Chapter 15: Feelings

17 2 0
                                    

*1 week later*

[Ezra’s POV]

“Mula ngayon kaibigan na kita, maliwanag ba?” A smile formed in my face as I remembered what Blair said yesterday. Her words back there made my heart throb like crazy.

“Pare! Uy. Kanina ka pa tahimik. May pangisi-ngisi ka pa dyan.” Huh? Ano? Tumingin ako kay Paul na nakangiti saken. Ah, oo. Kasama ko si Paul, classmate ko sya sa dati kong school kaya kakilala ko sya. Kasama ko din ngayon dito sa rooftop ang mga katropa nya, sina Martin at Jonas.

“In love ka siguro fre~” sabi nung Martin. Sintu-sinto ba ‘to oh ano? -.-“

“Sipain ko kaya ang mukha mo? In love ka dyan.” Pasiga kong sabi sa kanya. 

“Alam mo Ezra, bagay kayo ni princess.” Sabi naman nung si Jonas. Princess? Pangalan ba yun? Ang sagwa naman. Psh. HAHAHA. Baka naman princess ang pangalan tas mukha naming katulong. Tss. Di kami bagay. Lol. Napansin kong tumingin si Martin kay Jonas, si Paul naman nakangiti lang sa akin.

“T-teka..sinong princess ba?” napatanong pa tuloy ako. -__-“ Sino ba kase yun?

“Ou nga ano, bagay sila ni princess. Parehas sila ng ugali. HAHAHAHA!” ­–Martin

“Tama na nga yan, mga unggoy. Ezra, yung princess na sinasabi nila eh yung queen bee ng school. Si Blair. Kilala mo na naman sya diba?” sabi ni Paul tapos ngumiti sya sa akin. Eto lang yata ang matinong kausap eh. Queen bee? Huh?

“Ah oo. Ang ingay nga nya kahapon. Badtrip. Walang tigil ang bunganga.” Oo, hangga’t di ko sya naihahatid dun sa labas ng subdivision nila eh walang humpay akong tinatalakan at tinatawanan. Tinawag pa akong sira-ulo habang tumatawa.

“MAGKASAMA KAYO KAHAPON?!” –sabi ni Paul. Pake mo? Tch. Selos ka?

"Oo eh. Hinatid ko sa kanila kasama si Hazel, bakit?"

"Ah, wala naman." aay, ou nga pala..boy best friend nga pala to ni Blair.

"Anyways, guys. Simulan na natin ang tunay na topic." sabi nung si Martin.

"Oo nga. Malapit na matapos ang break time. Bilis." eto namang si Jonas masyadong seryoso. Problema neto?

"Naisip namin na isali ka na sa tropa namin Ezra. Sa Big Three." sabi ulit ni Martin.

"Edi di na big three yun pag sumali ako. Tungaw ka ba?" sabi ko naman sa kanya.

"Hep hep. Patapusin mo muna ako, pwede? 3 Kings talaga tawag samin eh. Mas nakilala lang kami sa tawag na big three kase meron kaming sari-sariling specialty. Ngayon.. dahil kasama ka na namin.. kailangan na baguhin yung pangalan." sabi pa nya. 

"4 Emperors. Gaya nung sa One Piece." sabi naman ni Jonas.

"Ikaw Ezra? May naisip ka ba?" tanong sa akin ni Paul.

"4 Kings kaya? Tutal kings naman pala kayo dito. Gaya ng sa deck of cards. King of Hearts, King of Clubs, King of Spade, at King of Diamonds." sabi ko sa kanila. Actually nalaman ko lang yan sa kaibigan ng daddy ko na part ng mafia.

"Oo nga ano! Ang galing mo Ezra! King of Clubs ako ah." hanga naman tong si Martin. Gaya mo pa ako sa inyo, mga bugok. Sa gwapo kong ito. WAHAHAHAHA!

"King of Diamonds ako kung ganoon." sabi ni Paul.

"King of Spade ako. Kaya si Jonas ang King of Hearts. Okay lang ba yun Jonas?" tanong ko sa kanya. Gusto ko ang spade kase nire-represent nun si King David. Matalino in short.

You Are My Destiny [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon