Chapter 24

1.7K 60 8
                                    

Simula nung aksidente ni Keegan ay naging cautious na si Karylle, ganun din si Vice na halos maging paranoid sila tuwing gumagalaw si Keegan o kahit magtangkang gumapang. Dahil sa natatakot sila sa kung ano pa man ang mangyari kay Keegan, lumipat muna sila sa condo ni Vice dahil iisang flow lang ang condo niya at masusubaybayan nilang mabuti ang anak.

Nasasabihan na ngang OA ang mag-asawa dahil wala naman natamo ang anak pero sobrang cautious sila. Naglagay na nga ng CCTV sa loob ng kwarto si Karylle pati sa living room at kahit sa bathrooms. Una, ayaw ni Vice dahil para silang baliw pero since madaming nagaganap na nakawan ay pumayag na siya. Double purpose.

Madaling araw na pero hindi pa rin tulog si Vice, busy kasi siyang nanunuod ng isang anime na paboritong-paborito niya. Na halos apat na beses na niyang napanuod pero paulit-ulit pa rin niyang pinapanuod dahil sobrang ganda talaga ng anime na 'to. Bleach. Kahit nga ang mga leopard gecko ni Vice ay tutok na tutok sa panunuod. Interesting kasi ang anime na 'to, ika ni Vice sa tuwing tinatanong siya kung bakit pinapanuod niya yun.

"Babe, bakit gising ka pa?" Nagulat si Vice sa nagsalita. Madilim na kasi at hindi niya expected na magigising ang asawa.

"Wala, nanunuod lang ako ng anime. I can't sleep kasi, so I decided to waste time by sitting here and watching anime." Sagot nito sa asawa.

Napapout si Karylle sabay kumuha ng water bottle sa refrigerator nila. "Weird mo. Para kang bata." Aniya bago bumalik sa kwarto nila.

"Weird pero pinakasalanan mo." Bulong nito at itinuon na ang atensyon sa panunuod ng pinakapaborito niyang anime.

Maya-maya pa ay biglang nagring ang phone ni Vice, tinignan niya ang called ID at isang pangalan ang hindi niya inaasahang tumawag sa kanya, lalo na sa ganitong oras. Si Iza. Dahil nagtataka, agad niya itong sinagot.

"What do you want?" Malamig nitong pagkatanong, tila wala siyang planong makipagusap ng matagal sa kanya.

Narinig ni Vice ang isang halakhak sa kabilang line ng telepono. "You're so pathetic, Mr. Viceral. You already know why I'm calling."

Biglang tumahimik si Vice at tila hindi makapagsalita. Alam na niya kasi ang tinutukoy ng dalaga. Yung deal nila, a long time ago...

"Sabi ko naman sa'yo, di ba? I'll come back for you and you promised me that you'll wait kahit ilang taon pa ang dumaan. Pero anong nangyari? You got married..." Napachuckle si Iza. "Tapos may anak pa kayo. Ano, napako na ang pangako mo?"

"Iza, please---"

"Vice, you promised me. Alam mo bang excited ako sa pagbabalik ko?" Napabuntong hininga si Vice. "Hindi mo man lang ba ako namimiss? Kasi ako, I miss you, sobra. Lalo na si Kean, na kasing kulit mo."

"Stop." Malamig nitong sambit. "Una sa lahat, you left us, for what? Sa boyfriend mong gago na walang ginawa kundi saktan ka?"

"Vice---"

Bago pa man matapos ang sentence ni Iza ay binabaan na siya ni Vice ng telepono. Pagsisisi ang tanging nararamdaman ni Vice dahil nga sa pangako niyang hindi niya natupad. Napabuntong hininga ang binata, kasabay nun ay ang paghawak niya ng mahigpit sa telepono niya.

To: Kean

We need to talk.

From: Kean

'Bout?

To: Kean

Iza

Humingang malamin si Vice para pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin ay hindi siya makakuha ng tamang tyempo para kumalma. Imbis na kumalya ay lalo pa siyang kinakabahan at natatakot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Slow Love | VicerylleWhere stories live. Discover now