Chapter Two

353K 6.4K 423
                                    

CHAPTER TWO

"SHIT!" mahinang sambit ni Lana nang magising na parang minamartilyo ang ulo. Pinilit niyang idilat ang mga mata ngunit lalo lang sumakit ang ulo.

Argh! Naparami talaga ang inom niya kagabi. Paano kaya siya nakauwi sa kanila? Huminga siya nang malalim at hinayaan ang sarili tumagal pa lalo sa kama. Hindi pa naman tumutunog ang alarm clock niya kaya puwedeng hindi pa siyang bumangon.

"Aww..." daing na naman niya at saka hinilot-hilot ang sentido. Maya-maya ay mas nakaramdam siya nang lamig.

Hinila niya ang kumot hanggang leeg niya. Masyado sigurong nalakasan ang aircon niya kagabi. Kumilos siya upang bumaluktot ngunit may naramdaman siyang pagkirot sa ibaba nang puson.

Napahawak siya sa puson. Why is her private part aching? Magkakaroon na ba siya? Pero, katatapos niya pa lang, kaya imposible iyon. Napaungol si Lana nang pumitik na naman ang sentido niya. Nagtalukbong na siya nang kumot.

Mukhang hindi na siya makakapasok sa opisina dahil sa hangover. Baka mamaya, mapagalitan pa siya ng Dad niya kapag nalamang naglasing siya nang sobra kagabi. Pati ang lolo niya na si Lolo Rex ay baka masermunan rin siya!

Nakauwi ba talaga siyang mag-isa kagabi? Nagpasundo ba siya sa kapatid niyang si Prince?

Parang bala ng baril na mabilis na pagtama sa ulo niya nang mga nangyaring "kababalaghan" kagabi! Umaalingawngaw sa tainga niya ang mga halinghing at ungol--shit!

Napasinghap nang malakas si Lana at namulat ang mga mata. Napabalikwas rin siya nang bangon. Nakalimutan niya ang masakit na ulo lalo nang makita ang isang lalaki sa tabi niya!

Hubo't hubad pa!

"Shit, shit, shit!" sunud-sunod na mura ni Lana nang makitang wala rin siyang saplot ni isa! "Argh!" napasigaw na siya sa frustration nang mas naging malinaw ang lahat sa kanya.

My goodness! Nakipag-one night stand siya! Sa hindi niya kilala! What the freakin' hell?!

Kahit nahihilo pa ay nagmamadali siyang umalis ng kama at pinulot isa-isa ang mga damit niya. Habang nagbibihis ay napansin niyang hindi pamilyar ang lugar kung nasaan siya.

Sumama nga pala siya sa lalaki kagabi! Damn it! Damn it!

Ayan na, Lana, na-realized mo rin ang lahat nang kagagahan mo kagabi. Habang sinusuot niya na ang mga sapatos ay pasulyap sulyap rin siya sa natutulog na lalaki.

Dylan! Right! Iyon ang pangalan nito!

Buti naalala mo pa. Ilang beses mo ring sinigaw ang pangalan niya nang paulit-ulit, pang-aasar nang malditang bahagi ng isip niya. Napailing-iling siya at saka sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Paalis na sana siya nang maalala ang kanyang purse. Nasaan na kaya iyon? Nandoon pa naman ang cellphone, susi ng kotse, at wallet niya. Hindi siya makakauwi kung wala iyon.

Dahan-dahan siyang naghanap sa buong kuwarto. Ang lakas nang pagtambol ng dibdib niya. Natatakot siyang baka biglang magising si Dylan. Hindi niya alam kung anong sasabihin kung bigla itong magising.

Hindi niya eksaktong maalala lahat ang nangyari. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit kusang sumama rito at makipag... makipag...

"Nasaan na ba kasi iyon?!" naiinis na wika niya nang hindi pa rin makita kung nasaan ang purse niya.

"Ano bang hinahanap mo?"

"What the f--?!" Literal na napatalon si Lana dahil sa gulat. Agad siyang napalingon kung saan nanggaling ang boses.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon