Chapter 10: They Meet Again

37 4 1
                                    

[Blair's POV]

Umalis si Jonas na parang nabadtrip. Si Hazel naman.. ayun, biglang lungkot ng mukha. Grabe ah. Halata namang mahal padin nila ang isa't isa eh. Bakit kase ayaw nalang nila magbalikan para happy-happy ulit sila?

"Anung problema ni Jonash?" -etong si Martin unggoy talaga. --" Nagtanong pa. Tsk.

"Tin, monggoloid ka ba oh ano? Hindi pa ba obvious? Tch. LQ na naman yan malamang! WAHAHAHAHA!" -patawang sabi ni Paul. Eto isa pa ito eh. Ansarap hambalusin ng hopia sa mukha! ><

"Guys tama na, okay? Hindi ba kayo marunong bumasa ng atmosphere? Kumain nalang tayo. Malapit na mag-bell oh." -sabi ko sa kanila. Wala eh, ito nalang ang magagawa ko para mawala kahit konti ang BV kay Hazel.

Tumingin sa akin si Hazel at ngumiti. "Bes, may mayo ka pa sa labi oh." sabi nya sabay punas sa bibig ko. Grabe nakakahiya. (>/////////<)

"Ha ha ha! Ang cute mo bes! Bigla ka namula. Hahaha!" dagdag pa nya. Salamat naman at ngumiti na sya kahit papaano. :)

Nagpatuloy na kami sa pagkain, yung dalwang mokong naman.. ayun, tumahimik.

*ring ng bell*

Ugh. Science next subject. Boring. Tsk. Unti unti ng nawawala ang mga tao sa canteen, nagsisibalikan na sila sa mga rooms nila. Eh si Jonas at si Hazel kaya? Kelan kaya sila magbabalikan? Haaaaay.

"Haz, tara na?" aya ko sa kanya.

"Nnn!" -tango nya tapos naglakad na kami. Pakiramdam ko peke parin ang ngiti nya. Tsk.. di ko na alam ang gagawin ko sa kanya.

"Bes... salamat aah.." mahina nyang sabi sa akin habang nakangiti.

"Hmm? Para san?" Sa totoo lang hindi ko gets kung para san yung thank you nya.. Thank you kase? Hmm....

"Huh? aah..wala naman, basta! Kase lagi kang andyan para saken. Super thankful ako na ikaw yung naging best friend ko. Kung naging lalaki ka lang talaga sayo ako magpapaligaw eh!" -medyo na-flutter ako sa sinabi nya. Ganyan nya pala ako kamahal.. Huh? Di naman kata t-boom 'tong si bes? (._.)? Hindi hinde! Malamang trip nya na naman.. hindi na ako magpapaloko! Nyahahaha!

"Kapal naman ng mukha mo, kung naging lalaki ako hindi kita liligawan! Panget! :P de joke. ^^ Sa totoo lang ang drama mo..tara na nga!" -tapos tumakbo ako.

"Hooooy! maganda ako excuse me! Saka ikaw na din nagsabi na mahal mo ako ano! Ibig sabihin in love ka saken! :P Pano pa kaya kung lalaki ka!" -sigaw nya sa akin habang humahabol sa akin.

Pag-akyat namin sa second floor, wala ng mga estudyante sa hallway.. Paktay! Late na kami! HAHAHA!

"Bes, papapasukin pa kaya tayo ni ma'am? Naku, kinakabahan tuloy ako." -sabi ni Hazel.

"Lol bes! First time mo nga pala mala-late ano? hahaha! Okay lang yan, papapasukin tayo ni ma'am Marasigan, promise!" -sabi ko sa kanya.

"Talaga?" Tapos sumagot ako ng 'oo' at hinila ko na sya papunta sa tapat ng room namin.

*sa tapat ng room*

Kailangan ko lang naman gawin yung lagi kong ginagawa eh. HAHAHA! Sige eto na...

 "Ma'am! Sorry we're late-"

...

...

...

Isang lalaking nakatayo sa harap ng klase ang naabutan ko....

..

...

......

"IKAW?!" napasigaw ako ng makita ko yung mokong na bumangga sakin kanina.

"Huh?" -sagot nya sa akin.

"Uy, pogi ikaw pala." -sabay sabat ni Hazel.

"Pogi?! Yan pogi?! Bes bulag ka ba! Mukha ngang unggoy yan eh!" -sabi ko naman kay Hazel.

"Eh?" -tapos naglingon-lingon sya.. tapos tinuro nya yung sarili nya. "Ako ba?" mokong talaga --"

"Blair.. yung mokong na sinasabi mo, ay si espren?!" -sabi ni Paul.

"MANAHIMIK MUNA NGA KAYO! MAGKAKAKILALA PALA KAYO. SORRY FOR INTERRUPTING YOUR REUNION GUYS, PERO NASA KALAGITNAAN SYA NG INTRODUCTION. AT MR. SALCEDO TAKE YOUR SEAT!" -sigaw sa amin ni ma'am Marasigan. Grabe nakakatakot..

"At kayo naman Ms. Sullivan at Ms. Tamayo, pumasok na kayo." -dagdag pa ni ma'am.

He-he-he. Pumasok na kami. Swerte nga naman oh. Hahaha! Pero teka..nag i-introduction yung mokong? Ibig sabihin... ibig sabihin..

(._.)

(o.o)

(O.O)

(O_O)

(O__O)

MAGIGING KAKLASE KO SYA?!

You Are My Destiny [on hold]Where stories live. Discover now