Chapter 10

4K 91 21
                                    

Sabay na lumabas ng kani-kanilang kotse si Vice at Karylle, nag-katinginan lang sila ng masama sabay sinarado na ang pinto at dumerecho na sa loob. Nag-katinginan din naman si Vhong, Billy at Anne na parang tinatanong kung anong nang-yayari sa dalawa. Hindi naman sila sumagot dahil ni-isa sa kanila ay hindi alam ang dahilan. All of them shrugged their shoulders bago pumasok sa loob ng company.

Sabay silang limang na sumakay ng elevator pero ni-isa sakanila ay hindi umiimik. Nasa likuran lang ng dalawa sina Billy, Vhong at Anne, nag-titinginan lang at pinag-mamasdan ang bawat galaw ng dalawa nilang kaibigan. Si Vice nag-lalaro ng Clash of Clans habang si Karylle ay hinihintay lang na mag-bukas ang pinto ng elevator.

"Ang ingay." Sabi ni Anne.

"Oo nga e, di ba brad?" Sabi ni Billy at siniko si Vhong na nakatitig lang kay Anne.

"Ah, oo. Maingay nga. Bakit ang tahimik mo brad?" Tanong niya kay Vice. Napa-face palm naman sina Billy at Anne sa ginawa niya.

Huminga ng malalim sina Vice at Karylle. Sakto namang bumukas na ang elevator at lumabas na sila Vice, Billy at Vhong. Pag-kalabas nila siniko naman ni Anne si K.

"Problema niyong mag-asawa?" Tanong niya. Tinignan lang siya ng masama ng kaibigan. She clenched her jaw. "Ano?"

She smiled. "Basta." Sakto namang bumukas na ang elevator at lumabas na siya.

"Problema nun?" Tanong ni Anne habang sumusunod sa kaibigan.

~

"Brad!" Sigaw ni Vhong habang hinahabol lang si Vice. Nag-lalakad kasi ng mabilis si Vice at dahil mahaba ang legs niya, sobrang bilis ng kanyang pag-lakad. Napabuntong hininga si Billy at Vhong sabay nag-katinginan at tumakbo papalapit kay Vice.

Napatumba si Vice sa sahig dahil umangkas si Billy kay Vice. "Aray! Puta!" Sigaw ni Vice habang tinatry tumayo pero dahil malakas din si Billy ay hindi siya makawala. "Brad, ano ba?!"

"Hindi ka namin papa-kawalan hangga't hindi mo sinasabi ang problema mo." Sabi ni Vhong. "Sasabihin mo o huhubaran ka namin?"

"Kung ayaw mong mapahiya, sabihin mo nalang." Sabi ni Billy.

"Sa ginawa mo, napahiya na ako! Umalis ka nga, yung ano mo nasa pwet ko na! Bakla ka ba Billy boy?!" Hysterical niyang tanong. Nagagalit na kasi siya dahil hindi siya makahinga at pinag-titinginan na sila ng mga katrabaho nila. Nakatanggap naman siya ng hampas mula sa kaibigan. "Aray! Gago ka ah!"

"Vice, ano ba kasing problema mo? Bakit ang init ng ulo mo?" Tanong ni Vhong.

"Oo nga." Sabi ni Billy.

"Sinong hindi mag-iinit ang ulo sa ginagawa niyong dalawa saakin?" Napabuntong hininga si Vice. "Fine, sasabihin ko na. We had sex last night."

Bigla namang tumayo si Billy at tinulungang tumayo si Vice. "So what happened?" Tanong niya.

"Basta, it was stupid for me to give in. I should have known better." Sabi niya at pinagpag ang damit niya.

"Ano nga nang-yari kasi?" Tanong ni Vhong.

Vice sighed. "After we did it, she thanked me and told me to forget about it like it never happened."

"Yun lang? Tapos nagagalit ka sa buong mundo?" Sabi ni Billy.

"Anong 'yun lang,' gago ka ba? Nasaktan ako sa sinabi niya. Parang hindi niya ako asawa sa sinabi niya kagabi." He sighed. "Mag-trabaho na nga lang kayo, nakaka-asar kayo e." At dumerecho na siya sa desk niya.

~

Dalawang linggo ang lumipas ay ganun pa din ang pakitungo ng dalawa sa isa't isa. Kahit i-try nila Vhong, Billy at Anne na pag-batiin ang dalawa, hindi pa din gumagana. Mas lalo lang nilang tinataasan ang pride nila.

Slow Love | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon