Chapter 13: Hazel, Jonas, and Questions

31 3 0
                                    

[Jonas' POV]

Crush daw? Landi din eh. Tss.. Oh f*ck, I'm about to break down. Bakit ba kase hanggang ngayon mahal ko padin si Hazel?! Napalingon ako dun sa "pogi" na tinatawag ni Hazel. Yung Ezra. Mas pogi pa ako dun eh! Aish! Kung ipagpapalit lang din naman ako nun sa mukhang unggoy na yun edi...huh? Ano bang pumapasok sa isip ko. Hindi naman pwede na maging kami eh. Tama.. walang kami, at kailan man ay walang magiging kami.

"Moving on to our new lesson. How do you define love?" -tanong ni sir Sicam sa amin. Oo, nasa kalagitnaan kami ng klase pero si Hazel parin nasa isip ko. Grabe na ako diba?

"tez.."

"ntez.."

"Montez! Are you listening? What are you spacing out for, Mr. Montez?" -sir.

"Oh..sorry sir. Pardon your question?" -geez. Sobrang wala na ako sa sarili ko. Bwiset naman na slowpoke yan eh! Hindi na naalis-alis sa isip ko. -__-

"How do you define love, Mr. Montez?" -tanong ni sir. Tumayo ako para sagutin ang tanong. Putragis. Hindi ko alam.. ano nga ba?.. Love is.. love is Hazel..? No. Baka paltukin ako ni Ash ng sapatos sa mukha pag sinabi ko yun.. Love is..like a rosary, full of mystery? No. Hindi ito slumbook ng elementary student.. mga taong katulad lang ni Hazel ang sasagot ng ganun..ano nga ba?

"Why does it take you so long to answer, Mr. Montez?" -tanong ulit ni sir.

"Love is.." -walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Haz.. anu ba yan!

"Is..?" -sir.

"Love is..when nothing goes the way you want...You're not having fun..and yet, you still want to be by her side.." -tama..gusto ko parin manatili sa tabi nya.. kahit hindi bilang boyfriend nya..o kahit hindi bilang kaibigan..kahit nagtatago lang ako sa anino ng iba..gusto ko parin manatili sa paligid nya..para protektahan sya.. at para mahalin sya.

"Ang lalim.. Jonas Montez. May pinaghuhugutan?" -sabi ni sir. Di ko sya magets.. tinanong nya ako tapos nung sumagot ako sasabihan ako ng ganun? Palibhasa di nya alam ang pinagdadaanan ko. Well yung quote na yun.. galing lang yun sa Chihayafuru. Yung anime na napanuod ko nung 2nd year ako.

"sir..." -nasabi ko nalang kay sir..

"Hahahahaha! Is there anything that you can say Ms. Tamayo?" -tumingin si sir sa akin tapos tumingin sya kay Hazel.. he's grinning.. (O___O) Bakit si Hazel ang tinawag ni sir...? Ah, tumayo na si Hazel.. How can she act so normal?! Siguro nga kase hindi naman nya talaga pinahalagahan ang relasyon namin.. noon..

"Sir..I agree with Jonas. You still want to be by someone's side, even if you're not happy..even if it hurts you." -pinatatamaan kaya nya ako? sa totoo lang nagulat ako sa sagot nya. I don't expect her answer. Kakaiba talaga itong si Hazel. I still love her. Kahit na hindi nya pa ako minahal, o hindi nya ako kayang mahalin..mahal ko parin sya. I never stopped loving her. And I never will. Kahit pigilan pa ako ng buong mundo..palihim ko parin syang mamahalin at po-protektahan.

"Ok, well then both of you can take your seats." -umupo na si Hazel.. kaya umupo na din ako.

"Okay, moving on.. ang blah blah blah..." *sigh* tinatamad na ako makinig sa lesson ni sir.

--

[Hazel's POV]

Haaaaaaay... bigla akong tinawag ni sir pagkatapos ni Jonas. Sasabihin ko sana na 'love is like a rosary full of mystery' eeh. Kaso baka tawanan ako ng buong klase. Nananadya siguro si sir..halaaaa! baka alam nya na may past kami ni Jonas kaya gento yung topic namin! Ano ng gagawin koooooo? (TT^TT) Aay? wala na nga pala kami ni Jonas. </3 Ayoko na makinig sa lesson.. tch. 

You Are My Destiny [on hold]Where stories live. Discover now