Chapter Four

302K 5.7K 212
                                    

CHAPTER FOUR

"KILALA mo siya?" tanong pa ni Reeve sa kanya.

Lihim na napalunok si Lana at nang makita niyang papalapit si Dylan kay Reeve ay bigla siyang nataranta. Napatago siya sa likod ni Reeve.

"Lana?" nagtatakang sambit pa ni Reeve. Nagulat siguro sa ginagawa niya.

"Reeve, anong oras ba 'to matatapos? Pwede ba pumirma na lang ako tapos aalis na 'ko kaagad?" tanong niya rito.

"Huh? Ang alam ko may awarding pa para sa mga napili naming charity foundations. Ikaw ang tatanggap para sa Big Hopes. Wait, ano bang problema mo? Bakit nagtatago ka sa likod ko?"

"Reeve!"

"Dylan," ani naman ni Reeve.

Nagsimula na namang umahon ang kaba kay Lana. Paano ba siya hindi makikita ni Dylan? Argh! Sa lahat naman ng puwedeng maging pinsan ni Agatha ay ang estranged husband niya pa!

"Hindi pa ba tayo magsisimula?" narinig niyang tanong ni Dylan. Nakalapit na ito!

Agad na nagpalinga-linga si Lana. Saan ba siya puwedeng tumakas? Ayaw niyang makaharap si Dylan.

"Ang alam ko may hinihintay pa," sagot naman ni Reeve.

"Bakit may babae sa likod mo? Ikaw, ah. May tinatago ka. Isusumbong kita kay Agatha," pabirong sabi nito.

Shit!

"Ah, si Lana—ouch!" Malakas niyang kinurot sa tagiliran si Reeve bago pa nito matuloy ang sinasabi.

"Excuse me, Sir Reeve, Sir Dylan," biglang singit ng isang babae "Magsisimula na daw po tayo in five minutes."

Nabaling ang atensyon ng dalawa sa sinabi ng babae kaya naman agad siyang umalis sa likod ni Reeve at mabilis na tumakbo sa isang pinto na nakita niya. Pagpasok niya roon ay isa pala iyong empty hall na papunta sa comfort rooms.

Pumasok siya sa lady's room na walang tao at saka pinakalma ang kabadong dibdib. Ilang beses siyang nag-inhale-exhale. Napasandal siya sa sa tiled wall.

Hindi naman puwedeng magkulong siya doon hanggang mamaya. Baka hindi makapagsimula ang pirmahan kapag bigla na lang siyang nawala.

Bakit naman kasi ganoon? Bakit naman kasi sa lahat nang puwedeng maging vice-president ng hotel na iyon ay si Dylan pa? Ngayon, paano niya haharapin ito? Paano siya magpapanggap na hindi niya ito kilala? Paano niyang hindi ito papansinin kung nanginginig siya sa kaba?

Bakit ka ba kasi natatakot kay Dylan, Lana?

Hindi sa natatakot siya kay Dylan... natatakot siya sa tensyon na meron sa pagitan nila. Hindi na siya bata at ganoon ka-inosente para hindi malaman kung anong meron sa kanila ni Dylan.

"Here you are."

Malakas na napatili si Lana nang bigla na lang pumasok si Dylan sa banyo! "What the hell are you doing here?!" singhal niya rito. "Banyo 'to ng mga babae."

Sinara nito ang pinto. She heard the door locked.

He smirked. "Iniisip mo bang mapagtataguan at maiiwasan mo 'ko, Allana? Hmm?"

Napalunok siya at napaatras nang unti-unti itong lumapit sa kanya.

"H-Hindi kita pinagtataguan o i-iniiwasan..."

"Kaya pala hindi ka na tumawag. You said you'll call but you never did." Huminto ito sa paglapit at saka sumandig sa isang tiled wall habang nakahalukipkip. Seryoso na ang mukha nito habang diretsong nakatingin sa kanya. "Akala ko gawain lang iyon ng mga lalaki. Pati rin pala mga babae ginagawa iyon. After one night, you'll just disappear like that."

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon