Chapter Twenty-Nine (Part 3)

202K 4K 355
                                    

"BAKA malamig ang tubig."

            "Ayos lang. Sobrang init dito. Let's have a swim. Come on, honey," hila ni Dylan kay Lana sa beach.

            His wife pouted her lips. "Sandali lang, ah."

            "Depende. Pa'no kapag nag-enjoy tayo? Halika na."

            Nagpahila na ito sa kanya at magkahawak kamay silang lumubog sa tubig. Sakto lang ang lamig ng tubig para mapawi ang init ng araw.

            Hinila niya pa sa mas malalim si Lana. Napatili ito nang wala nang matapakan ang paa nito. Agad itong kumapit sa leeg niya. "Dylan!"

            He chuckled. "Marunong ka namang lumangoy, ah?"

            "Ayoko sa dagat. Hindi ko kayang sumisid dito o lumangoy. Kasi for sure, mababasa mga mata ko ng tubig. Mahapdi pa naman ang tubig alat sa mata."

            "Sige, kapit ka na lang sa'kin. Mas pabor sa'kin 'to."

            She chuckled. "Makakatsansing ka nga naman."

            Pumalibot ang mga braso niya sa baywang nito. "Naalala mo ang unang swimming lesson natin?"

            She smiled naughtily. "Bakit? May plano kang ulitin?"

            Mapalad ang naging ngiti ni Dylan. Naririnig niya muli ang tawa ni Lana at nakikita ang mga ngiti nito. Alam niyang hindi pilit iyon o pagpapanggap lang.

            From deep within, he knows his wife really wanted to smile and laugh and be just carefree.

            "Iyong nangyari sa shower, may plano ako."

            Yumakap ito sa kanya habang natatawa. Pabirong kinurot pa siya nito sa tagiliran. "Uy, gusto ring maulit," he teased her.

            Winisikan siya nito ng tubig. Gaganti sana siya pero biglang bumitaw ito sa kanya at lumangoy palayo.

            Nagulat siya. "You said you don't want to swim in the sea?"

            Kinindatan siya nito. "I changed my mind. Catch me?"

            "What's the prize?"

            "Shower," makahulugang sabi nito.

            He chuckled and started to swim. Ngunit, mabilis itong nakaahon at tumakbo palayo. Napapailing na lang siya at saka hinabol-habol ito.

Tawa lang sila ng tawa habang parang mga batang naghahabulan. Napapatili-tili pa ito kapag nahuhuli niya. Pero mabilis din itong nakakatakas at magpapahabol na naman.

He grabbed her in the arm when he reached her. Mabilis na hinapit niya rin ito sa baywang at siniil ng mariing halik sa mga labi. After the kiss, Lana's smiling widely and love was in her eyes. Natutunaw na naman ang puso niya. He wanted to see that look from her until they grow old.

"You're the most beautiful girl I laid my eyes on."

"Playboy lines, huh?"

"I'm seeing my forever with you."

Sandaling nakita ni Dylan ang lungkot sa mga mata ni Lana. Naisip siguro nito ang totoong kalagayan nito. Ngunit agad rin iyong napalis. She smiled, again.

"Do you believe that everything happens for a reason?" tanong niya rito. "Because I do."

"Y-Yes..."

"So, you know why the sun sets?"

"To give time for the moon to shine?"

Idinantay niya ang noo sa noo nito. "It's a reflection of hope. Tomorrow it'll shine the brightest after a long night. It's a cycle everyday. You know why?"

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon