Kidnapping a Pervert 24

8.6K 152 9
                                    

Zyrene's POV

"Zyrene?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang tawagin niya ako. Napapikit nalanh ako ng mariin habang pinipigilang sumigaw o tumalon. Anong gagawin ko? Sasagot ba ako o hindi? Haharapin ko ba siya o tatakbo nalang ako ulit? Sana naman this time eh hindi na ako pangunahan ng takot ko.

Tumigil ako at unti unting humarap, pilit na itinatago ang kahihiyan at pamumula ng aking pisngi.

"A-ahh, Ba-bakit?" Nauutal utal kong sagot. Gusto ko nang sapukin ang sarili ko. Nakakahiya!

Alangan akong tumingin sa kanya ng saglit pero nag-iwas din agad ako ng tingin. Hindi niya naman pinansin ang pagiging utal ko at nag-salita siyang muli.

"Uuwi ka na ba?" Tanong niya. Medyo yumuko pa siya para makita ang ga-kamatis na mukha kong pilit kong itinatago.

"Oo." Maiksing sagot ko.

Ayaw kong maging isnabera ang tingin sa akin ni Justin pero wala naman akong masabi. Pinapangunahan ako ng kahihiyan.

"Ahh, hatid na kita.  Umuulan na oh." Sabi niya.

Unti unti na kasing lumalakas ang mga patak ng letseng ulan hanggang sa tuluyan na itong bumuhos. Kanya kahyang hanap ng masisilungan ang mga taong nabigla din sa biglang pag-ulan. Mayroong masu-swerte na may dalang payong at mayroon ding mga malas kaya bag o libro nalang ang ipinantakip sa ulo. May silong pa naman ako pero mukhang nag-hihintay si Justin sa sagot ko kaya hindi na ako nag-isip at sabay na kaming tumakbo sa kotse niya.

"Sa Jonesville ka nakatira diba?" Tanong niya pagka start niya ng sasakyan.

Nagulat ako dahil alam niya pala kung saan ako nakatira. Kanino niya nalaman? Mas lalo akong nahiya. Kung pwede lang na lumubog nalang ako sa kinauupuan ko ngayon.

"Oo." Maiksing sagot ko nalangbulit habang nakatanaw sa labas.

Hindi pa pinapaandar ni Justin ang sasakyan dahil may kung anong tunog na maingay pa. Hindi na ako nang-usisa dahil kotse niya naman ito. Pero nagtataka din ako kung anong tumog ba iyon. Paulit ulit kasi at masakit sa tenga.

"Zyrene..." Tawag niya.

"Huh?" Wala sa sariling napalingon ako.

Mayroong bahid ng ngiti sa mukha ni Justin at bahagya siyang napailing. Sa isang galaw ay magkalapit na ang mga mukha namin. Magkalapit, as in ramdam na ramdam ko ang amoy mint na hininga niya sa mukha ko. Mayroong malakas at nakakabinging kabog akong narinig. Shit! That was my heart beating so loud! Ano ba kasing ginagawa niya? Bakit siya basta basta lumalapit?

Mas lalo pa siyang lumapit at tila nag fo-focus sa inaabot niya. Hanggang sa nakuha niya na nga iyon. Inabot niya ang seatbelt at ikinabit. Tumigil na din ang tunog na maingay. Shit! Seatbelt lang pala? Pwede niya naman sabihin!

Natahimik nalang ako at pinaandar na niya ang kotse. Siguro naramdaman niya din ang awkwardness dahil pareho kaming napipe sa biyahe. Habang nasa kalagitnaan kami ay binuksan niya ang radio.

"Magandang hapon, mga kababayan! Pinuputol po muna namin ang regular programming dahil sa isang mahalagang balita! Lagpas tao na po ang baha papuntang norte, simula 4th Avenue. Wala na pong sasakyang ang makakatawid dahil sa lakas ng current. Tuloy tuloy pa din po ang pag-buhos ng ulan kaya inaasahan pa ang patuloy na pa-taas ng baha. Abangan ang susunod na update patungkol sa bagyong Dining." Nag-cue ang tugtog ng isang sikat na channel sa radio.

Parang nanlamig ako sa narinig ko. Nag-papanic na ako deep inside pero hindi ko ipinapahalata kay Justin. Paano ako uuwi nito? Lahat daw ng daan patungo sa village ay baha na at wala nang kotse na kayang dumaan. Nagkakagulo na din ang mga tao dahil super bagyo ang paparating. Sobrang traffic na din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon