Epilogue

269K 6K 656
                                    

EPILOGUE

"ALLANA Rose 'Lana' dela Cruz-Aguilar."

"Whoa! Ito ang totoong 'maganda'!"

"Matatag pa. Hindi patitibag. She survived cancer three times already since she was eighteen."

"Hmm. Ito yung tipo ng mga babae na na handa kang magkaroon ng kasalanan, makapiling mo lang."

"So, kapag nakita siya ulit ng asawa ni Agatha, posibleng...?"

"Oo. Posible. Lalo na may dating relasyon sila ni Reeve. Agatha would surely be hurt if that happens."

Dylan boredly stared at the picture of Reeve Monteverde's ex-girlfriend. Hindi na siya nakisali sa komento ng mga pinsan niya, but indeed, the lady's beauty could make any married man commit a sin. Especially the lady's eyes... fierce yet sweet looking. Mapang-akit ang mga tingin nito, kumbaga.

"Ano bang plano?" tanong niya kay Kuya Bari na pagkatapos ilatag sa kanila ang mga impormasyon ay naging tahimik na rin.

Nagkibit-balikat ito. "Kailangan lang na sa iba mapunta ang atensiyon niya."

"What do you mean?" tanong ni Gideon.

"Are you thinking that one of us should... seduce her or what?" Charlie said.

"That would be really harsh to play with a girl's heart," River commented.

"O, si River na ang nagsalita. Minsan lang iyan, mga pinsan! Kaya out of the list na ang pang-aakit."

"Tama nga naman dapat hindi natin paglaruan ang feelings ng babae dahil lang gusto nating protektahan ang babae rin nating pinsan."

"Make friends with her, then. Why not help her to divert her attention to other guys?" Ramses suggested.

"Puwede!" Reynald agreed.

"Ganoon na lang! Let's play cupid!"

Napaisip si Dylan. Make friends? To this lady with seductive eyes? That won't work, reall. Para sa kanya, Lana's the type of girl he wants in his bed.

"Okay, then," their eldest cousin approved. "Sinong makikipagkaibigan sa kanya?"

Bumaling ang tingin ng lahat sa kanya. Pinagsalubong niya ang dalawang kilay. "Don't look at me like that. I'm not going to do it," tanggi niya.

"It's for Agatha, Dylan! Come on!" said Charlie.

"No." Tumalikod na siya at kinuha ang coat na ginamit sa kasal kanina ng nakababatang pinsan. Gustung-gusto niyang huwag masaktan si Agatha sa arranged marriage na pinasok nito. Ngunit kitang-kita niya kanina kung gaano kasaya ang pinsan nila.

Reeve might look too serious and formal a while ago, still, nakita niya sa mga mata nito na may gusto rin ito sa pinsan nila.

"Are you sure, Dylan?" seryosong tanong ni Kuya Bari sa kanya. "You'll just make friends with Lana and play cupid."

"I don't have time to make friends with girls, really." Play cupid pa kaya?

Damn, he'll just end up screwing her and as much as possible he does not want to get involved with Lana. Something's telling him... she's not like any other women he just takes in to satisfy his needs as a man.

"I have no choice, then," sumusukong sabi ni Kuya Bari. "Kapag may nagbago ng isip sa inyo, sabihin niyo lang."

He shrugged and continued leaving their eldest cousin's house.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon