Chapter Fifteen

284K 5.8K 645
                                    

CHAPTER FIFTEEN

TINAWAGAN ni Lana ang bestfriend ni Agatha na si Trisha at ibinalita rito na tuloy ang surprise ni Reeve para sa asawa nito. Lana was more than excited about the secret wedding lalo na, malaya sila ni Trisha na mag-suggest. Hayun, lahat ng pagka-hopeless romantic nina Lana at Trisha ay nabuhos sa plano ni Reeve para kay Agatha.

Sandaling nakalimutan ni Lana ang inis niya kay Dylan dahil naging abala niya sa pagpe-prepare. Pagka-galing niya sa trabaho ay magkikita sila ni Trisha sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nito at saka sila sabay na mag-aayos ng mga bagay.

"Ay, Lana, ikaw nang bahala na maiparating sa mga malalapit na kapamilya ni Agatha 'yung tungkol sa secret wedding, ah? Tutal naman, may connection ka kay Dylan," tukso pa sa kanya ni Trisha.

Pabirong umirap siya na tinawanan nito. "Okay, fine. Sabi naman niya, tutulong siya."

"Ano na bang status niyo?" tanong pa nito.

"It's complicated," mabilis niyang sagot. "Nga pala, sabi ni Prince miss ka na daw niya."

Sumimangot ito. "Please lang, huwag mong nababanggit 'yang pangalan ng magaling mong kapatid. Ka-bad vibes, eh."

Natawa lang siya at itinuloy na ang paglilista ng mga kailangan pa nilang gawin. It's been two days. Four days na lang at birthday na ni Reeve.

Two days na pala. Hindi man lang siya tumatawag. Lihim siyang napabuntong-hininga. Mukhang tinotoo ni Dylan ang kondisyon niya na huwag itong magpapakita sa kanya hanggang sa hindi nito huhubarin ang necklace.

Nangalumbaba siya at saka nilalaro ang ballpen sa kamay niya. Ngayon niya lang naisip na parang naging selfish siya sa kondisyon niya...

Lumabas na ang mas rasyonal na parte ng utak ni Lana... Paano kaya kung may mas malalim pa na dahilan si Dylan kaya kipkip pa rin nito ang kuwintas? Paano kung hindi lang dahil bigay iyon dito ng first love nito?

Pagkatapos ng isang oras ay natapos na sila ni Trisha sa ginagawa. Naunang umalis ito habang siya ay nanatili sa restaurant. Doon na siya kumain ng hapunan para pagka-uwi niya ay diretso na siyang matutulog.

"Excuse me..." A tall and handsome guy approached her.

Napatingala siya. "Ahm, yes?"

"You're Lana, right?"

Tumango siya. "Yes. May I help you?"

"I'm Gideon Anderson Napoleon. Pinsan ni Dylan."

"Oh." Another cousin of Dylan. Lalaki. Malamang alam nitong mag-asawa sila ng pinsan nito. "Hi," bati niya rito.

"May I?" paalam nito habang nakaturo sa upuan sa tapat niya.

"Sure. Ahm... may maitutulong ba'ko sa'yo?"

Ngumiti ito. "Wala naman. Gusto ko lang makipag-usap sa'yo. Matagal ka na ring naku-kuwento sa'min ni Dylan."

Nahihiyang ngumiti siya. "Paano mo nalamang nandito ako?"

"I called your office a while ago. Nasabi ng sekretarya mo na nandito ka."

Napatangu-tango siya. "So... anong gusto mong pag-usapan?"

"Well, I had a feeling that you and Dylan had another fight? Ang palatandaan kasi namin kapag badtrip si Dylan ay nagta-trabaho siya na parang robot. Tuluy-tuloy. Parang hindi napapagod. Hindi natutulog."

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon