Chapter 23

1.3K 60 5
                                    

Dali-daling tumakbo si Karylle papunta sa kotse niya. Nanginginig man ang buong katawan niya sa sobrang kaba at pag-aalala ay sinubukan niya pa ding magdrive para lang makarating sa hospital kung nasaan ang anak niya. Halos murahin niya ang mga kotseng nagbabagal at mga taong tumatawid sa daang hindi naman tawiran.

Sa oras na 'to, walang pakealam si Karylle kundi ang mapuntahan ang anak niya sa hospital.

"Putapete, Vice! Anong kagaguhan 'to?!" Hysterical niyang tanong sa asawa niya ng nakarating na siya sa hospital. Halos mahimatay si Vice sa lakas ng pag-untog niya sa pader dahil sa lakas ng tulak ni Karylle sakanya. "Sumagot ka!"

"Teka lang! Paano ako makakasagot? E halos magka-amnesia ako sa lakas ng pag-untog ko sa pader?" Kalmado nitong sinabi habang inaayos ang sarili. "Keegan's fine, hindi naman masyadong malakas yung paghulog niya. 1 feet lang. Plus he fell on the carpet, so malambot."

"1 feet?! 1 feet?! Tsaka wala akong pake kung carpeted ang bahay! Tatlong buwan palang yung anak natin! Tapos nila-lang mo lang yang putapeteng 1 feet na yan! Ano nanaman ba kasi ang ginagawa mo at bigla nahulog yang anak ko?!" Sigaw na bulyaw nito habang hinahampas-hampas si Vice.

"Hoy! Anak ko din yan!" Pabalik sigaw ni Vice habang sinusubukang ilagan ang mga hampas ni Karylle. "Nakatulog ako, malay ko bang nagising siya at marunog ng gumapang yang anak mo---"

"Natin."

"Kita mo 'to. Kanina inangkin mo anak natin, tapos ngayong inaangkin ko, nagagalit ka." Napakamot sa ulo si Vice. Naguguluhan kasi siya sa asawa. "Ako na ang bahala dito, magpahinga ka na. I know you're tired from earlier."

"Hindi, kailan ba lalabas si Keegan?"

"One week pa, the doctor told me that Keegan needs to be checked, kailangan ding bantayan baka kasi may injuries or something. Mas mabuting nandito siya, instead of us going back and forth dito sa hospital at sa bahay. Sayang din sa gas."

Napabuntong hininga si Karylle, tinatry din niyang kumalma. "Fine, uuwi ako. Uuwi ka ba?"

Umiling si Vice. "Sasamahan ko si Keegan."

"Alright, I'll see you tomorrow." Sambit ni Karylle bago humalik sa asawa para umuwi na.

Nakatayo lang si Vice habang pinapanuod ang asawa na naglalakad palayo. Bigla namang may umakbay kay Vice. Napatingin siya dito at ngumisi.

"Ang gago mo, Viceral." Sambit nung lalake.

"Pero mas gago ka, Yuzon." Napabuntong hininga si Vice at inalis ang kamay ni Yael sa kanyang balikat. "Wag ka nga, kung hindi ka tumawag edi hindi nahulog yung anak ko sa higaan. Leche ka." Bulyaw nito.

Napakunot naman ang noo ni Yael sa sinabi ng kaibigan. "Malay ko bang gusto ng anak mo ang ringtone diyan sa phone mo? At malay ko bang nakakagapang na yan? Tatlong buwan, gumagapang na. Anong klaseng gatas pinapainom niyo diyan?"

"Hindi gatas, nasa dugo ng mga Viceral yan." Sabi nito at tinignan si Yael mula ulo hanggang paa. "Pati na din ang mga matatangkad, nasa dugo namin."

"Alam ko maliit ako pero wag mo naman sanang ipagkalat."

"Di naman na kailangan ipagkalat, halata naman kasi." Masungit na sabi ni Vice sabay umupo sa may lounge area, ganun din si Yael. "Ano bang gusto mo at napatawag ka?"

Huminga ng malalim si Yael bago magsalita. "It's about Iza, pretty sure kilala mo siya. I mean, you guys dated before, di ba?"

"No, we didn't." Mabilis na sabi ni Vice sabay sumandal sa upuan niya. "Flirt lang."

"Oh, talaga? Iza told me na meron daw talaga e. Hindi lang flirt, may something daw."

"Sakanya, oo. Saakin, wala." Mabilis na sinabi ni Vice. "Teka, what does Iza have to do with everything? How is she relevant?"

Slow Love | VicerylleWhere stories live. Discover now