Kidnapping a Pervert 4

18.1K 278 11
                                    


Wala na si Royce sa kama pagkagising ko. Aba! Mukhang nagsisipag na ang loko. Hindi naman siguro siya tatakas at hello? Hindi siya makakatakas. Good luck naman sa kanya.

Pero may napanaginipan ako. Sobrang weird! Sa panaginip ko hinalikan ko raw si Royce sa lips. Punyemas kasi napaka gwapo! Tapos alam niyo yung pakiramdam na parang totoo? Parang totoo talagang may naramdaman ako sa mga labi ko. Na parang meron talagang humalik sakin.


Teka teka teka. Hindi kaya..... hinalikan niya talaga ako?! Umiling akk at inalog alog la ang ulo ko! Filingerang Frog ka talaga Kelcey!



Imposible namang mangyari 'yon! Imposibleng halikan talaga ko ng ungas na to. Pero teka teka teka! Bakit parang disappointed ako! Tinampal ko yung noo ko! Tapos hinimas ko rin kasi masakit. Ano ba naman kasi 'tong mga pinag iisip ko! Epekto ng pagiging virgin? Jusko!

Nag inat inat ako at nagpasyang tumayo na. Nasan na kaya 'yung ulupong? Kailangan ko pa syang hanapin? Naman eh! Gutom na gutom na ko! Yung tiyan ko nag iingay na! Glu glu glu glu!

Habang naglalakad ako , inayos ko muna yung bangs na nakaharang sa kalahating mukha ko. Oh diba! Gine gel ko pa 'yan! Alam nyo ba kung bakit kahit may harang sa face ko eh feeling ko may humalik talaga sa akin ? Kasi exposed pa din ung lips eh. Ang hirap naman! Pano kung nakita nya na pala ako habang tulog? Wala na rin nama akong pakealam. Pagkakuha ko ng ransom niya aalis din naman ako at lalayo.

Nagpunta ako sa banyo para umihi, habang umiihi ako naalala ko nanaman yung kiss. Edi kinilig kilig naman ako, oh! Kayo naman! Kapag umiihi na nga lang ako kinikilig eh. Wag niyo basagin ang trip ko. Pagtapos kong umihi at kiligin, dumiretso ako sa kusina pero nagulantang ako, as in nagulantang! Dahil napaka raming pagkain!

May fiesta ba? Anong meron? Di ko naman birthday hello? Saka sinong nagluto ng mga 'to? Si tukmol? Eh? Marunong pala siyang magluto? Totoo? Ay hindi, baka binili niya. Or baka nag hire ng cook ganern! Ay hindi. Baka nagpaluto sa kapit bahay! Ha? Hindi eh! Wala kaming kapit bahay!

Chaka ko lang napansin na nagluluto nga talaga siya, nakatalikod siyang naka apron, ang lapad ng likod! Ang sarap dilaan! Charot! May pawis pawis pa tas ang puti ng likod niya ang tangkad pa! Ang sarap tingnan! Ay! Ano ba tong pinagsasabi ko? Sensya na malakas talaga dating sakin ng mga guys na magaling mag cook.

Oh ano? Tuwa naman kayo! Alam na alam niyo nasa utak ko! Hahaha!

Tumikhim ako para naman malaman niyang gising na ako. Tumigil siya sa ginagawa niya at lumingon. Inipit ko ng mahigpit ang labi ko, at lumobo ang magkabilang pisngi ko. Wag! Wag kang tatawa!

Pero natawa pa rin ako! Jusko! Tawa ako ng tawa at kumakamot lang siya sa ulo niya. Confused na confused ang itchura! Hay nako!

"Bakit ka tumatawa?"

"Kasi... kasi.... pffftt!" Hindi ko talaga mapigilan! Kelan kaya maubos tong tawa ko?

"Abno ka ba?" Inamba niya sakin yung hawak niyang sandok tapos ni cover ko yung arms ko para pag binato niya ko di ako tatamaan sa mukha.

"Oh ayan! Ayan! Ubos na tawa ko! Ano ba naman kasi yang apron mo?" Sinundan ko pa ng tawa.

"Anong problema sa apron ko? Eh eto lang ang nandito." Tiningnan niya pa yung apron niya na parang ang precious precious 'non.

Sino ba namang di tatawa mga bes! Yung apron niya kasi, ang design ay tweety bird na naka dila! Tas yung dila ni tweety bird saktong sakto sa pututuy niya! Tapos mukha pa siyang tanga sinong di tatawa? Natatawa pa rin ako sa isip isip ko.

"Tapos ka na tumawa?" Nagtaas siya ng isang kilay.

"Oo." Naghahabol pa ako ng hininga nang sumagot.

"Oh ano? Kakain ka ba o pupunuin mo lang ng kabag yang tiyan mo kakatawa?" Hala ka! Nagsungit ang lolo mo!

"Eto na diba? Uupo ba oh " Humila ako ng upuan at umupi.

"Kumain ka nalang jan." Edi kumain! Batuhin kita ng itlog eh! Chos! Wag na pala, may itlog din pala siya kambal pa, baka batuhin ako sa mukha eh.

Tahimik lang din siyang umupo at nagsandok ng pagkain. Hala hindi niya talaga alam kung anong pinagtatawanan ko? Natapos akong kumain at nag ready nang tumakbo. Sa wakas makakaganti na ko sa mga pang mamanyak niya sakin.

"Cute ng apron mo ah, mukhang magka size lang yung dila ni tweety bird at yung bird mo." Pagtapos kong sabihin 'yon tumakbo agad ako! Baka sapakin ako! Paglabas ko sa dalampasigan dokn na ako tumawa ng malakas!

Nung medyo nababasa na ng tubig yung paa ko, tumigil na ko sa kakatakbo, pinakiramdaman ko lang ang sarap ng banayad na tubig at tinanaw ang dagat. Presko pa dahil umaga. Hindi naman na siguro hahabol sakin 'yon. Pero uy! Nakapaskil parin sa mukha ko yung ngiti hm! Parang naka scotch tape!

"Huy!"

Potah! Nagulat ako! Kamuntik na kong madapa sa tubig. Pero... pero... may mainit na bagay na pumulupot sa bewang ko. Mainit, matigas!

Si Royce! Niyayakap niya ako. Jusko! Ang lakas ng kabig ng dibdib ko! Posible bang marinig mo yung sariling tibok ng puso mo? Kasi rinig na rinig ko yung akin!

Anong gagawin ko? Hindi ako makagalaw! Ayoko ng ganitong pakiramdam! Para kong hinabol ng sampung aso.

"Ano? Lalaban ka?" Oh my freaking shiz! Ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa batok ko. Parang gusto kong mag collapse!

"Pinagsasabi mo jan? Bitaw!" Hinampas ko braso niya pero ayaw talaga bumitaw ng loko!

"Edi ikaw ang kunawala." Kiniliti ako ng hayup! Pagod na pagod na akong tumawa! Pagod na ako tumakbo! Jusmiyo naman! Tama na please! Tinusok niya yung tagiliran ko kung san may pinaka malakas akong kiliti.

"Ayo-ayoko na! Isa!" Walang tigil ang malulutong kong tawa.

"Gusto ko pa eh." Tapos tumawa rin siya, ang sarap ng tawa niya.

"Tweety bird pala ha?" Lalo niya pa akong kiniliti sa bewang at leeg.

"Hala! Hindi na kasi! Joke lang! Ayoko na!"

"Di pwede yan!" Walang hiyang to ayoko na nga sabi.

So ayon, nagkilitian effect kami don, tapos ako naman si tanga kinilig kilig, bakit parang may iba kong nararamdaman? Hindi ko nagugustuhan 'to ah. Ang gwapo gwapo kasi! Pa fall!

Di ko kasi sure kung ano ba talaga tong pinapakita niya, naisip ko na, hindi naman porket fûckboy at pervert siya wala na siyang puso at emosyon. Mabait din pala ang lokong 'to.

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon