Chapter Sixteen

66.9K 3.8K 683
                                    

Kailangan

Tyron's

KASALUKUYANG pinaiinom ng tubig ng Dyosa na iyon si Ave Maria. Hindi yata talaga siya makahinga. Ako naman ay walang magawa kundi ang makipagtitigan sa batang nasa harapan ko. Anak ko. Anak ko siya. Habang tumatagal ang titig ko sa kanya ay para bang lalong tumitingkad ang pagiging magkamukha namin.

I knew that there was something in him the moment he emerged from the table. He was tall, maputi siya – mana kay Ave pero kitang – kita sa mukha niya na kaming dalawa ng ang magkamukha.

"Hi," I said. Kumunit ang noo niya.

"Sabi ni Tito Pepe bakla daw ang tatay ko. Bakla ka ba?"

"JT!" Pagbabawal ni Ave. Hindi ko alam kung matatawa baa ko o mag-iinit ang ulo. Sino si Tito Pepe? Palagi ba siyang basa? Ano naman kayang amoy ng Pepe na iyon?

Bigla akong natigilan. Tanda kong sinabi ni Ave na may pamilya na siya at hindi siya naghintay tulad ng inaasam ko. Marahil ay si Pepe ang asawa niya. Napabuntong – hininga ako.

"Whoever this Pepe is, maybe he was right. Maybe JT's dad is gay because he had no ball on staying by your side, Ave."

Hindi ako nakakibo. Tinamaan kasi ako at nadurog ako sa pagkakataong iyon. Ano bang maisasagot ko doon? Totoo naman iyon. Umalis ako noon, dahil sa sama ng loob. Nagpalipas lang ko ng ilang araw pero hindi ko nagawang bumalik agad, una dahil sa hiya, pangalawa dahil kalaban ko ang mga sirkumstansya. Kinailangan ko ng nag-iisang pamilya ko noon, hindi ko siya pwedeng iabandona na lamang basta. Mahal ko si Ave pero may responsibilidad ako noon. Palagi kong naiisip na sa lumipas na apat na buwang iyon ay napakarami kong dapat nagawa para kay Ave Maria. Sising – sisi ako pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ni ang bumawi nga ay di ko alam kung tama pa ba? Maaari kaya?

"I'm sorry. I didn't know." It was all that I could say.


"You didn't know because you left." Damang – dama ko ang sama ng loob ni Ave.

"JT, come." Wika ni Dyosa. "I will pretend that I have something more important to do even though I so wanna listen to this chika." Tumayo ang kapatid ni Ave at hinatak ang anak ko. Humabol ako ng tingin sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang kinikilala ang buong pagkatao ko.

"Babalik ba tayo?" Narinig kong tanong ng bata. "Kamukha ko siya. Tinatanong ko si Mame dati, hindi siya makasagot. Kamukha ko pala kasi talaga."

"Babalik tayo. We're just gonna try to hear from the outside. Pero secret lang natin."

Nang maiwanan kami ay tumayo si Ave. Kinuha niya ang box ng hand gloves mula sa kung saan at tinungo ang pinto. Agad ko naman siyang pinigilan.


"Ave, mag-usap tayo."

"Wala na tayong pag-uusapan."


"May anak tayo."

"Akin lang. Wala ka namang ambag sa pagpapalaki sa kanya. Semilya mo lang. Iyong moral support sana na ibibigay mo sa akin, iyon sanang pag-aalaga at iyong pagmamahal para kay JT, naiambag mo ba? Hindi. Kaya h'wag mong idahilan sa akin na may anak tayo, akin lang si JT and if you try getting him from me, I will give you the taste of my surname." Pagbabanta niya. Hindi ko pa rin siya binitiwan.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Sana kasi hindi ka umalis. Sana nakinig ka sa akin. Sana kasi bumalik ka, hindi ka naman bumalik, ni wala kang pasabi! Sana... sana... puro na lang sana, hindi naman na maibabalik ng sana iyong oras. Galit ka sa nanay mo noon kasi hindi ka nagkaroon ng buong pamilya, anong nangyari sa anak mo?" Nanunumbat siya. I deserve all that. Pinahid ni Ave ang mga luha niyang naglandas sa pisngi niya.

Tell me you love meWhere stories live. Discover now