Kidnapping a Pervert 15

9.8K 189 16
                                    

<Kelcey's POV>

Ilang araw na rin ang nakalipas na hind ako naka pasok. Hindi ko kasi maalis sa isip ko yung narinig ko nung isang araw eh. Wala rin akong balita sa school dahil naka off ung cellphone ko. Wala namang magtetext sa akin at ayoko din kasi ng istorbo.

Halos mapatalon ako sa kama ko nang may tumunog mula sa bintana ko. Mahihinang katok iyon. Kinilabutan agad ako dahil nasa second floor ang kwarto ko! Sinong kumakatok dun? Talagang hindi tumitigil kaya nagtalukbong na ako ng kumot at nag dasal ng taimtim.

Lord, kung maligno man po iyon wag niyo po muna akong ipakuha please! Hindi pa tapos ang tungkulin ko sa mundong ito!

Nanginginig na ako sa ilalim ng kumot lalo na noong maramdaman ko na bumukas ang bintana at pumasok sa loob ng kwarto ang hangin. Hanggang sa...

"Ahhhh!!!!!" Nagtitili na ako habang nasa ilalim ng kumot dahil may kung anong kumalabog sa kwarto doon malapit sa bintana.

"Kelcey...Kelcey!!!"

"Zyrene?!" Maang na tanong ko nang piliting tanggalin ni Zyrene ang kumot na nakatalukbong sa akin.

"Walanghiya ka! Ikaw ba ang kumakatok sa bintana ko?" Kinakabahan pa ding tanong ko.

"Ano? Naririnig mo naman pala ako! Di mo man lang ako pinag buksan!" Himutok niya habang nag-aayos ng buhok.

Hinihingal pa kasi siya at halatang tumakbo mula sa gate hanggang dito. Mukha ding madungis dahil siguro sa pag aakyat bahay niya dito.

"Ano bang nangyari sa'yo? May sakit ka ba? Bakit hindi ka pumapasok?" Tanong niya.

Nakaupo siya sa kama ko sa bandang paanan habang nakasandandal naman ako sa headboard at nakabalot pa din ng kumot.

"Wala. Depressed lang." Bale walang sabi ko.

Mabait si Zyrene pero ayoko naman siyang idamay sa problemang pamilya ko. Sa totoo nga niyan, ilang araw na din kaming di nag uusap ng Itay. Hindi ko pa din kasi tanggap na nagsinungaling siya sa akin.

Lumaki ako na akala ko ay kami lang ang magiging magkatuwang. Ibang iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Parang may parte sa kaluluwa ko na kulang eh.

Lukot ang mukha ni Zyrene at mukhang hindi mapakali.

"Ano 'yun?" Tanong ko ulit.

"May kailangan kang malaman Kels..." Sabi niya.

Parang nag aalangan pa siya kung itutuloy niya eh pero intense na ang atmosphere kaya titig na titig ako sa kanya. Curious kaya ako. Sasapakin ko siya pag di niya sinabi. Joke!

"Wag kang mabibigla sa sasabihin ko ha?" Paninigurado niya.

"Ano nga? Di ako magugulat promise." Tatawa tawang sabi ko. Baka kasi binibiro lang ako nito at gusto akong papasukin dahil namimiss niya ako.

"Kasi ano eh... Si Royce at saka yung transferee na si Coreen... Kalat na kalat na sa campus na sila na." Apologetic na sabi niya.

Hindi ko sigurado kung tama ba ang dinig ko eh. Baka nabingi ako o kaya baka mali lang ang source ng chismis ni Zyrene? Ang hirap naman kasi paniwalaan ng kwento niya.

"S-sigurado ka ba?" Tanong ko.

Pinipigilan ko ang sarili kong maiyak. Wala sa plano ko ito. Hindi ko inakalang magkakaroon pa ng bagong girlfriend si Royce ngayong malinaw naman ang ginagawa kong pagpaparamdam sa kanya.

"I'm sorry, Kelcey... Kung gusto mo, sumama ka sa akin para makita mo mismo."

"Saan? Gabi na ah?" Alangang sabi ko.

Hindi kasi ako umaalis ng bahay ng ganitong oras. Baka pagalitan pa ako ng tatay ko.

"Basta sumama ka nalang! Mag bihis ka!" Pilit sa akin ni Zyrene.

Dinala niya ako sa isang sikat na bar. Hindi ako mahilig sa mga ganito kaya naiilang ako sa paligid ko. Mayroong mga nagsasayaw, nakakahilo ang ilaw at amoy alak ang paligid. Iyong iba nga amoy sigarilyo pa.

Hinila ako ni Zyrene hanggang sa makarating kami sa dulo kung saan may mga couch. Napalunok ako nang makita ko iyong team nila Royce na nakaupo at nag iinuman.

"Anong ginagawa natin dito bruha ka!" Mahina pero gigil na bulong ko kay Zyrene.

"See it for yourself, Kelcey." Sabi niya sa akin pabalik.

Nung namataan na kami ng buong grupo nila isa isa nila kaming binati. Nakatingin lang sa amin si Justin pero hindi siya nagsalita.

"Hi, Justin!" Nauna na akong bumati.

"Bat nandito ka?" Nanlalaki pa din ang mga mata niya nang tanungin niya ako pero masungit naman siya.

"Masama ba?" Tinarayan ko nga din. Inurong ko ang upuan sa tabi nya at umupo naman sa tabi ko si Zyrene.

Pagkaupo ko, dumapo kaagad ang paningin ko sa mga tao sa harap ko. Sino pa ba, edi si Royce at iyong girlfriend niyang may lahi ng higad!

May pinag uusapan sila ng mga kasamahan nila. Kaya nakinig lang ako.

"So siya na nga yun pre?!" Sabi ni Steven. Iyong chinitong ka grupo nila.

"Oo, she's the one. Hinanap ko siya ng isang taon. Nandiyan lang pala siya sa malapit." Sagot naman ni Royce sabay masuyong tiningnan si Corrine.

"You mean... Yung naglalagay ng cupcakes sa locker mo? Ang sexy kidnapper mo noon?" Mahinang sabi ni Steven. Hindi siya makapaniwala.

Nagpanting agad ang tenga ko sa narinig ko! Anong nag lalagay ng cupcake? Sexy Kidnapper? Paano naging si Corrine iyon eh ako ang lahat ng nabanggit niya?

"Yup! The one and only." Ani Royce bago bumaling kay Corrine at hinalikan ang bruha sa balikat.

Gumapang ang kirot sa kaliwang dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Ang marinig iyon mula kay Royce o ang makitang may hinahalikan siyang ibang babae.

Napaigtad ako sa malakas na tunog. Pagkalingon ko, sinuntok pala bi Justin yung lamesa. Lahat kami doon na shock eh. Nakatayo na siya at madilim ang mukha.

"Hala? Anong problema non?" Gulat na tanong ni Steven kay Royce.

"May toyo lang yun pre. Pabayaan mo." Bale walang sagot naman ni Royce sa kanya.

"Excuse us." Paalam ni Zyrene at saka ako hinila para sundan sa labas si Justin. Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kanya.

A/n: Steven's name used to be Baek Hyun. Lol I wrote this story years back so wag kayong magtaka kung bakit ganon yung mga comments. Anyways thanks for reading you guys. Xoxo

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon