Chapter Seventeen

269K 4.7K 583
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Present time...

"YOU'RE too quiet. Anong iniisip mo?"

Napalingon si Lana kay Dylan na nakaupo sa kama nito habang tanging kumot lang ang tumatakip sa ibabang parte nito. "May naalala lang akong childhood memory," sagot niya at saka ito matamis na nginitian.

They just made love earlier and it's really sweet. Actually, two weeks na ring nakalipas ang birthday ni Reeve kung kailan sila naging maayos ni Dylan. Fortunately, they're going smoothly. They had a couple of dates and, of course, lovemakings.

Lihim pa rin ang kasal nila dahil hindi pa alam ni Lana kung paanong sasabihin iyon sa pamilya niya. For now, hinayaan na lang muna nila ang iba na malamang, nagliligawan na nga sila ni Dylan.

Tumayo ang huli at inabot ang boxer shorts nito. Sinuot nito iyon at lumapit sa kanya. "Hindi pa tayo nagdi-dinner, anong gusto mong kainin?"

Natawa siya. "Oo nga, ano? Wait, ano bang meron sa kusina mo?"

He brushed his thumb against his lips. Napansin niyang lagi nito iyong ginagawa kapag nag-iisip. "Hmm. Let's check it out. Kapag wala, pa-deliver na lang tayo ng pizza."

Tumango siya. "That's a good idea."

Hinawakan nito ang kamay niya at pumunta sila sa kusina nito.

Nasa condo unit sila nito ngayon. Well, supposedly, may date sila pero nauwi sa pag-uwi nila roon—and they did a lot of things in bed that made them lose dinner.

Binuksan niya ang ref at wala naman masyadong maluluto doon. "Uy, mayroong hotcake mix dito." Nilabas niya ang malamig na bowl na kinalalagyan niyon.

"Anong gagawin mo diyan?"

"Lulutuin tapos kakainin," obvious na sagot niya at saka kumuha ng butter.

"Hotcake? Sa dinner? Pang-breakfast lang iyan."

"Aangal ba ang hotcake, Dylan?"

Natawa ito. "Sabagay," sabay kibit-balikat. Ito na ang unang lumapit sa kalan at kumuha ng maliit na non-stick pan.

Maya-maya pa'y nagsimula nang umamoy ang butter at ang hotcake habang niluluto iyon. Habang nagluluto siya ay hinapit siya ni Dylan sa baywang.

"Allana... I have a question."

"Ano?" aniya habang nakatutok ang tingin sa niluluto. Bigla siyang nagutom dahil sa amoy ng hotcake.

"Ilang anak ang gusto mo?"

Gulat na napatingin siya rito. Pagkuwa'y natawa. "Bakit mo naman natanong 'yan?"

Nagkibit-balikat ito. "Gusto ko lang malaman. These past few days, biglang gusto ko nang bumuo ng pamilya."

Humarap siya rito at yumakap sa leeg nito. "Alam mo, Dylan, pakasalan mo muna ako sa simbahan, at saka tayo bumuo ng pamilya." Kiniskis niya pa ang ilong sa ilong nito. "Hindi pa nga natin alam kung paano sasabihin sa lahat na kasal na tayo, eh."

Kinuha nito ang frying spatula mula sa kanya at ito na ang nagtaob ng hotcake. "Ikaw lang naman ang gustong magtago," parang nagtatampo pang wika nito.

Napangiwi siya. "Parang ang hirap kasi ipaliwanag. Like 'Hey, Dad, Mom, Lolo, and Prince. Kasal na po ako kay Dylan almost four months ago. Nagpakasal kami kasi lasing ako tapos type niya 'ko noon pa. Kaya ayun. I'm married!'," animated na sabi niya na ikinatawa ni Dylan. "Di'ba? Hindi ganoon iyon ka-cool."

Kumuha si Dylan ng platito at doon inilagay ang luto ng hotcake. "Gusto mo ba, huwag na lang natin ipaalam, hanggang sa makasal tayo sa simbahan?"

She pouted. "Puwede rin. Kaso paano kapag hindi nag-work 'tong relationship natin, tapos maghihiwalay tayo? We need lawyers for an annulment, at hindi puwedeng hindi iyon malaman ng mga parents ko." Naglagay ulit siya ng hotcake mix sa pan.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon