Kidnapping a Pervert 17

9.8K 175 10
                                    


<Justin's POV>

"Excuse me sayo ba 'to ?" Tanong nya. Shit! Ang yabang yabang ko kanina pero ngayon naman natameme ako.

Ano ka ba naman Justin?! Gwapo ka! Sumagot ka ng maayos.

"Ah. O-oo." Tangina. Bakit ako nauutal?

"Eto oh. Nalaglag mo kanina, ang bilis mo maglakad eh. Hindi kita nahabol." Nakangiting sabi niya sabay abot sa akin ng cellphone ko.

Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil chance ko na to para pormahan siya. Hindi naman ako torpe pero bakit pag dating sa kanya, nababahag buntot ko? Tinamaan nga ata talaga ako dito eh.

"Sorry... Salamat ah?" Pasimpleng sabi ko.

Natameme nanaman ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi wala akong ibang maisip kundi kung gaano kakinis ang balat niya at kung gaano kalambot ang kamay niya. Hindi naman ako sanay na nakakaramdam ng ganito. Puro kalokohan lang naman kasi ang alam ko. Inaamin ko naman na wala pa akong sineryoso pero iba talaga tama ko dito kay Zyrene.

"You're welcome." Sabi niya tapos ngumiti ng malapad. Pinigilan ko ding mapangisi sa tanawin ko. Ang inosente kasi ng ngiti niya, totoong totoo.

"Zyrene right?" Tanong ko pa. Swabe lang.

Namilog naman ang mata niya at parang nag blush ng kaunti. O baka guni guni ko lang? Baka natural na mamula mula talaga pisngi niya.

"Kilala mo ako?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman." Sagot ko.

Sino ba namang hindi makaka kilala sa magandang dilag na katulad mo?

"Ah? Ganon ba? S-sige, kailangan ko nang umalis. May klase pa ako eh." Biglang sabi niya.

Nagtaka ako kasi parang nataranta siya at nagmamadaling umalis. Wala na akong nagawa kundi tanawin siyang maglakad hanggang sa naglaho na siya sa kawalan. Ang sarap kutusan ng sarili ko. I should've asked her out when I had the chance!

Pikon na pikon ako kasi, kailan pa naging torpe ang isang Justin De Guzman?


<Zyrene's POV>

Wala naman talaga akong klase pero madaling madali akong umalis para maiwasan si Justin. Hindi ko na kasi mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Baka kapag nag tagal pa ako doon, bumigay nalang ako bigla.

Kanina kasi, nakita kong nalaglag ang cellphone niya. Siyempre pinulot ko. Hindi ko naman sinadyang mapindot iyon kaya bumukas.

Parang tanga akong natigilan dahil pamilyar sa akin ang wallpaper ng cellphone niya. Babaeng nakatalikod sa field. Napapakamot na nga ako ng ulo pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapag tanto ko kung bakit pamilyar sa akin iyon.

Ako yon eh! Ako yung nasa wallpaper niya! I mean, my hair, my clothes... Everything! Ako talaga yon!

Papalampasin ko na nga lang sana dahil baka na cute-an lang siya sa akin or what. Pero yung alam niya pala ang pangalan ko at kilala niya ako? Parang bibigay ang tuhod ko.

Umalis na ako kasi ayokong ipakita sa kanya ang epekto niya sa akin. Kasi....

Gusto ko na siya, dati pa.

<Kelcey's POV>

Napaka walang kwenta nanaman ng araw na 'to! Imagine, wala na akong narinig sa school kundi si Royce tsaka si Corrine ganito, si Royce tsaka si Corrine ganyan. Oh, edi sila na!

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon