Chapter Sixteen

271K 5K 135
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Many years ago...

ALLANA ROSE dela Cruz. Simula nang magkaisip siya ay "Lana" na ang tinatawag sa kanya. She was taken care of her Yaya Conchita since she was born up to her teen years. She's an only child. Ang yaya niya ang lagi niyang kasama sa bahay, laging uma-attend ng school activities niya, at laging nagpapayo sa kanya ng mga bagay na kailangan niyang malaman.

Minsan niya lang makita ang mga magulang niya. Kung walang business trips ang mga ito ay isang beses lang silang nagkikita-kita. Tuwing breakfast na bago siya pumasok sa eskuwelahan at bago pumasok ang mga ito sa trabaho.

Her father was a businessman while her mother was a well-known fashion designer. Obviously, hindi siya naging malapit sa mga ito kahit gustuhin man niya. She made a lot of effort when she was a kid.

Lagi siyang nagpupuyat tuwing Friday at Saturday dahil hinihintay niya ang pagdating ng mga ito mula sa trabaho. Gusto niyang ipakita sa mga ito ang ginagawa niyang cards para sa mga ito, gusto niyang makita na tinitikman ng mga ito ang bine-bake nilang cookies ni yaya Conchita, at gusto niyang... mayakap ang mga ito bago siya matulog. Pero, hindi nangyayari iyon. Dahil kahit anong gawin niyang pagpupuyat noon ay hindi niya pa rin maabutan ang mga magulang niya sa pag-uwi.

"Lana, wake up. Mahuhuli ka na sa klase kapag di ka pa gumising.," gising sa kanya ng Yaya Conchita niya.

Napaungol ang walong taong gulang na si Lana at saka dinila-dilat ang maliliit na mata. "Yaya... it's so early pa, eh. Let me sleep for a while," aniya saka niyakap ang purple teddy bear niya. Nagtalukbong pa ulit siya ng violet comforter niya.

Lahat ng nasa kuwarto ni Lana ay kulay violet dahil iyon ang paborito niyang kulay. From walls, carpets, lampshades, bed, pillows, and a lot more.

"Aba't ayaw mong mag-breakfast, maliit na bata? Ayaw mong makasabay ang Mama at Papa mo?"

Parang magic word ang mga salitang iyon kay Lana dahil bigla siyang napabangon. "They're here na, Yaya?" excited na sabi niya. "Nakauwi na sila from Italy?"

Tumango ang Yaya niya at saka siya tinulungan bumangon sa kama. "Opo. Nandyan na sila. Kauuwi pa lang nila kagabi. Tapos na daw ang trabaho nila roon."

Napalakpak niya ang mga kamay. Yehey! Makikita niya ulit ang Mama at Papa niya. Tumakbo siya sa loob ng banyo niya at mabilis siyang pinaliguan ni Yaya Conchita.

"Yaya! Hurry up! I wanna see Mama and Papa na," pagmamadali ni Lana habang sinusuklay ni Yaya Conchita ang long hair niya. Nakasuot na siya ng school uniform at school socks niya.

"Maabutan mo sila, wag ka mag-alala. Sinigurado ko na gisingin ka ng ganito kaaga para makasama mo sila," sabi pa nito habang hinahati nito sa gitna ang buhok niya at saka tatalian.

"I sooooo want to see them!" One week din nawala ang Mama at Papa niya.

"Sabik ka sa mga pasalubong, ano?"

Umiling siya. "Lagi naman pare-parehas ang pasalubong nila sa'kin, eh. Laging doll. Pero, okay lang iyon, di'ba, Yaya? The most important thing is I can see them, I can hug them and kiss them, many many times!"

Natawa ang Yaya niya. "Nga naman. O siya, tapos na kitang ayusan. Puwede ka ng bumaba."

Napatalon sa excitement si Lana. "Thank you, Yaya!" Tumakbo siya palabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Hindi siya takot mahulog dahil sa liit niya, nasanay na siya na laging bumababa ng hagdan nang patakbo kapag hinahabol niya ang parents niya.

"Mama! Papa!" she cheerfully said as she entered the dining room.

Napatingin sa kanya ang Papa niya na busy sa pagbabasa ng newspaper. "Good morning, Lana," pormal na sabi lang nito at saka binalik ang atensyon sa pagbabasa.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon