Kidnapping a Pervert 8

12.5K 222 4
                                    

<Kelcey's POV>

Alas onse na ng gabi ay pabali-balikwas pa din ako sa kama. Hindi ko na alam kung paano pang paraan ang gagawin ko para makapag pakilala kay Royce. Bakit ba kasi hirap na hirap ako!

Habang nakatulala sa kisame ay naalala ko ang isang bagay na pwedeng maging tulay ulit naming dalawa. The freaking cupcakes! It's my own recipe and I told him to never forget the taste of it! That's it! That's the way!

First day of classes and I made sure to come early. Dala ko na ang mga cupcakes na binake ko kahapon. Hindi ko pa nakikita si Royce ngunit kinakabahan na kaagad ako. Ano kayang first class niya?

Habang naglalakad ako papunta sa una kong klase ay biglang nag-ring ang telepono ko. Hirap na hirap akong kunin sa bag ko iyon dahil may dala pa akong cupcake box sa isang kamay ko.

"Aray!" Sabay naming bulalas ng isang babae.

Hindi ako tumitingin sa harap ko kaya nabangga ko itong si meztisang angel face at pareho kaming na out balance. Mabuti nalang at hindi ako napaupo. Una ko pa talagang chineck kung ayos lang 'yung mga cupcakes kaysa sa sarili ko eh.

Nang masiguro kong maayos pa ako ay tumingala ako sa nakabunggo ko at doon ko lang siya nainspeksyon. Mukha siyang hindi makabasag pinggan. Napaka hinihn ng hitsura.

"Nako miss! I'm sorry. May kinukuha kasi ako sa bag ko eh." Apologetic kong sabi.

Noong una ay tatarayan ko sana siya. Ang sakit kayang mabunggo ano! Pero nung nakita ko iyong mala anghel niyang mukha ay parang umurong ang dila ko. Mukha kasi siyang mabait.

"Hala! Pasensya ka na din, Miss. Sorry talaga." Wow, pati boses niya ay mala anghel.

"Ako nga ang dapat mag sorry kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi ko.

"Okay lang. New student ka din?"

"Ah hindi. Dito ako nag aaral dati kaso nag transfer ako last year." Palusot ko.

"Ganun ba? Ako kasi transferee." Aniya.

Tumango ako at nginitian siya. Kaya pala hindi pamilyar ang mukha niya, transferee pala.

"Uy, pasensya na talaga ha?" Tinapik ko ang braso niya at mukha namang natawa siya.

"Okay lang talaga. Kasalanan ko din naman."

"Oh sige, baka malate ako sa first class ko." Paalam ko. Ang tagal ko na din kasing nakatayo dito.

"Teka, sandali Miss." Pigil niya sa akin. Huminto ako at nagtaas ng kilay.

"Ano 'yun?" Tanong ko.

"Pwede mo ba akong samahan? Kasi wala akong kilala dito eh." Pakiusap niya.

Naawa naman ako sa kanya kasi malaki itong school na 'to. Baka mamaya maligaw pa 'to.

"Sure! Sige, itu-tour kita mamayang break ko."

"Yun! Thank you ah! Thank you talaga!" Masayang sabi niya.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at binigay sa kanya. Pina type ko ang number niya doon at nilagay niya naman iyon.

"Eh teka, ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko dahil di ko alam ang ilalagay ko sa contact name.

Ngumiti siya bago sumagot.

"Zyrene. Zyrene De Leon." Aniya

"Nice to meet you, Zyrene. I'm Kelcey." Pakilala ko.

Nalaman kong kaklase ko pala si Zyrene sa dalawang subject ko. Nangako akong itu-tour ko siya mamayang dismissal dahil may kailangan akong gawin mamayang break time ko. Mabuti nalang at mabait siya kaya pumayag.

Lunch time at lahat ay abala sa pag-kain. Punong puno ang canteen kaya iyon ang napili kong oras para isagawa ang plano ko.

Bakit ako kabadong kabado? Wala, maglalagay lang naman ako ng cupcakes sa lalaking mahal ko na isang taong nawalay sa akin. Parang 'yun lang. Nakaka kaba ba 'yun?

Hinanap ko ang locker niya at agad kong pinatong sa ibabaw ang isang box ng cupcake na mayroong handwritten note galing sa akin.

Hi Royce!

As promised, I came back. I hope you waited for me.

Love,
Kelcey

Excited na akong makita ni Royce ang pahapyaw kong ito. Siguro naman hindi na siya mabibigla niyan? Dinadahan dahan ko muna ang pag-babalik sa buhay niya hanggang sa handa na akong ako mismo ang humarap sa kanya.

Nagtago ako sa bandang dulo ng hallway at hinintay na dumating siya. After a few minutes ay tama nga ako nakita ko siyang paparating at may dalang mga libro na ilalagay niya siguro sa locker.

Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo niya nang makita ang box ng cupcake na naroon sa ibabaw ng locker niya. Kinuha niya ang note at sandaling binasa. Bigla siyang luminga linga sa paligid, gulat ang ekspresyon. Hindi ko alam pero parang bigo siyang hindi niya ako nakita.

Parang gusto ko siyang takbuhin doon at yapusin ng malalim na halik. Alam ko nang hindi niya ako nakalimutan. But how could I be so sure that he didn't have any grudge against me too?

Ni hindi ko sigurado kung mahal ba ako nung tao. Napaka bilis at napaka imposible din pero naramdaman ko iyong koneksyon eh.

Alam kong masyado kong inooverthink ang mga bagay. Tawagin niyo na akong duwag pero takot akong sumbatan niya ako. Sana sa ngayon, sapat na iyong mga cupcakes na iyan para malam niyang nandito lang ako sa paligid at tahimik na nakamasid sa kanya palagi.

<Royce's POV>

Bago ako pumasok sa susunod kong klase, dumaan muna ako sa locker ko. I need to puth these books in there, masyadong mabigat. Agaw pansin ang isang malaking box sa ibabaw ng locker ko. Malayo palang ay kumunot na ang noo ko sa pagtataka. Usually kasi sa upuan inilalagay ng mga secret admirers ko ang mga regalo nila.

I opened the box and I swear everything stopped when I saw those cupcakes inside. I knew who it was from, she's here! Napansin ko ang note at binasa iyon. Nakumpirma ko ang teorya sa isip ko.

Nandito si Kelcey! Nandito na siya! She freaking came back for me which means she didn't forget after one long year! Tumingin ako sa paligid, nagbabakasakaling may pamilyar na mata akong makita pero wala.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa at tinitigan ko ang mga cupcakes na ito. The love of my life made this. This is a small campus and I swore to myself that I'll find her. Hahanapin ko siya.

Damn, Kelcey! Introduce yourself to me already. I miss you so much.

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon