Prologue: Girl on fire

165K 4.1K 549
                                    


Tell me you love me

A novel written by:

xxakanexx

Damsel Series # 04

Prologo:

"Nandito ka na naman, Ate. Kundi ospital, bahay, nandito ka naman sa simbahan namin. Anong gusto mo? Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend."

Inisiran ko ang kapatid ko. Kung makapagsalita kasi siya ay parang ayaw niya akong makita. Linggo – lingo ko siyang dinadalaw kasi nami-miss ko siya. Limang taon na siyang pari doon sa parokyang iyon and I really miss him kaya kapag dumadalaw siya sa Mommy at Daddy namin sa lumang bahay ay umuuwi rin ako.

"Hindi na ako magkaka-boyfriend. Twenty – eight na kaya ako."

"Bata pa iyon." He said. Umismid ulit ako.

"Matanda na ako, mag-thirty na ako two years from now pero hanggang ngayon wa-show pa rin ang Mr. Right ko, so therefore I conclude, mas real pa iyong pounds na-se-shed ko sa kaka-wellness ko kaysa naman sa Mr. Right na iyan." Masungit na sabi ko. Tumawa ang kapatid ko.

Sa totoo lang, sa edad kong ito hindi na ako umaasa na magkakaroon pa ako ng jowabells. Wala naman sa isip ko iyon. Sabi nga ng kapatid kong babae, hindi daw ako dapat mag-isip ng ganoon pero totoo naman kasi.

I am twenty-eight years old, may stable job, may sariling bahay at kotse, may mga investments and all, I have everything life has to offer, I have a loving family and the best circle of friends. My life is perfect but I don't have a boyfriend. Hindi na rin naman talaga ako naghahanap. Masaya ako bilang isa sa mga Titas of Manila at Titas ng mga pamangkin ko sa pininsan.

"God always provides, Ate. Hindi lang agad – agad. There is always a perfect timing for everything, believe me."

"I know that but I won't expect anymore. Tatlong beses na akong naiwanan sa altra, remember."

Oh yeah, and that's another unique thing about me.

I had been left in the altar for three times.

First was when I was twenty -three. I had this boyfriend, Garet, I met him in high school, we fell in love and we got through hanggang after pre-med school ko. Nagbalak kaming magpakasal para naman before I enter med school, okay na kaming dalawa but the wedding day came, he didn't arrive. Nag-iwan na lang siya ng note na nagsabing I'm sorry. Tapos ayon na iyon. Galit na galit ang Daddy ko saka ang mga tito ko. They haunted him at noong makita ni Dad, sinabi niyang sabihin ko kung anong gusto kong gawin sa kanya but I just told him to free him kasi nga past is past.

The second one was when I was twenty – five. It was a whirlwind romance. Three months lang kaming magkasama, we decided to get married but he runaway that same day kasi hindi pa daw siya ready. I asked Dad to spare him, ayoko ng gulo.

The last wedding happened a year ago. His name was Jose. Matindi ang paniniwala ko sa love kahit naka-dalawang beses na akong bigo, I tried again, and I thought that by this time, everything will be okay. Ayos na, nagpapalitan na kami ng vows but then, out of nowhere, someone yelled na itigil ang kasal!

In the middle of the church, I saw a pregnant woman. She was crying, nakikiusap siya kay Jose. It was too painful for me. Siyempre, siya iyong pinili. Buntis na iyon, for the third time, naiwan ako sa altar. Hiyang – hiya ako sa sarili ko.

I cried for months, hindi ako lumalabas ng bahay ng weeks, noong makalabas ako, pumasok ako sa ospital. Pinapatay ko ang sarili ko sa trabaho, nagkasakit ako, nagalit din si Dad sa akin. Si Mommy naman ay iniyakan ako. That was when I realized that I have to move on and finally stop thinking about marriage.

Nandito na ako sa punto ng buhay ko na kung may darating man sa buhay ko, okay lang, kung wala, okay lang din. Hindi naman sa pagkakaroon ng boyfriend nakasalalay ang buhay ko. I am a strong independent woman with the vital statistics of 38 – 32 - 36 because food is life.

"Try to got out more often, Ate." Sabi pa ng kapatid ko.


"I will try." I said. I kissed my brother. Inihatid na niya ako sa kotse ko. I waved at him.

"Bye, Arkanghel." I smiled at him.

"Bye, Ave Maria. Please be careful."

Bumusina pa ako bago umalis. While on the road, pinatugtog ko iyong radio and I sang along.

"This girl is on fire! This girl is on fire! She's walking on fire! This girl is on fireeeee! Ohhh! Ohhh!"


Tell me you love meWhere stories live. Discover now