Chapter 7

3.9K 81 2
                                    

Napabuntong hininga si Yael bago inumin ang wine na hawak niya. Nag-chuckle siya lightly dahil sa pinapanuod niya, mga videos nilang dalawa ni Karylle nung sila pa. Mostly kulitan at ka-sweetan ang nasa videos na pinapanuod ngayon ni Yael pero hindi niya maiwasang mag-sisi sa nagawa niya sakanya.

Hindi naman namalayan ng bata este binata na tumutulo na pala ang luha niya. Uminom ulit siya ng wine sabay punas sa luha niya gamit ang kanyang damit. "You'll be mine again, Karylle." Sabi niya. "You're mine."

~

Vice groaned habang paakyat ng hagdan. Kausap niya kasi si Solenn at pinipilit ng kanyang ate na pumunta sa kanila at alagaan si Vice. "Ate Sos, I don't need help. I'm fine."

"Are you sure?" Tanong ng ate niya sa kabilang line. "I mean if you're not, pwede naman kaming mag-punta diyan ni Georgina and we'll take care of you."

"Ate, I'm fine. K will be the one taking care of me. Plus hindi na ako bata---"

"I'm pretty sure you miss your blankie and your teddy bear." Pang-aasar ng kapatid.

"I'm pretty sure I don't." Walang emosyon niyang sinabi. "I'm gonna hang up now."

"Okay, take care baby bro. Remember I'm always here for you, okay? So does Liz and Georgina. Kapag may problem kayo we're just a call away."

"Alright, see you Ate." At in-end na ni Vice ang call. Napabuntong hininga siya. "27 years old and still being treated like a child." Bulong niya habang kinakamot ang ulo niya.

Sakto naman lumabas si K sa kwarto niya at nakita si Vice na parang malalim ang iniisip. "Problema mo?" Tanong ng dalaga habang papalapit kay Vice.

"Wala naman." Sagot niya at hinarap si Karylle sabay ngiti. "Look, I'm sorry about me being gone for almost a week. Hindi ko lang talaga alam kung anong nang-yari."

Karylle smiled. "It's okay, at least you're okay." At tinapik ang balikat ni Vice. "Anyways, sige mag-pahinga ka na." Sabi niya at tumalikod na kay Vice.

"Karylle?" Tawag ni Vice ng malapit na si K sa kwarto niya. "Salamat."

Ngumiti si Karylle at pumasok na sa kwarto niya para mag-pahinga. Ganun din si Vice. Napabuntong hininga si Karylle at sumandal sa pinto. I'm glad you're okay, Vice. She thought at ngumiti na parang kinikilig.

Sa kabilang room naman, nakahiga na si Vice sa kanyang kama habang nakangiting aso na tila kinikilig din. Ang cute lang ng asawa ko. His eyes widened at the thought. "What the fuck?" He muttered as his eyebrows met. Umiling siya at tinatry alisin ang iniisip niya. Shit! He thought ng na-realize niyang nakalimutan niya ang promise niya kay Izzy. He grabbed his phone and immediately texted Kaye.

To: Kaye

Hey, sorry I can't come today. Tired from work and sa ganito ganyan. Alam mo na. Sorry talaga.

Agad namang nag-reply si Kaye.

From: Kaye

Okay lang. Just make it up next time. Alam mo naman si Izzy, matampuhin.

Vice chuckled at hindi na nag-reply. He put his phone to the table next to his bed and sighed. Tumayo siya sa pag-kakahiga and headed towards the bathroom to do his ritual.

~

After his ritual, sumalampak siya sa kama at huminga ng malalim. Pipikit na sana siya ng may narinig siyang sigawan sa baba. Coco? Zia?

Agad siyang bumaba at tama nga ang hinala niya, sina Coco at Zia nga ang sumisigaw. "Sabi na nga ba e, it's the two of you!" Sabi niya at yumakap sa dalawa.

Slow Love | VicerylleWhere stories live. Discover now