Chapter 1

10.1K 111 6
                                    

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Sabi ng pari at sinunod naman yun ni Vice at ni Karylle, pero smack lang ang ginawa nila and they both flashed a fake smile.

Ng natapos ang kasal at reception, umuwi agad ang bagong kasal sa bahay ni Karylle, since yun ang gusto niya. Labag man sa loob ni Vice ay sinunod nalang niya ang utos ni Karylle dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho.

Hihiga na sana si Vice sa sofa ng pigilan siya ni Karylle. "What are you doing? Dun ka sa guest room!" Utos niya.

"Ah, opo Miss Tatlonghari. Sorry, pero nakakahiya kasi." Sabi niya habang hinihimas ang batok niya. "Saan po ba ang guest room?"

"Sa taas, yung kwarto sa dulo." Mabilis na pag-kasabi ni Karylle at umakyat papunta sa kwarto niya, ganun din ang ginawa ni Vice.

Pag-pasok ni Vice sa guest room, agad niyang hinubad ang damit niya, boxer at tanktop lang ang suot niya. Napabuntong hininga siya habang humiga sa kama. Ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako sa gusto ng babaeng yun? Tanong niya sa sarili.

~

3 months ago...

Nag-uusap si Karylle at ang kanyang ina tungkol sa kasalang ini-arranged ni Ms. Z para kay Karylle at Yael, si Yael ay isang anak ng matalik na kaibigan ni Ms. Z at ang anak ng isa sa mga shareholders sa company nila.

"Mom! I don't wanna get married to that guy! No, hindi ako papayag!" Sigaw ni Karylle.

"You have to Karylle." Sambit ni Ms. Z. "Plus makakabuti 'to sa kompanya, please Karylle?"

"Ayoko---"

"Uhm? Miss Tatlonghari?" Napatigil si Karylle sa pananalita ng nakita si Vice na pumasok at ngumiti bigla. Nag-gesture si Karylle na pumasok si Vice.

"Uhm? Mom?" Sabi ni Karylle at yumakap sa arms ni Vice. "This is my boyfriend---oh! Actually..." Hinawakan ni Karylle ang kamay ni Vice. "...my fiancé."

Nagulat naman si Vice at nanlaki ang mga mata niya, ganun din si Ms. Z. "Fiancé?!" Sabay na pag-kasabi ni Vice at ni Ms. Z.

"Yes, di ba? You proposed to me last night." Nakataas kilay na sinabi ni Karylle at onti-onting pinipisil ang braso ni Vice.

"A-ah, opo. I p-proposed to h-her last n-night." Nauutal na sabi ni Vice, dahil nasasaktan at natatakot.

"This is why I don't wanna get married 'cause I'm already getting married." She said flashed a smile.

"Okay, we'll prepare the wedding for the both of you. Kami na ang bahala sa kasal niyo, congratulations." Sambit ni Ms. Z at yumakap sa dalawa bago lumabas ng office ni Karylle.

Agad namang kumalas ang dalawa sa isa't isa at sabay nag-clear ng throat. Papalabas na sana si Vice ng tawagin siya ni Karylle.

"Sumakay ka nalang sa gusto ko kung ayaw mong masesante, you understand?!" Tumango nalang si Vice at umalis na ng office.

~

Present time...

Nag-sigh si Vice at pinilit nalang matulog. Sa kwarto naman ni Karylle, she's currently talking to her bestfriend, Anne. Syempre dahil best friend siya ni Karylle, alam niyang fake ang kasalan.

"So anong plano niyo tonight? Honeymoon niyo di ba?" Tanong niya.

"Wala, fake ang marriage namin kaya walang ganyan ganyan." Sagot ni Karylle.

Natawa naman si Anne. "Pero aminin mo, ang gwapo niya kapag nakasuit and tie lalo na kung brush-up ang hair."

"Ewan ko sa'yo Anne, para kang baliw."

Slow Love | VicerylleWhere stories live. Discover now