Chapter Seven

275K 5.7K 550
                                    

CHAPTER SEVEN

"LET'S have a role play."

Lana chuckled. "Na naman?"

"Ibang roles naman ngayon," anito at saka siya hinila pababa ng pool.

Napatili siya dahil sa gulat at dahil na rin sa lamig ng tubig. "Dylan!" mabilis rin siyang napakapit sa balikat nito nang hindi maabot ng paa niya ang sahig ng pool.

"Hindi ka pa marunong lumangoy?" tanong nito.

"M-Marunong. Kaunti. Huwag lang sa malalim," sabi naman niya.

Naramdaman niya ang paghapit nito sa baywang niya at saka ito lumangoy sa gitna ng swimming pool. "Okay. I'm your swimming instructor and you're my student."

Lumayo na siya dito dahil medyo nasa mababaw na parte na sila. "And then?"

"I'll teach you how to swim."

Tinaasan niya ito ng kilay.

He chuckled. "Seriously. I'll teach you how to swim. Para naman kahit papaano matutunan mong lumangoy kahit sa malalim na parte ng pool. Para hindi ka malunod."

Napatango si Lana. Matagal niya na rin namang gustong matutong lumangoy talaga. Hindi lang siya nagkakaroon ng sapat na oras. And Dylan was here now to teach her.

"Marunong kang sumisid?" tanong nito.

"Oo."

"Ako rin," nakangising sabi nito. Double-meaning.

Sinabuyan niya ito ng tubig na ikinatawa nito. "What?" painosenteng tanong nito. "Marunong naman talaga akong sumisid."

"Whatever. So, ano naman ang koneksyon ng kaalaman ko sa pagsisid?"

"It means that you can hold your breath for a long time." Kinuha nito ang dalawang kamayniya. "Now, let's start. Anong basics ang alam mo?"

Sinagot niya ito at seryosong seryoso ito na tinuruan siya. Kakaiba ang tono ng boses nito, he's not playful or seducing. He's not so serious, too. He's patiently instructing her. Mabuti na lang at mabilis niyang nakukuha ang mga tinuro nito kahit pa sobrang destructed siya sa mga munting pagdampi ng mainit nitong balat sa kanya.

The water's cold but Dylan's undeniably hot.

After an hour of serious swimming lessons, nakaramdam na si Lana nang pagkapagod.

"Okay, let's end your swimming lesson. But before that, pumunta ka doon sa dulo," sabay turo nito sa pinakmababang parte ng pool. "From there..." Lumangoy ito papunta isang dulo ng pool na malalim. "Swim up to here!" sigaw nito.

Nilakasan ni Lana ang loob at tumango. Sinunod niya ang ginawa nito. Sinusubukan nito kung totoo bang may natutunan siya. Nang nasa isang dulo na siya na tinuro nito ay nag-ipon siya ng maraming hangin sa dibdib at saka gumamit ng freestyle stroke na isa sa tinuro nito. Nasa gitna na siya ng pool nang sumisid naman siya hanggang sa kabilang dulo kung nasaan ito.

Pag-ahon niya ay mabilis siyang inabot ni Dylan.

"Very good," puri nito at saka siya hinapit sa baywang.

Umaakyat baba ang dibdib niya dahil sa paghahabol ng hininga. "You're a good teacher. Dapat nag-swimming instructor ka na lang," biro niya rito.

"Well, that's my sideline. Kapag wala naman akong masyadong ginagawa sa hotel, nandito ako lagi sa gym at nagtuturo, nag-a-assist din ako sa gym at sa boxing."

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon