Kidnapping a Pervert 19

9.9K 190 20
                                    

<Justin's POV>


I was in full blown panic mode when I saw Kelcey lying on the floor, unconscious. Sinubukan ko siyang gisingin. Ilang beses kong inalog ang katawan niya pero wala talaga. Nagkalat sa mukha niya ang mga buhok niya. Dumidikit dahil basang basa ng luha. Hinawi ko iyon at tinapik ang pisngi niya.

"Kelcey!"

Pero walang nangyayari. Hindi pa din siya nagigising. She was breathing but she is not waking up. Dali dali ko siyang binuhat at isinakay sa sasakyan ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil baka lalo kaming mapahamak kung paiiralin ko ang pagka taranta ko.

Habang nag mamaneho ako, panay ang sulyap ko sa likod kung nagising na ba siya pero wala talaga. Mabilis kong narating ang ospital at binuhat ko kaagad siya para itakbo sa emergency room. Wala na akong pakialam kung naiwan kong bukas ang sasakyan ko. Something is wrong with Kelcey and she needs my help.

"Help! Somebody help! Nawalan siya ng malay at ayaw niyang magising." Sigaw ko sa emergency room.

Dinumog kami ng mga nurse nang ihiga ko siya sa isang kama doon. Agad na chineck ang vitals niya at napa atras nalang ako sa dami ng ginagawa sa kanya.

"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Untag sa akin ng isang doctor na lumapit.

Tumango ako kahit natutuliro na ako sa mga pangyayari.

"O-opo."

"Anong nangyari sa pasyente?"

"Hindi ko po alam, Doc. Naabutan ko nalang po siyang naka handusay sa sahig."

"She is breathing but she is not waking up. She needs to undergo MRI and CT Scan. I think it's a suspected head trauma." Natatarantang sagot ko.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng doctor habang chinecheck si Kelcey. Inilawan niya ng flash light ang mata ni Kelcey at may kung ano pang ginawa para magising ito pero walang umeepekto.

"Naabutan ko nalang siyang ganyan, Doc. Nakahandusay siya nang makita ko." Sagot ko naman.

Tumango ang doctor at saka itinakbo ng mas mabilis si Kelcey sa ER. Hindi na ako nakalapit dahil pinuno na siya ng mga nurse at doctor. Lumabas nalang muna ako dahil hindi ko ata kayang makita si Kelcey na ganon. Tinawagan ko muna ang tatay niya pati na rin si Zyrene.

Hindi ko alam kung gaano ang itinagal ko sa labas ng ER. Lumabas ang doctor at agad niya akong nahanap.

"Did she experience some kind of an emotional trauma?" Salubong sa akin ng doctor.

Napaisip ako. An emotional trauma? Can that really cause her to pass out and not wake up at all?

"Umiyak siya kanina, Doc. She- she was heartbroken." Nasabi ko nalang.

Umiling ang doctor at mukha siyang dismayado. What? What happened to Kelcey?

"The patient has a tumor on her brain. It was congenital and the cancer was cured. Ang kaso, sa mga congenital cases na ito ay hindi sigurado kung hindi na babalik ang cancer. We suspect that her cancer came back and the emotional trauma triggered it." Paliwanag niya.

Natulala ako habang nakikinig sa sinasabi niya. Hindi ko ma digest ng maayos. Paanong magkaka cancer si Kelcey?

"Huwag niyo na munang bigyan ng stress ang pasyente. She might have temporary amnesia when she wakes up. Madalas sa mga pasyente na may trauma, pilit na ishi na shut down ang kanilang memorya." Dugtong niya.

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon