Kidnapping a Pervert 18

9.8K 185 26
                                    

<Royce's POV>

"Anong sinabi mo?" Mariing tanong ko.

Ano ba ang problema ng babaeng ito? Bakit bigla nalang siyang lalapit sa akin at mag-sasalita ng ganon. Malamang, nababaliw na ito. Hindi ko naman siya masisi dahil kabaliw baliw naman talaga ako. Napa ngisi ako habang naghihintay ng sagot niya.

"T-totoo ang sinasabi ko... Ako si Kelcey!" Ulit niya pa.

Napatayo na ako sa inis. Alam niya naman ang kwento namin ni Kelcey. Kung wala lang akong girlfriend at wala si Kelcey sa tabi ko, papatulan ko 'to eh. Papatikimin ko talaga siya ng sarap na hindi niya makakalimutan. Ang kaso, may pagka psycho ata ang isang to. Bakit niya naman sasabihin na siya si Kelcey? Imposible.

"Ayos ka lang ba? Lasing ka na ata." Sagot ko lang.

Bumwelo ako para umalis pero ang bilis niya namang hinawakan ang laylayan ng t-shirt ko.

"T-teka. Sandali. Ako si Kelcey. Ako talaga! Yun ang sikretong matagal kong itinago sa'yo." Mangiyak ngiyak na sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Pinanood ko lang siya habang unti-unting tumutulo luha niya. Tangina, ano bang gusto niya? Naka maabutan pa kami ng girlfriend ko dito.

"Everyday, kapag gumigising ako iniisip ko kung sasabihin ko na ba sa'yo yung totoo o itatago ko pa rin. Hirap na hirap ako Royce! Ang hirap na may kasama kang iba pero wala akong magawa kasi duwag ako. Pero ngayon , napatunayan kong mali ang lahat ng ginawa ko. Dapat sinabi ko sa'yo ng mas maaga para walang umextra." Paglilitanya niya. Unti unting humina ang boses niya.

Hindi ko alam ang irereact ko. Kung hindi totoo ang sinasabi niya, bakit naman mag-eeffort pa siyang gawin ito? May pa iyak iyak pa nga siya.

Napaisip nalang ako habang pinagmamasdan siya eh. Hindi maaaring totoo ang pinagsasasabi niya dahil kilala ko ang labi ni Corrine. Parehong pareho sa labi ng Kelcey na nakasama at minahal ko noon kaya paanong magiging siya ang kidnapper ko?

Puta. Sumakit ulo ko kakaisip. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko eh. Kahit papaano may point din ang sinasabi nitong babaeng 'to eh.

<Kelcey's POV>

Ano? Bakit hindi siya nagsasalita? Bakit nakatingin lang siya sa akin? Sinabi ko naman na lahat ng dapat kong sabihin kahit mukha na akong tanga. Ganon ba ako kahirap na paniwalaan?

Kung tutuusin, kaya kong patunayan lahat ng sinasabi ko sa kanya eh. Malinaw pa sa isipan ko lahat ng nangyari sa amin dati. Nasaan na ba kasi ang impostorang Corrine na iyon?

Lumingon ako sa bahay at natanaw ko si Corrine na pabalik kung nasaan kami. Kitang kita ko kung paano tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makita kaming magkalapit ni Royce.

"What's happening here?" Tanong agad ni Corrine pagkalapit niya. Obvious naman na nag pa panic siya pero hindi niya pinapahalata.

"Ikaw!" Dinuro ko siya. "Bakit hindi mo sabihin kay Royce ang totoo, ha?" Sigaw ko sa kanya.

Nauubusan ako ng pasensya. Ang kapal ng mukha niyang mag maang maangan ngayon. Pinanlakihan siya ng mata at nakita ko kung paano bumilis ang pag-hinga niya. Kinakabahan ang gaga!

"Huh? What do you mean?" Pinilit niyang ngumiti pero hindi naman maipinta ang pagmumukha niya.

"'Wag ka na kasing mag maang maangan eh!" Tumaas  ang boses ko at hindi ko napigilang higitin ang braso niya.

"Ouch! Nasasaktan ako, ano ba?" Maarteng sabi niya.

Hindi ako nagpatinag. Lalo ko lang idiniin ang kapit ko sa braso niya.

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon