Chapter 8: First Meeting (Other Side)

49 4 0
                                    

[Ezra's POV]

"Makapag ikot-ikot na nga lang." -sabi ko sa sarili ko. Nagpalsak ako ng earphones sa tenga ko. At nagpatuloy na ako sa paglalakad. Naglalabasan na ang mga estudyante sa mga classrooms nila. Recess na eh. Malamang. Alangan namang magpakamatay sila sa gutom diba?

Dumiretso muna ako sa sa c.r na nasa may dulo ng hallway. Magkabilang mundo ang agwat ng office ni dad sa c.r ng boys. Amp. Kung hindi lang talaga ako pinalabas agad ni dad dun na ako ji-jingle eh. -.-

Pagkapasok ko sa c.r ng boys (alangan namang sa girls? lol) medyo nagulat ako.. "Hindi ito kagaya ng c.r sa dati kong school" ang nasabi ko sa sarili ko. Napakalinis *o* Halatang disiplinado ang mga estudyante dito. Tch. Pumasok na agad ako sa unang cubicle. Nagwiwi, tapos naghugas ng kamay.

Habang hinuhugsan ko yung kamay ko, napatingin ako sa salamin.. "Bakit kaya ang gwapo-gwapo ko?"  Pinatuyo ko na agad yung kamay ko at lumabas na. Mahirap na kapag may sumagot pa sa tanong ko. Paglabas na paglabas ko ng pinto, bumagal ang lakad ko dahil sa kantang nagsimulang tumugtog sa cellphone ko. d(._.)b Hindi ko naman gusto ang kantang ito, ni hindi ko nga alam kung bakit nasa playlist ko ito eh. Pero hindi ko alam kung bakit parang gusto ko ito pakinggan. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pindutin yung next button.

Now Playing: I Knew I Loved You - Savage Gardens

"Maybe it's intuition 

But some things you just don't question.."

Habang naglalakad ako.. parang pakiramdam ko naka slow-motion lahat ng tao sa paligid ko. Ang weird. Sa halip na i-next, itinodo ko ang volume. Naka earphones ako kaya hindi ko na naririnig ang mga tao sa paligid ko.

"Like in your eyes

I see my future in an instant

and there it goes-"

"AAAH-!" dire-diretso padin ako sa paglalakad. Alam kong nabangga ko sya. Pero anong point na mag sorry ako. Grabe naman kase ka OA kung makapag react.

"I think I've found my best friend

I know that it might sound more than

a little crazy but I believ-"

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan tumayo? Aba't! Napaka gentleman mo naman!" -nagscreech yung tunong sa tenga ko. Grabe. Naka full-volume na nga yung music ko tapos nangibabaw padin yung boses nya.

"Thank you ha!" -singhal nya sa akin. Lahat ng nakaslow-mo habang lumalakad ako parang biglang nag fast forward nangmarinig ko yung nakakarindi nyang boses. Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pasak sa kanang tenga ko. Para akong na-stress sa kanya. Aissh! Hinawakan ko ang batok ko at humarap sa kanya.

"I knew I loved you before I met you

I think I dreamed you into life

I knew I loved you before I met you

I have been waiting all my life"

"You're welcome, miss." -pansin ko na nagtinginan yung mga estudyante sa amin. Pake ko naman? Nag thank you sya eh. Tumalikod na ako sa kanya at tumuloy na sa paglalakad.

Medyo narindi na ako kaya pinatay ko na yung music. Tinanggal ko na sa tenga ko ang earphone ko at itinago sa bulsa ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa canteen. Medyo nagugutom na din ako eh. Nakakabatrip yung babae kanina. Sayang.. maganda pa naman.

--to be continued--

You Are My Destiny [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon