati akong tinuturuan nung driver namin maglaro nito nung bata pa ako. Maya maya lang may lumapit sa aking middle-aged na magandang babae. Sya daw si coach Aida. Tapos pinakilala nya sa akin ang captain. Si Neil.. at gaya ng hinala ko.. sya nga.. tch. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Iniabot nya ang kamay sa akin para makipag shake hands. Pero hindi ko tinanggap. 

"Simulan na natin agad to." seryoso ang muka ko pagkasabi ko nito. Makikita mo Neil yabang. Ipapakita ko sayo ang kakayanan ko sa basketball.

--

Tumayo ako sa pinaka gitna ng court. Iniabot sa akin ni Neil ang bola. 

"Dapat siguro dun ka sa free throw line pumwesto. Anlayo mo masyado sa hoop-" ibinato ko ang bola gamit ang kaliwa kong kamay at nag shoot ito sa hoop. Nag grin ako at tumingin kay Neil..

"Malayo? tut mu." pansin ko ang inis sa mukha nya. HAHAHAHAHAH. weak amp! Nag iritan yung mga babae na nanunuod.

"Tsamba lang naman yun. Wag kang mayabang." inabutan nya ako ng isa pang bola at ishinoot ko agad ito. pumasok ulit sa hoop. ringless! hahahaha. naghiyawan lalo ang mga babae. Tumingin naman ako sa kinauupuan nina Blair. Kumaway ako sa kanila, yung 3 kings, kumaway din sakin, pati yung girls ng tropa. Si Blair, hindi ako pinapansin. Problema non? ibinalik ko ang tingin ko kay Neil. Mukhang asar na asar na sya sakin. Lumapit ako sa kanya. "Walang tsamba na gumagana ng higit sa isang beses, dude." ngumiti ako sa kanya at tumakbo papunta kay coach Aida.

You Are My Destiny [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon