Chapter 21

1.5K 64 10
                                    

A/N: At dahil nabitin kayo sa last chapter. Paalala lang po, bangag ako ulit. Malapit na kasi ako grumaduate from high school kaya ito, nagpupuyat ulit, pero ganun pa man magsaya pa din tayo! Tagay, tagay. Joke HAHA bawal ho uminom :-) anyway, this story is brought to you by: bangag na author HAHA ewan wala pa talaga akong tulog XD pero back to the story tayo, mahal ko kayooooo!

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung nagparamdam si Iza kay Karylle. Dalawang linggo na ding nag-iisip ng paraan si Iza para mapaghiwalay sina Karylle at Vice. Currently magkausap si Iza at Yael, nasa condo ni Yael si Iza. He invited her kasi, pumayag naman siya.

Feel at home naman si Iza sa condo ng kaibigan, agad kasi siyang kumuha ng wine at makakakain sa pantry ng condo ni Yael. Nagtataka man, di nalang niya pinansin dahil alam niyang matakaw si Iza.

Umupo si Iza sa counter at nilapag ang wine sa tabi niya ganun din ang mga chips na kinuha niya from the pantry.

"So, bakit tinawag mo ako dito?" She asked habang inaayos niya ang shirt niya.

Nakatingin lang sakanya si Yael. He bit his lip and aggressively kissed Iza as if she hasn't seen her for years. Actually, Iza and Yael has been seeing each other, patago nga lang dahil nga sa plano nilang paghiwalayin sina Vice at Karylle. Everytime na magkikita sila or mag-uusap, parang strangers sila at walang pakialam sa isa't isa.

Iza smiled breaking the kiss. "I miss this." She said while biting her bottom lip.

Napangiti din si Yael. "Me, too, pero I called you dahil I want you to stop ruining Karylle's relationship with Vice."

Sa sinabi ni Yael, agad nag-iba ang expression ni Iza. From masaya to malungkot.

"Please? Masaya na silang dalawa, kahit anong gawin natin, we can't break them apart." Dagdag ni Yael.

Bumaba si Iza sa counter at kinuha ang kanyang wine sabay inom nito, di niya kasi maintindihan kung bakit biglang nagbabago ang isip ni Yael dahil kung sa tutuusin, siya ang may pakana ng mga plano nila.

"Alam mo, di kita maintindihan... akala ko ba mahal mo si Karylle? Why are you letting her be with someone if she can be with you?" Sambit niya na may galit sakanyang boses.

"Iza---"

"What? You're just gonna give up that easily? The Yael I know wouldn't give up, the Yael I know would keep doing his best for his plans to work!" Hysterical na pagkasabi ni Iza. "My God, ano bang nangyayari sa'yo?"

"The already have a son... that's why I stopped trying. I don't want their son to be either motherless or fatherless. Kasi masakit din lumaki ng walang magulang na nagbabantay sa'yo. I don't want that for him, ayoko ding masaktan si Karylle."

"My God, anak lang nila yun... they're not even a real couple, fake ang kasal nila, pretty sure pati ang pari fake din---"

"It was real, nandun ako nung kinasal sila. Everything was real, plus K's mom arranged the marriage." Yael said while he take a deep breath. "Just stop trying, Iza. Vice won't be yours again."

"No, I won't stop."

"Ang kulit ng lahi mo, ilang beses ka bang pinanganak?"

"Mga tatlo." Mabilis na sagot ni Iza.

Napailing lang si Yael at lumapit kay Iza sabay yakap sakanya. "Tayo nalang kasi---"

"Gago!" Sigaw ni Iza at sinabunutan si Yael.

"Joke lang, 'to naman. Assuming ka masyado, di kita gusto, no."

"Mas lalo namang hindi kita gusto, leche. Uuwi na ako, kita nalang tayo next time."

Slow Love | VicerylleWhere stories live. Discover now