Chapter 9: First Meeting (Other Side) *part 2*

37 1 0
                                    

--Part2--

Nagugutom na ako..... Haaaay! Nagutom ako sa kaingayan nung babaeng yun. Tch. Makadiretso na nga lang sa canteen. Come to think of it.. maganda yung baabeng nabangga ko kanina. Kaso ang sungit. Grabe. Pagdating ko sa canteen..

Sh*t.. napakadaming tao. Tch.

"Bahala na nga." -sabi ko sa sarili ko habang sumisingit sa pila. Napansin ko ang isang babaeng nagpupumilit sumingit sa pila..

"Oy! matutumba ka!" -muntik na matumba yung babae kaya tumakbo ako para masalo sya.. at dahil gwapo ako, syempre nagtagumpay ako.

"Miss, okay ka lang ba?" -tanong ko sa kanya habang nakahawak ako sa may bewang nya tas yung isang kamay ko nakahawak sa isang kamay nya. Inaalalayan ko lang sya. Chill. Napatingin ako sa kanya at.. *o* Medyo na-stun ako dahil..talagang maganda sya..

"ah- miss? okay ka lang?" -dagdag ko pa.. bakit kaya nakapikit ito? Halikan ko kaya? Hahaha! joke lang. Maganda sya.. kaso mukang may sayad ata eeh. Pakunot-kunot pa ano noo.

 "Miss?" -iminulat na nya yung mata nya.. ang ganda nya..

"Ahh, err... yes? he-he-he" -sa wakas sumagot din --" nangangalay na ako aah.

"Ano ba ang bibilhin mo miss? Ako na ang bibili para sayo." -sabi ko sa kanya.

"Don't worry, treat ko. Hintayin mo nalang ako dyan." -dagdag ko pa.

Medyo nag-blush yung babae pagkasabi ko nun. Nakakakilig ba yung sinabi ko?

"You..sure?" -pa chix nyang tanong sa akin.

"Yep" -mabilis kong sagot sa kanya. Tapos sinabi nya sa akin ang balak nyang bilhin. Isang milkshake at strawberry milkshake tapos isang vegetable salad at hotdog sandwich. Di naman kaya nagpapataba 'tong babaeng 'to para maging fertilizer sa lupa? Tch. Bahala na. May pera pa naman ako eh.

Binili ko na yung pagkain nya at iniabot sa kanya.

"Here." -tapos ngumiti ako sa kanya.

"Aah, thanks! e-eto yung bayad oh." -psh. Anung akala nya saken? Trabahador? Sabi ko naman treat ko yun ah. --"

"No. Don't worry about it. Sige na, baka hindi mo pa makain yan." -hawak ko sa isang kamay ko yung stawberry milkshake (try ko tikman, baka magustuhan ko). At umalis na. Ugh. Nakalimutan ko yung gutom ko. Grabe. Hindi na ako nag-look back sa kanya. Baka kulitin pa ako eh. Pero sa totoo lang, ang ganda nya. Parang yung babaeng nabangga ko kanina. Pero eto mukhang mabait. Hindi maldita. Kaso weird. Umakyat ako papuntang third floor. Walang tao dun kaya walang maingay. Rooftop kase yun. lol Dun ko ininom yung strawberry milkshake na binili ko..

"nnnn... masarap din naman pala." sabi ko sa sarili ko. Malay ko ba naman na pati pala mga teenager mahilig uminom ng ganito. -__-" Up until now softdrinks at light alcohols palang ang tinitira ko eh.

*tingin sa orasan*

"Malapit na pala mag-bell.. tch. Kung kelan gusto ko matulog eh. Badtrip!!" Umupo ako sa may hagdan. Dito ko nalang hihintayin ang pag-ring ng bell. Sakto, malapit lang dito yung magiging classroom ko. Ays!

You Are My Destiny [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon