Chapter 14: Getting to Know Mr. Weirdo

29 4 2
                                    

[Blair’s POV]

First time ko tuloy uuwi ng mag-isa. *sigh* Sayang naman. Mukhang wala na akong ibang maaaya. Tsk. Yaan na nga-

“Blair!” –may tumawag sa akin mula sa likod. Pamilyar ang boses. Humarap ako para tingnan kung sino iyon. Ahh..si Ezra. Tumatakbo sya papunta sa direksyon ko. Mokong talaga. --“ Ano na naman kaya ang kailangan nun? Tsk.

“Anung problema?” –inunahan ko ng tanong si Ezra paglapit nya sa akin. Feeling close masyado.

“Bakit ka mag-isa, huh kaibigan ko?” ­–sabay ngiti sa akin. Mukha syang bata kapag ngumingiti sya. Weirdo talaga. Sa una naming pagkikita nayabangan ako sa kanya dahil di man lang sya nag-sorry sa akin. Pero sa tuwing ngumingiti sya sa akin parang ang bait bait nya.

“Kaibigan? Kelan pa tayo naging magkaibigan?” –seriously? Kaibigan daw.

“Kanina lang. Sinundo mo pa nga ako diba? Hehehehe” –sira ulo yata to eh. Pssh. HAHAHAHAHAHA! Nakakatawa sya.

“Di mo ba narinig ang sinabi ko na wala naman talaga akong pake kung hindi ka pumasok sa klase? Ayoko lang mapagalitan ni sir kaya kita pinuntahan. At isa pa, ako ang president ng klase natin kaya responsibility kita-“ –hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla nyang tinakpan ang bibig ko.

“Ang ingay mo talaga. Tsk. Ako na nga itong nagwo-worry tas ganyan ka pa? Pambihira naman oh.” Kinagat ko ang kamay nya kaya napilitan syang tanggalin ito sa pagkakahawak sa bibig ko. Tsk.

“Araaaaaay! Sira ulo ka ba?! Bat mo ko kinagat?!” –namumula sya sa galit. HAHAHA! Ang cute! Buti nga :P

“Kasalanan mo kaya yun. Pwede ba. Tsk. Wala naman kaseng nagsabi sayo na mag-worry ka. Saka hindi naman dahil nag-iisa ako ibig sabihin malungkot na ako eh.”

“Talaga? Makinig kang mabuti sa sasabihin ko aah. Hindi dahil walang nagsabi sa akin na mag-alala ako, ibig sabihin nun hindi na talaga ako dapat mag-alala. Walang kahit na sino ang nakaka-control sa damdamin ng tao. Saka isa pa, kahit sabihin mo na hindi ka malungkot… Kahit na sino, mapapansin na hindi ka sanay mag isa. Kita mo, kahit nasa malayo ako ramdam ko na nagbubuntong hininga ka. Tsk. Kunyari ka pa eh. Tsundere.” –sabi nya sa akin.  Hindi ko akalain na..ganito pala sya mag isip. Wala sa itsura nya aah.

“Dami mong satsat. Tch.” –sabi ko sa kanya. Tapos bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako.

“Te-te-teka ano ba! San ba tayo pupunta? Hooooy!” –parang hindi nya ako naririnig. Dire-diretso lang sya hanggang sa nagpumiglas ako at nabitawan nya ang kamay ko.

“San ba tayo pupunta? Aiish! Sandali nga. Kukunin ko yung bag ko. -.-" –dagdag ko pa.

“Aaaay nako, dalian mo na nga. Bagal bagal.” –sya

“Bagal-bagal ka dyan?! Ikaw tong biglang manghihila tas.. tsk. Aaay nako!” –reklamo ko sa kanya habang inaayos ko ang bag ko. Hindi ko nga alam kung bat ako sasama sa kanya eh. Parang pakiramdam ko lang mas okay na sumama ako. Kesa nga naman mag-isa lang ako. Saka isa pa..maaga pa naman eh.

“Tara na.” –sabi nya sa akin tapos ngumiti ulit sya. Tapos.. tapos.. ang gwapo na naman nya. :”> San kaya kami pupunta? Isinakay nya ako sa kotse nya. Wow. Marunong na sya mag drive. *o*

Naka upo ako sa tabi nya. Ang bango sa kotse nya aah.

“Kanina ko pa to tinatanong eh. San ba tayo pupunta?” –tanong ko sa kanya.

You Are My Destiny [on hold]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora