Kidnapping a Pervert 13

10.7K 200 19
                                    

<Royce's POV>

Aray ko pucha! Sarap sarap ng tulog ko, bigla akong nagising! Pinupulikat kasi ang kaliwa kong paa ko. Madalas talaga tong mangyari sakin. Siyempre player ako eh. Nag relax nalang muna ako hanggang sa maayos na. Doon kang ako lumingon sa likod ko.

Nakita ko si Corrine na mahimbing ang tulog. Lalong lumitaw ganda niya. Napaka payapa niyang matulog. She was flaming hot especially now that she's wearing nothing underneath my blanket. Matik naman na siguro 'yong nangyari 'no? Wala pa kong gusto na di ko nakukuha. Maliban kay Kelcey, wala eh. Di na ko binalikan.

Hindi ako makapaniwalang ang daling bumigay sa akin ni Corrine. Lalo na't virgin pala siya. Napatingin ako sa mapupula niyang labi. Malambot iyon at masarap halikan. Parang gusto ko nanaman tuloy. Kaso tulog pa siya.

Pamilyar siyang humalik at pamilyar din siya kung tumingin. Wala naman akong ibang mapag isipan kundi si Kelcey. Pero parang napaka imposible naman siya iyon.

Bumangon na muna ako at iniwan ko siya sa hotel na pinag check inan namin kagabi. Kailangan ko pang umuwi dahil  may practice kami sa basketball ngayong umaga. Iniwan ko nalang phone number ko para ma contact niya ako. Baka isipin niya tinakasan ko siya eh.

Umuwi ako at naligo at nag bihis. Dumiretso na kaagad ako sa school dahil baka ma traffic ako. Mabuti nalang wala gaano. Pagdating ko sa locker ko para ibaba ang mga gamit ko, may cupcakes nanaman sa ibabaw ng locker ko.

Lalong tumindi iniisip ko. Paano kung si Corrine nga talaga ay si Kelcey? Iiling iling ako habang kumakagat ng cupcakes.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Number lang ang tumatawag. Tsk. Baka si Corrine na 'to. Sinagot ko kaagad.

"Hello?"

"R-royce." Boses ni Corrine ang rumehistro sa linya.

Napangiti ako. Siya nga.

"Hey babe." Bati ko habang nakangisi.

"N-nasaan ka? Nandito na ako sa school." Aniya.

"May practice kami ng basketball ngayon but lunch later?" Tanong ko.

Tumuloy na ako sa pag lalakad habang nakikipag usap sa kanya.

Kelcey's POV

Pumasok akong ilang kilo ang dalang eyebags. Hindi kasi ako nakatulog kagabi. Iniisip ko si Royce. Kung nasaan siya, kung anong ginagawa niya kasama ang babaeng iyon. Mabaliw baliw tuloy ako. Ang aga ko nga dito sa school eh, wala pa masyadong tao. Hindi naman din kasi ako nakatulog ng maayos.

Dala dala ko iyong mga cupcakes na ginawa ko para sa kanya. Sa nangyari kagabi, parang gusto ko nalang umamin. Para naman hindi na ako masaktan at mag tiis na may kasama siyang ibang babae habang nagmumukmok ako dito.
Nahihirapan na din ako sa sitwasyon namin, ang lapit lapit niya na pero di ko pa din siya maabot.

Dumiretso na ako sa locker ni Royce at iniwan doon ang isang box ng cupcake. Wala akong ganang mag lagay ng note dahil nga sa kagabi. Iniwan ko nalang don at umalis na ako.

Nag focus nalang ako sa mga klase ko ngayong araw pero wala talaga akong gana. I didn't even hang out with Justin or Zyrene. Baka busy din sila.

Napagalitan pa ako ng prof kong mukhang poodle dahil hindi ako nakikinig kanina. Ibabagsak niya daw ako. Nag sorry naman ako. Kaso talagang terror ang prof na iyon eh.

Matapos ang klase ko ay agad akong umuwi. Inuna ko munang gawin ang mga assignments ko bago ako nag bake ulit ng cupcakes. Minsan napapagod na din ako sa ginagawa ko. Hindi madaling mag bake ha? Tapos gigising pa ko ng maaga para ma lagay to sa locker ni Royce. Pero para sa lalaking mahal ko, push lang ng push!

Kinabukasan nga ay ganon din ang eksena. Diretso ako sa locker niya. Siyempre tumingin muna ako sa hallway kung may makaka kita sa akin pero ako lang naman ang tao don. Wala pang mga estudyante eh.

Tumalon ako ng kaunti para ilagay sa ibabaw ang cupcakes. Sakto namang may tumunog na malakas sa may bandang hagdan. Agad akong napalingon doon dahil ang lakas. Parang librong nabagsak sa sahig pero wala namang tao.

Corrine's POV

I went to the lockers area to check if Royce is there. Alam kong may practice sila kada umaga pero napaaga ako ng pasok ngayon kaya nag baka sakali akong nandito siya.

Kahapon nga tinanong niya ako kung pwede daw bang maging kami na since may nangyari naman na sa akin. Siyempre hindi na ako tumanggi. Ang laking isda na nitong si Royce no.

Pero imbis na si Royce ang maabutan ko doon ay ibang tao ang nakita ko. Kelly ata ang pangalan ng girl na iyon. I gasped when I saw her put something on top of Royce's locker. Hindi ko alam kung ano 'yon. Sa gulat ko ay nalaglag tuloy ang dala kong libro. Mabuti at mabilis akong nakapag tago sa hagdan.

Napataas ang kilay ko. Ano 'yung nilagay niya sa locker ng boyfriend ko? Ang kapal ha! Ang alam ko boyfriend niya iyong ka team ni Royce eh. Hinintay ko siyang umalis tapos lumapit ako sa locker.

"Ano 'to?" Bulong ko sa sarili ko habang ini-inspeksyon ang box.

Kumunot ang noo ko nang makitang cupcakes lang naman pala ang laman ng box. Akala ko naman kung ano na! Ibabalik ko na sana sa taas ng locker iyon pero napatigil ako dahil umalingawngaw ang boses ni Royce sa buong hallway.

"Corrine?! Ikaw ang naglalagay nyan diyan?" Malakas na sigaw niya.

Naestatwa ako. Hindi ko alam kung anong pumasok ko pero sumagot ako ng oo! Ayokong magalit siya sakin dahil pinapakialaman ko ang gamit niya. Bahala na. Napasubo na ko.

"O-oo."

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon